Chapter 1: Prologue

40.7K 195 25
                                        

-Cosette’s POV-

Kriingg… Kriingg… Kriingg…

Ano ba ‘yan ang ingay, natutulog ako eh…

Kriingg… Kriingg… Kriingg…

Dumilat na ako at inabot ang aking alarm clock. MONDAY, 6:00am. Badudels! Mala-late na ako sa school!

Nagmadali na ako sa pagkain, pagliligo, pagbihis, at basta, 'yung normal routine ko tuwing schooldays. Ede ‘yun, pagkatapos ko nang mag-ayos, nagpaalam na ako kay Mama.

Ako nga pala si Cosette Flores, 14 years old, third year high school student. Nag-aaral ako sa Erza Academy. Simpleng babae lang ako. Pero sabi ng iba, weird daw ako. Paano, tahimik daw, mahilig sa anime, manga, at video games; naka-salamin, mahilig magbasa. Sabi naman ng iba, mataray, suplada, masungit, o sige, lahat-lahat na!

Sa tuwing naririnig ko ang mga comments nila na ‘yun, natatawa nalang ako. Wala kasing katotohanan ang mga iyon eh. Tsaka sanay na rin naman ako.

Ngayon, thank goodness, nakarating ako sa school nang on time. 7:00am. Nakalimutan kong student council member nga pala ako. Hahays. May duty kami starting 7:10 ng umaga hanggang 7:30. Manghuhuli kami ng mga violators. Mahirap na gawain pero masaya naman siya.

-Ron's POV-

Kararating ko lang sa school. Wala pang masyadong tao. Kasama ko nga pala kapatid ko sa pagpasok, fourth year high school student na ako, at third year naman siya.

Pangalan ko? Ron Daniel Legaspi. Just call me Ron. Or Daniel nalang, kung Harry Potter fan ka at naw-weirdohan ka kapag binabanggit mo ang pangalan na Ron sa totoong buhay. Biro lang s'yempre. 15 years old na ako ngayon. Your typical anime fan. Medyo puyat ako ngayon at kalalabas lang kasi ng bagong OVA ng Fairy Tail. S’yempre, pinanood ko. Hehehe.

Dun ako pumunta sa tambayan ng section ko. Malapit lang ‘yun sa may gym. Meron na rin palang mga nauna sa akin, sina Skylar Filomeno, Brian Ying, Marco Marcos, at Anne Burkovitch.

Mga kaklase ko nga pala sila.

“Hi Ron!”

“Hi Skylar.”

“Musta ka naman? Mukhang pagod ka ah?”

“Hindi naman. Nanood lang ako ng anime kaning madaling araw eh.” Tapos sabay tawa.

“Huu… Ikaw talaga!” Tinapik niya ako sa braso.

“Hehehe… Ganun talaga eh, mas mabilis ang internet sa madaling araw…”

“Korni mo talaga Ron! So… may gagawin ka ba this weekend?”

“Wala naman…”

“Great! Nood tayo ng sine this Saturday! Showing na ng The More You Hate, the More You Love eh!”

“Skylar, wala akong panahon sa mga ganyan… Next time nalang ha?”

“Korni mo talaga Ron! Ayoko na sa iyo! Di na kita papansinin kahit kalian, tandaan mo ‘yan!”

Umalis si Skylar na naka-pout pa ang lips, pa-cute, parang hihintay na lambingin siya ng kung sino. Hay nako, mga babae talaga…

Hinayaan ko nalang siya at lumapit ako kina Marco.

“Par! Basted ka? Hahahaha!”

“Loko, hindi ko nga nililigawan ‘yun eh.”

“Eh ba’t hindi mo pa ligawan? Umaaligid na nga siya sa ‘yo, siya yata ang hottest girl na nakita ko dito sa campus! Sexy, maganda… Sa’n ka pa, ‘di ba?”

“Baliw ka rin par no’h? Haha! Puro ka sexy eh! Osiya, malapit na palang mag-bell… Tawagin ko lang ‘yung mga kapwa C.A.T. officers ko na magtataas ng flag.”

“Yabang! Officer siya oh! Sige par, mamaya nalang sa classroom!”

-Skylar’s POV-

Bakit ganun si Ron? Kaasar naman eh! Gusto ko talaga siyang maka-date this weekend… I had it all planned pa naman. Kainis talaga oh. I can’t take it anymore.

Skylar Jane Filomeno is my name. Campus cutie? I think so. Haha! 15 years of living and I don’t care what you think when I speak in English.

Mayaman, maganda, sexy, lahat ng fantasies ng mga boys nasa akin na yata. Sosyal, party animal, shopaholic… Ayun, you get the idea.

Pumunta nalang ako sa best friend ko para pag-usapan ang nangyari kanina. Her name’s Joy Santos.

“Joy, nakakainis talaga!”

“Oh bes, what happened ba?”

“Eh ayaw akong i-date ni Ron! Wala  raw siyang panahon sa mga ganito ganito…”

“Hay nako bes, ganyan talaga, pakipot lang yata eh. Tsaka, teka nga, paano ba yung approach mo sa kanya?”

And then, ‘yun nga, I told her what happened. Nobody turned me down on a date before.

-Author’s POV-

The bell rang. Pumila na ang lahat ng mga estudyante ng Erza Academy para sa kanilang morning ceremony.

Cosette’s at the school grounds along with her student council members, having their eyes set on their prey, ah este, mga violators. Ron’s at the school grounds too, malapit sa may flag pole, hanggang sa nag-command na siya na mag-march patungo sa may flag.

“Sa. Sa. Sa wa lo pat. Sa. Sa…”

Si Skylar? She’s still irritated about what happened earlier.

Silang tatlo ang ating aabangan sa mga susunod na pahina ng kwento na ito…

Alam Mo Na... 'Di Ba? ♥ [On-Hold :(]Stories to obsess over. Discover now