"Kailangan padamihan ah. Para makakuha kayo ng mataas na points" lumingon ako kay sir na nasa may pinto at tahimik na nagpapaypay ng sarili habang nakatingin samin.






Si sir yung tipo ng teacher na masyadong sarcastic kaya medyo nasusura ako sa kanya. Tapos ngayon naman lagi siyang nagpapaypay na parang siya lang yung nababanasan dito.  Eh kami nga, ilang oras na nakakatagal sa room na to.  Ang init na nga tapos halo halo na yung amoy.  Wala manlang nagpapaypay.  Hays. Pero di ko alam kung bakit sinasabi ko pa sa inyo tong napaka nonsense na bagay.  Ano namang pake ko diba? Aish. Tahimik na kasi kaylee. 




Gab's POV




"Okay dahil time na.  Pakipasa na po ng output sa unahan.  So sa next meeting tsaka natin ito tatalakayin.  Sana naman ay hindi na ako makapagangaw ano"



Wala akong ganang bumalik sa upuan ko dahil sa sinabi ni sir. Lumingon ako sa parteng unahan at pinasa na ng leader namin yung manila paper.  Thankful naman ako at medyo competitve si Yohan kaya di talaga siya nagpapatalo.  Medyo madami kaming naisulat at halos lahat dun idea niya lang. Para tuloy wala kaming naitulong.  Hays. 


"Hoy Gabby!"



"Bakit?" nilingon ko si Sam dahil sa biglaang pagtawag niya sakin.  Isa pa din tong competitive.




"Ilan yung nailagay niyo?" tanong niya sakin habang kinakalikot ang kanyang hawak na ballpen.  Hindi na naman ako nagtaka sa pagtatanong niya dahil nasanay na din ako.  Lagi kasi siyang nagcocompare sa aming magkakaklase.  Halatang ayaw din magpatalo. 




"Di ko sure eh.  Si yohan kasi" sambit ko nalang kaya tumango siya.  Iniwas ko na ang aking tingin at tahimik na naghintay sa susunod naming teacher.



"Ano bang next subject?"


"Advance Chemistry ata"



"Hindi last yun.  English muna" rinig kong paguusap ng mga kaklase ko. 




"Nakakaasar. Wala ako sa mood mag english ngayon" rinig kong reklamo ni Hailey sa tabi ko. Nilingon ko siya saglit at nahuling nakatingin din pala siya sakin.  Ano kayang meron sa babaeng to!?



"Bat ka nakatingin jan?"



"Masama ba?"




"Hindi.  Natutuwa nga ako eh.  Alam ko namang gandang ganda ka sa best friend mo.  Hihihihi" ani niya sabay ng bahagyang pagtili. Di ko na siya pinansin dahil minsan napaka nonsense niya din kausap. Mas mabuti pang nananahimik nalang. 




"Bes!"


"Oh?"





"May pagkamalandi pala yang pinsan mo noh?" napatigil ako bigla sa sinabi niya kaya nahalata niya sigurong interesado ako sa sasabihin niya.  "Sinong pinsan?" agad na tanong ko sa kanya.  Buti nalang hindi pa dumadating si ma'am. 




"Si mindy. Alam mo, matagal na akong natatarayan jan sa pinsan mo.  Parang di mabubuhay ng walang boys sa paligid.  Eeeeew" ani niya na may pagtaas pa ng kilay sakin.  Di na din naman ako nagulat sa sinabi niya dahil totoo naman.





"Anong meron kay mindy?" tanong ko pa. 





"Ah, ikaw yung pinsan tas hindi ka updated.  Ano ba yan. Kalat na kalat na kaya yun sa buong campus" tumigil siya ng bahagya at tahimik na tumitig sakin. Umayos siya ng upo at bumuntong hininga.  Hays.  Mukhang chichikahin ako ng babaeng to. 


"Di naman ako ganun kaclose"





"Di mo ba alam.  Break na sila nung jowa niya, yung nakita natin dati.  Tapos kalat na kalat na sa campus na may bago na naman daw siyang boyfriend.  Dun pa sa mas bata sa kanya. Hay nako.  Kahit sino na yata yun eh.  Walang pinipiling edad. Kahit bata pinapatulan.  Ang landi diba? " napatango nalang ako sa sinasabi ni Hailey na mukhang seryoso naman. Kahit ganun si Mindy, nakakaawa padin yung pinsan ko na yun. Broken family kasi sila.  Si tito, yung kapatid ni daddy may iba ng pamilya tapos si tita matagal na silang iniwan. Hindi ko din alam kung anong dahilan nun. Kaya naiwan nalang magisa si Mindy sa kapatid ng mama niya.  Naghahanap lang talaga siguro siya ng magmamahal at tatanggap sa kanya kaya ganun.  Hindi ko naman siya makausap kahit kami ni kuya, kasi nga di kami ganun kaclose tsaka malaki lang ang posibilidad na tarayan niya kaming dalawa.  Space nalang din.






"San mo naman yan nasagap?" tanong ko bigla kay Hailey na nakaearphones na pala agad.  Di ko agad napansin kasi ang dami kong sinasabi. "May pakpak ang balita bes. Kaya wag ka ng magtaka kung san ko nakukuha mga sinasabi ko sayo" ngisi niya sakin habang hawak ang isa sa earphones na nakapasak sa kanya. 




"Excuse me"



----

Yey! May Ud na. Keep Voting guys!💕 Wag mahiyang magcomment. Lablab

Worst Section Where stories live. Discover now