..

Sa loob ng fastfood, bibong nagkukwento ang bata sa ama at ina nito.

          "Yes Papa, ako ang pinakamataas sa test namin !. Binigyan ako ni teacher ng star, kaso nabura na kasi naligo ako eh. " kwento ni Ran.

Napangisi ang ama at kinurot ang pisngi ng anak.

          "Talaga? ang galing galing ng anak ko ah, manang mana kay Papa. " proud na sabi nya.

Binalingan ni Sylvia ang anak na panganay.

          "Hoy !, inaantok ka na naman. Lagi ka na lang kasing puyat kakadutdot dyan sa cellphone mo. Para kang bubuyog na bulong ng bulong sa hatinggabi. " sermon ng ama.

Napasimangot si Ron.

          "Ma naman, sinusulit ko na lang yung weekend eh. " katwiran nya.

Umismid lamang ang ina at sumubo ng pagkain.

Binaling ni Ron ang tingin sa labas ng salaming binata at pinagmasdan ang mga taong paroo't parito sa kalsada.

Hanggang sa may mahagip ang kanyang mga mata.

          "Ma ano yun ?. " tanong ng binata.

Napalingon ang mag asawa sa tinuro ng anak.

          "Cellphone ata anak e, kunin mo nga. " utos ni Narcisso.

Dali daling tumayo si Ronron at lumabas ng fastfood resto.

Pasimple syang naglakad palapit sa nasabing gadget at napasimangot ng makitang lumang estilo ito.

          "Tae, 3310. Bulok, kaya pala iniwan na lang basta. " bulong nya pero dinampot parin ang cellphone para tingnan.

Muling bumalik ang binata sa pamilya nya.

Naupo sa dating pwesto at nilapag sa mesa ang cellphone.

          "Luma na yan Pa, kaya siguro tinapon. " sabi ni Ron.

Dinampot ng ama ang cellphone at sinubukang buksan.

          "Oh ayos pa oh, mapapakinabangan mo pa yan. " sabi nito sabay abot ng aparato sa anak.

          "Ayaw ko nyan, tsaka wala akong charger nyan. " tanggi ni Ron.

Tinaas ni Ran ang kamay at pilit na inagaw ang cellphone.

          "Ako Papa, ako gusto ko. " sabi nya.

Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon