Chapter 17

10.9K 263 13
                                    

Bernadette


"Galing ako sa Japan para sa future ng company" Panimula ni Michael. Ayaw ko siyang tingnan pero kabastusan naman kung babalewalain ko siya. Siya pa din ang may ari ng company. "At naging maganda naman yung naging outcome ng pagpunta ko doon." Tumigil ito sa pagsasalita at tumingin sa akin. "Ngayon aayusin ko naman yung future ko." Binalingan nito yung babaeng kausap niya kanina. "Kaya isinama ko siya. Kasi siya yung aayos ng future ko."






Sabi ko na nga. Bakit ko nga ba naisip na umattend ng meeting na to? Ganun ba ako kamasokista para sobrang saktan ang sarili ko ng ganito. Hindi ko kaya. Lolokohin ko lang ang sarili ko na ok lang na andito ako. Wala na akong pakialam sa meeting na to. Hindi naman siguro ako matatanggal dahil lang sa hindi ako umattend ng meeting na ito. Dahan dahan akong tumayo at magaan ang paglakad palabas ng basketball court. Yung madahan kong pagkilos ay hindi naging alintana sa mabilis na pagpatak ng luha ko. Shet. Akala ko ba ubos ka na? Bakit parang nasulyapan mo lang ang nagpaiyak sayo bakit parang mas ginanahan ka naman lalo na magpasikat? Bakit naman ngayo ka pa sunod sunod na pumatak?







"Bernadette.." Natigilan ako sa pag imik na yun ni Michael. Bernadette? Wala na yung Dette. Wala na din yung Baby. Wala na lahat ng pwede kong asahan sa kanya. "Hindi mo ba tatapusin ang sasabihin ko?" Wala sa sarili na napailing ako. Hindi ako pwedeng humarap dahil ang mga mata ko ay hindi maampat sa pagpatak ng luha. "Hindi ko itutuloy ang meeting pag umalis ka. At hindi sila aalis dito hanggat hindi tapos ang meeting"




Hindi ko pa din magawang kumilos sa kinatatayuan ko. Wala na akong lakas para ang humarap pa sa kanya. O ang harapin lahat ng sasabihin niya. Pagod na akong masaktan.








"Kahit diyan ka lang.. pwede bang makinig ka muna baby?" Nagulat ako sa itinawag niya sa akin. Kahit yung lamyos ng boses niya ay hindi din nakaligtas sa aking pandinig. At mas lalong hindi maipaliwanag na emosyon ang aking naramdaman. "Si Love.." Kaya mo to Dette. Sana kayanin mo. " o Love Scarlet Valero ay pinsan ko. Close lang talaga kami kaya Ethan baby ang tawag niya sa akin." Napalingon ako sa kanya. Hindi na naisip ang itsura ng mukha ko kung puno ba ito ng luha. "Ang tibay mo kasi. Ayaw mo akong pansinin para magpaliwanag." Dahan dahan itong lumapit sa kanya habang nagsasalita "Sabi ni Love, base sa mga kwento ko sa kanya ng tungkol sayo o ng tungkol sa atin. Ang tanga tanga ko daw para hindi agad maisip na mahal na talaga kita" Medyo nag ingay ang paligid dahil sa parang tilian ng mga katrabaho ko. Sino bang hindi titili sa kilig? Kung ang gwapong CEO ng company ang magsasalita ng ganun. Natigil lang ang mga ito ng senyasan ni Michael na tumahimik "Siguro nga tanga ako. O siguro balewala ang katalinuhan ko kasi pagdating sayo ikaw lang ang kailangan ko." Hindi ko alam kung paano magcoconcentrate sa sinasabi ni Michael kasi ngayon ay mas malakas na sigawan na lalo galing sa karamihan.




"Akala ko ok na yung sitwasyon natin. Akala ko kahit walang label basta magkasama tayo sapat na" Hinaplos ni Michael ang mukha ko. Pinahid ang mga luhang sa halip na tumigil pumatak ay lalo na hindi nagpapigil. "Pero nung sinabi mo na walang tayo parang gumuho ang mundo ko. Gusto kong tumutol sa sinabi mo at ipagsigawan na mali ka. Pero bigla akong nanghina." Hinawakan niya ang isang kamay ko gamit ang isang kamay niya na hindi humahawak sa mic. "Gusto kong isigaw noon. Paanong walang tayo kung akin ka lang? Paanong walang tayo kung ikaw lang ang nagmamay ari sa akin? Paanong walang tayo kung ang hinaharap na nasa isip ko ay ikaw ang kasama ko? Paanong walang tayo kung bahagi ka ng sistem ko. Bahagi ka ng buhay ko. kasi kung walang tayo ikakamatay ko"






"Michael.." Hindi na din nagawa pang magreact ng karamihan dahil sa mga sinabi ni Michael. Yung sinsiredad ng bawat salita na binitawan niya ay nanunuot sa pagkatao ko.







"Buhay lang ako ngayon kasi gusto kong ipaglaban yung merong tayo. Kasi tama nga siguro ang pinsan ko. Simula ng makaduet kita ay nahulog na ako sayo. Na simula palang andun na yung special na damdamin na yun. At tama nga siguro niya na tinamaan talaga ako sayo kasi Mahal na mahal kita Dette"







Yung mata niya ay namumula na din dahil sa luhang namumuo. May kasalanan din naman ako kasi hindi ko siya hinayaan na magpaliwanag. Pero hindi ko naramdaman yung galit niya. Ang tanging nararamdaman ko lang ay yung huling pangungusap na sinabi niya. Na mahal na mahal niya ako. Lumapit ako dito at itinapat ang bibig ko sa tenga niya.






"Pwede bang pauwiin mo na sila? Nahihiya na ako." Bulong ko dito na ikinatawa lang nito. Bumaling ito sa karamihan habang hawak hawak pa din ang kamay ko. Ako naman ay pilit na itinago ang mukha ko sa may balikat ni Michael.







"Guys uwi na daw kayo. Salamat sa suporta. Nahihiya na girlfriend ko. Bukas libre ang lunch niyo lahat"






Isang malakas pa na tilian bago mabilis silang umalis. Hanggang si Love na lang ang naiwan. Lumapit ito sa kanilang dalawa. Nakangiti ito at wala ding sa mukha nito na galit sa akin dahil sa hindi ko pinakinggan ang pinsan niya.






"Pagpasensyahan mo na si Ethan. Labas tayo minsan para makilala pa kita. Mag usap na kayo ng ayos para hindi na umiyak yang lalaking yan"






"Love!"




Pero hindi na ito pinansin ng dalaga. Diretso lang itong lumabas.







"Umiyak ka?"




Parang hindi ko maimagine yung bagay na yun. At parang ang sakit isipin na dahil lang sa ayaw kong makinig ay nagawa ko siyang paiyakin.






"Lahat ng first ata mararanasan ko sayo" Hinalikan niya ako sa noo "First time kong magmahal. First time na manligaw. First time na umiyak."






"Sorry Michael"





"Ok na yun. " Inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko. Yung labi niya sa labi ko. " Pero naniniwala ka naman di ba? Na mahal kita? Mahal mo din ako di b?"







"Mahal kita Michael." Halos mahina lang ang pagkakasabi ko dahil ang aking atensyon ay nakatuon sa mga labi niya na papalapit sa akin. Namiss ko yun. Ang mga labing akala ko ay hindi ko na makikitang ganito kalapit. "Pinilit ko lang din na maging ok nung wala ka. Pero mahirap"





"Syempre. Ako lang kukumpleto sayo"





Pagkasabi noon ay mabilis niyang tinawid ang pagitan ng mga labi namin. Sabik na siniil ang mga labi ko. Ang ilang araw na hindi pagkikita ay parang binuhos niya sa paraan ng paghalik niya. Yung paraan ng paghalik niya ay mapang akin at parang pinaparating na wala ng ibang lalaki pa na pwedeng humalik sa akin. Sinagot ko naman din yun ng buong puso at pagkasabik. Ibinuhos sa halik na yun ang ilang araw na lumipas na akala ko ay tuluyan na siyang mawawala. Halos kapusin kami parehas ng hangin ng bitawan niya ang labi ko.







Iginiya na niya ako palabas ng basketball court. Palabas ng building. Kung saan man niya ako dadalhin hindi na ako tututol. Ngayon pa ba?






_casper_

UntitledDove le storie prendono vita. Scoprilo ora