Valentine's Daw Kasi

Magsimula sa umpisa
                                    

“Okay. That was weird.” Bulong niya sa kanyang sarili.

***

On the third day, wala naman siyang nakitang ipinagbago sa gate at sa hallway. Siguro’y napagod na rin ang mga ito sa kakahanda para sa paparating na Valentines Day. Ngunit ganun na lamang ang pagkagulat niya ng mabuksan niya ang kanyang locker. Doon niya na kita ang mga bagong pakulo ng mga ito. Isang hugis-pusong chocokate ang nasa loob ng kanyang locker. Napansin na rin niyang hindi lang siya ang nakatanggap ng ganung chocolate kundi pati na rin lahat ng mga estudyanteng nagbubukas ng kanilang mga locker sa oras na iyon.

“What the? Bakit naman sila maglalagay ng chocolates sa mga lockers? At saka hindi ba bawal magbukas ng locker ng may locker?” bumubulong-bulong siya habang inaayos ang mga kakailanganin niya para sa susunod na klase.

“Hayaan mo na. Valentine’s daw kasi.” Napalingon naman siya sa kanyang kanan at nakita niya doon ang kanyang locker mate. Si Amiel. Math Geek. BS Math student. Ilang beses na ba niyang naririnig ang excuse na, ‘Valentines daw kasi,’ sa mga hearthrobs ng school? Yes. Amiel is one of the hearthrobs ng eskwelahang kanyang pinapasukan. Bukod kasi sa pagiging Math Geek nito ay isa din siya sa mga pinakagwapong student ng school. Tahimik na tao, may sariling mundo at hindi nawawala sa mga kamay nito ang kanyang Math book. Nakarating na rin ito sa Singapore upang maging representative ng kanilang school sa isang International Math Challenge. Luckily, umuwi itong panalo.

“Ikaw na yung pangatlo.” Nasabi na lamang ng dalaga kay Amiel. Wala namang reaksiyon ang binata sa kanyang sinabi at nginitian lang siya bago umalis. Honestly, napaka-weird ng eskwelahang ito tuwing papalapit na ang Valentines Day.

***

Fourth Day. Nasa laboratory si Brielle para sa kanyang Chemistry class ng hapong iyon. The activity is to produce something out of mixing this certain reagents and that. And since they’re dealing with chemicals, the task needs to be performed by pairs. Nakapartner niya sa activity na ito ang captain ng soccer team nila sa school. Si Kieth. Sa lahat ng mga itinuturing na hearthrobs ay ito ang pinaka-laidback. Easy-go-lucky itong tao sa ibang bagay ngunit ibang-iba pagdating sa soccer field. Seryoso ito at napaka-striktong team captain, which is mas mabuti naman dahil lagi naman silang nananalo tuwing may laban ang school nila sa iba.

Nakikita naman niya sa gilid ng kanyang mga mata ang ginagawa ng iba niyang kaklase.. isang pink na likido ang kanilang inilalagay sa ibabaw ng bunsen burner. Ang ikinatuwa ng lahat ay ang usok mula sa likidong ito. Ang usok nito ay kulay pink din na naging hugis-puso pa.

“Harrumph!” she grunted and sighed.

“Why are you brooding?” tanong ni Kieth sa dalaga. Tiningnan niya lang ito at ibinalik ang tingin dun sa mga kaklase nila. Seriously, sabihin niyo ng bitter siya but you can’t blame her. Ilang beses na siyang umasa sa Valetine’s na yan ngunit wala namang nangyayari.

“Wala.” Sagot niya rito at itinuon na lamang ang kanyang atensiyon sa ginagawa nilang activity.

“Ngumiti ka nga.” Sabi nito habang tinutulungan na rin siyang ipagpatuloy gawin ang kanilang ginagawa.

“Bakit naman?”

“Valentine’s daw kasi.” Tila balewalang sagot nito sa kanya.

Seriously?

***

5th day. The fifth day goes on like any other  day. Of course, except  for the decorations in the front gate and the hallways. Not to mention, yung patuloy na paglalagay ng mga chocolates sa loob ng mga lockers nila. May mga balak ata ang mga gumagawa nito na bigyan ang mga estudyante ng sakit na Diabetes.

Valentine's Daw KasiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon