Search 6: Ang tawag

2.7K 57 0
                                    

Search 6: Ang tawag

Roanna's POV

"Ate, kailan mo pala sasabihin kina Tito at Mommy yung pinaplano natin?" tanong ni JC habang nakaupo sa harap ko.

Nandito kami ngayon sa office ko dito sa school. Kami na lang ni JC ang nandito. Pinauwi ko na lang muna yung iba para makapagpahinga muna sila at para na din makapag-isip sa dapat naming gawin sa baliw ko na kapatid! Jowk lang yung baliw ah?! Baka sugudin niyo pa ako dito eh!

"I don't know. Baka mamaya, I'll stop over at your house." Sagot ko.

"Isasama mo na si Tito?"

"Kung hindi siya busy, isasama ko siya."

"Okay, Ate. Aalis na nga pala ako. I'll make sure na umuwi si Kuya. Ikaw na muna ang bahalang mag-excuse sa amin, ha?"

Tumango ako at lumabas na si JC. Ako naman, chineck ko yung mga papers na nandito sa table ko. Back to work!

N A R R A T I O N:

Nagpatuloy ang klase sa Garcia University.

"Aish. Late na ako!"

Ngunit may isang babae ang kumakaripas na tumakbo palabas ng eskwelahan. Nakita niyang may kinakausap na estudyante ang guard kaya lumabas na agad siya.

Bago siya makasakay ay may lalaking humarang na sa kanya.

"Ikaw na naman?!"

"Bakit? Anong meron sa'kin?"

"Argh! Pwede ba? 'Wag kang haharang-harang? May pupuntahan pa ako!"

"Tss. Okay. Pero pinapaalala ko lang sa'yo ang inaalok ko."

"I already said no, right? Hindi ako papayag!"

"Well, just offering. Malaki din yun."

"I don't care!"

At nagkaroon na ng pagkakataon ang babae para makasakay ng tricycle.

JC's POV

Nag-drive na ako pauwi ng bahay. I'm already 18 years old kaya pwede na akong mag-drive although hindi pa din ako pinapayagan ni kuya na magdrive. Bini-baby pa rin nila ako. Tsk. I'm 18 and they're 19! Isang taon lang naman ang agwat naming ah. Haish.

Tumigil muna ako sa Mini Stop. Bibilhan ko muna sina Magui at Lelay ng pagkain. Pumasok ako at dumiretso agad sa may mga candies. Kumuha din ako ng Lays at Pringles na paborito naming ni Mommy. Pagkatapos kong mamili ay pumunta na ako sa counter para magbayad.

"Sige na Miss! Tanggapin niyo naman ako, oh. Taga-walis, tagatanggal ng agiw, glass washer, bodyguard o kahit ano po! Tanggapin niyo naman ako!"

"Sorry Miss. Pero may pumunta na kasi dito kanina, eh. Siya na yung napili."

"G-ganun po ba? S-sige na lang po."

Mukhang gusto yata ng babae ng trabaho pero nakuya na yata yung slot.

Natapos na yung pag-punch ng mga pinamili ko.

"238 pesos po, sir."

"Bibili din po ako ng dalawang ice cream." Sabi ko dun sa cashier.

Kumuha na ang cashier ng ice cream. Napatingin ako ulit dun sa babae. Nasa labas na siya. Nakaupo siya ng parang Indian at nakayuko.

"Heto na po sir. 268 pesos na po lahat."

Kumuha na ako ng pambayad ko at iniabot dun sa cashier. Kinuha ko na nag aking mga pinamili at ang sukli. Lumabas ako at lumapit dun sa babae kanina.

"Heto ice ceam."

"H-huh?"

Pagkakuha niya ng ice cream ay umalis na din ako at dali-daling sumakay ng sasakyan.

"Teka! Bakit mo ko bi---" Pinaharurot ko na ang sasakyan. "T-thank you!" narinig kong sigaw niya. Ngumiti na lang ako.

Pagkauwi ko ng bahay ay agad kong sinabi kay Mommy/Mama ang napagplanuhan naming ng barkada at ni Ate kanina.

"Sige. Siguro yun nga ang dapat kailangan ng kapatid mo. Let him relax for a while."

"Baka pumunta din daw dito sina Ate at Tito mamaya. Mag-uusap din daw kayo tungkol dun."

"Sige anak. Nga pala, thank you sa Lays!"

"Walang anuman, ma!"

N A R R A T I O N:

Nakatulog agad si Daniel pagdating niya sa kanyang kwarto. Halos mag-iisang oras na din siyang tulog nang biglang magvibrate ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag kahit hindi pa naman niya alam kung sino iyon.

"Hello." agad na bati niya sa tawag subalit walang umimik sa kabilang linya.

"Hello? Sino 'to?" tumayo siya mula sa kanyang pagkakahiga at kinusot ang kanyang mga mata. Tinignan niya din ang orasan. Tinignan niya ang cellphone niya kung sino ang tumawag pero unregistered ang number.

"Hello? Sino po ba 'to?"

"D-daniel..."

Nanlaki ang kanyang mata at parang nabuhay ang lahat dugo at parte ng katawan niya. Gulat na gulat siya sa boses na kanyang narinig.

Totoo ba 'to? Siya ba talaga 'to?

Ito ang mga iniisip ni Daniel.

"K-kath?"

"D-DeeJ... Sorry for leaving you. I'm sorry for leaving you guys. I'm sorry."

Hindi nakaimik si Daniel. Ang alam niya lang ay kausap niya si Kath. Nabuhayan siya ng loob dahil sa tawag na ito. Napapangiti na lang siya.

"I love you guys. I love you Daniel."

"Kath kai---"

"If you can DeeJ, please move on."

Ngunit unti-unti nawawala ang ngiti niya nang marinig ang sinabi ni Kath.

"Kath, I won't do that. I love you so much."

Narinig ni Daniel ang paghikbi mula sa kabilang linya na nagpawala na sa ngiti niya.

"Kath? Bakit ka umi---"

"Bye, Daniel."

Naputol na ang tawag at mas lalong nadagdagan ang mga katanungan sa isip ni Daniel.

Sa ibang lugar naman, agad na sinira ni Kath ang sim card na ginamit niya. Nagawa niya lamang tawagan si Daniel para makapagpaalam siya kahit hindi maayos. Gusto niya mang bumalik subalit hindi pa maaari.

"Kung hindi mo kayang mag-move on, Daniel, sana... hintayin mo ako... pero kapag nakahanap ka na ng ibang babaeng mamahalin mo bago ako makabalik, wala na akong ibang magagawa kundi ang maging masaya para sa'yo."

My Lost Lover [KathNiel FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon