The First Encounter

14 1 0
                                        

Maagang dumating sa school si Alex, pagkatapos niyang i-park ang kotse ay derecho na siya sa classroom niya. Ibang iba ang araw na yon sa kanya, mula kasi pag gising niya ay hindi parin nawawala sa isip niya ang babae sa panaginip niya. Hanggang sa mga oras kasi na yon pakiramdam niya ay totoong nangyari ang panaginip niya.

"Huy! Bro, kamusta? Natapos mo na project natin?" tanong ng kaibigan ni Alex na si Jef na kadadating lang din sa classroom nila.

Isa si Jef sa mga kaibigan na matalik ni Alex, matangkad din at may hitsura, mahilig sa babae, pero hindi naman marunong manligaw kaya tulad ni Alex NGSB din ito.

"Bro?... Alex! Hey! You okay?"

"Ah, ha? Sorry! Sorry! Kanina ka pa ba?"

"Ay, hindi! Kahapon pa ko dito eh!" Biro ni Jef

"Ano ba kasi iniisip mo ang layo ng tingin mo, natapos mo na ba project natin?" tanong ulit ni Jef.

"Yeah.. natapos ko na..." sabay hinga ng malalim ni Alex habang kinukuha ang sketch pad niya sa bag. Napatanong ulit si Jef sa pag aakala nito na may problema ang kaibigan.

"Bro anung problema? Nag away na naman ba kayo ng Girlfriend mo? "

"What? No.. bakit?" tanong ni Alex habang nagsusulat sa kanyang sketch pad.

"Kanina ka pa kasi tulala, ang lalim ng iniisip mo." nangingiting sagot ni Jef

"Wala Bro, and please.. wala akong Girlfriend..okay? pinapa...." Di pa natatapos mag salita si Alex ay sinabayan na siya magsalita ng kaibigan.

"Oo na, pinapa date lang sayo.. e para ka kasing may sakit e, sayang yung oras Bro, daming chicks sa kabilang room.."

"I don't know.. maybe you're right, I don't feel well." matamlay na sagot nito.

*"Classmates! Attention! Wala si prof ngayon!"*

Pasigaw na balita ng isa nilang classmate, kaya sigawan ang mga ito sa tuwa at sabay sabay na naglabasan ng classroom ang mga estudyante.

"Oh Alex, sakto!"

hindi na kumibo si Alex agad na tumayo ito at lumabas.

'Uy! Teka hintayin mo ko lex!"

Agad naman na sumunod si Jef, at habang naglalakad sa Hallway ay nasalubong nila ang iba pang kaibigan.

"Alex, kamusta nanaginip ka na naman ba ng number ng lotto?" tanong ni Cielo sabay akbay kay Alex.

Si Cielo ang nag iisang babae na kaibigan nila, maganda pero may pagka boyish ito.

"Hmm nako.. nagising kasi ako agad di ko natandaan yung lahat ng numbers, 3 digits lang.." sagot ni Alex na kumakamot sa ulo. Dismayado naman ang mga kaibigan nito.

"Hay ano ba yan!" dismayadong sagot ni Cielo

"Oo nga nu ba yan! 3 Digits?? Balik taya lang yun e!" sagot naman ni Jef

"Eh, hehe pasensya na...but I'll make it up to you guys..libre ko kayo.." sagot ni Alex

"Teka nga ang hard niyo kay Alex eh, kayo talaga! Hindi madali ginagawa niya noh! Kayo kaya kumontrol ng panaginip.." sagot ng isa nilang kaibigan na si Tomtom, "wag kayong ganyan kay Alex, pero Bro...dapat kasi talaga tinandaan mo e! may mali ka din e!san makakarating yung 3 digits natin?!" dagdag pa nito.

"Oh tingnan mo to!" sabi ni Cielo sabay hampas kay Tomtom

"Umayos ka nga Tomtom, isa ka pa din e." sagot ni Jef.

It's YouWhere stories live. Discover now