chapter 1

1 0 0
                                    

"My G"

Chapter 1

DAISY'S POV

"Oh, iha ito na yung tutuluyan mo ha. Maiwan na kita. Sabihin mo lang kung may kailangan ka pa." Sabi sakin ng landlady dito sa inuupahan ko.

Pumasok naman agad ako.
Maganda siya infairness. Isang palapag lang siya pero malaki. Libre na daw lahat. Libre na daw ang tubig at koryente. Kasama pa ang mga furniture dito. Nakakapagtaka nga dahil nakuha ko ito sa halang 4,000 lang.
Kasi kung ako ang landlady, ipaparenta ko ito ng 15,000.
Pero keri narin atleast na kamura ako.

Nangupahan lang ako dito sa malapit sa school dahil wala nanaman kaming bahay. Or should i say, ako. Wala na kasi ang mga magulang ko dahil namatay sila sa isang car accident.
Syempre masakit pero kering keri ko na. Matagal nanaman iyon at 4 years narin ang nakalipas.
Mahirap lang kasi ako dahil ako nalang talaga ang mag isa sa buhay. Wala rin kaming kamag anak at kung meron man, hindi ko naman kilala. Sakto lang kasi ang pamumuhay namin ng mga magulang ko.
Meron kaming 1 bakery. Si mama ang nagtitinda samantalang si tatay naman ay driver ng jeep.
Mahal na mahal ko sila pero siyempre kailangan mag move on.

18 palang ako at scholar sa pinapasukan kong university. Nag papart time job din ako sa isang resturant at isa akong dish washer.
Oo, dish washer lang ako pero wag kayo! Mamahalin yung resturant na yon! Pinapasweldo nila ako ng 5,000 kada month. Kayang kaya naman diba mga beshi!

Dumiretso na muna ako sa kwarto at inayos ang mga damit ko sa aparador.
Habang inaayos ko ito, may napansin akong litrato.
Isa itong batang lalaki kasama ang mga magulang niya ata. Family picture kumbaga. Siguro naiwan ito nung last na nagrenta.

Pero mga beshi, alam nyo medyo nakakatakot din itong nirerentahan ko. Masyado kasing kulob at hindi na sisikatan ng araw. Kumbaga walang binta ganern?! Tapos medyo strange yung feeling. Yung sobrang kakaiba?! Na parang hindi lang ako? Hindi lang ako ang nasasaktan? CHAROT! Yung parang hindi lang ako ang tao dito?! Weird.. but creepy

And you know? You know the feeling that you are now english english speaking?! Ay hehe! Hindi pala ako nag sasalita! Nag iisip lang pala ahihizz... XD lol

Pagkatapos ko magligpit ng gamit, lumabas na muna ako ng kwarto at dumiretso sa mini kitchen. Kasi maliit lang syempre kaya mini. Binuksan ko ang ilaw.

Naglagay din ako ng mga pinamili kong pagkain dito sa fridge at naglagay din ako ng mga ready to eat can dito sa mga lagayan sa itaas ng lababo. You know what i mean? Haha

Pagkatapos ko maglagay, nag taka ako kung bakit biglang nagbukas yung fridge. Agad ko naman itong sinarado. Weird yet creepy. Hay, baka naman sa sobrang katagalan ng fridge ay hindi na ito nagdidikit. Diba ganun yon? Para siyang nagdidikit pag isasara.

Hindi ko nalang ito pinansin at dumiretso na sa sofa. Diba sosyal naka sofa na agad ako! Napagod ako sa mga ginawa ko buong araw kaya napapikit na lang ako at tuluyan ng nakatulog.

MARTIN'S POV

Nagulat ako ng biglang may pumasok sa bahay ko. Hindi naman as in sa bahay ko pero hindi ko alam kung bakit ako nandirito. Kasi kahit anong pilit kong umalis, dito parin ako dinadala ng mga paa ko.

Tinitigan ko naman ang babaeng pumasok. Sino kaya ito? Another renta-er nanaman ng bahay na ito?

Dumiretso siya kaagad sa kwarto.
Sumunod naman ako at tinitingnan lang siya habang nag aayos ng mga damit niya sa aparador. Nagtataka ba kayo kung bakit hindi niya ako nakikita? Simply dahil multo ako. Oo, tama multo ako.  Hindi ko alam kung paano ako namatay at kung bakit ako nasa lugar na ito.
Nadiscover ko lang na patay na ako dahil hindi ako nakikita ng mga tao lalo na yung land lady. Yung nilagpasan lang nila ako at tumatagos sila sa katawan ko.
Hindi ako nakakahawak ng tao pero kaya kong humawak ng bagay.
Malungkot ako dito dahil wala akong makasama. Kapag naman pinapaupahan ito ng land lady ay agad ding umaalis dahil sakin. Minsan kasi hindi ko maiwasang mag paramdam sakanila. Yung minsan kakausapin ko sila kahit hindi naman nila ako naririnig. Minsan din nakakalaglag ako ng gamit na hindi ko sinasadya.

Kumabaga dahil sa sobrang takot, pinipili nalang nilang umalis.

Tintigan ko ang babaeng kaharap ko ngayon. Kung titingnan, parang kaidaran ko lang ito.
Maganda rin siya..
Malaporselas ang balat, itim na itim ang buhok, makapal ang kilay, sobrang tangos ng ilong, mahaba ang mga pilikmata, mapupula ang mga labi, namumula ang mga pisngi, katamtaman ang height at hindi naman sa ano pero sexy din.
natural ang ganda niya at hindi mapapagkaila na nakaka attract siya.
Tumayo na siya at dumiretso sa mini kitchen.
Naglagay din siya ng mga pagkain at agad namang nanglaki ang mga mata ko.

YEHEY!! marami na naman akong makakain! Kumakain din ako. Nalalasahan ko din siya pero hindi naman ako nabubusog ang kulit nga e. Hindi rin naman ako na eebs.
Habang nag lalagay siya ng mga dilata, binuksan ko ang ref at kaagad tumingin ng pwedeng makain dun.
Ngunit biglang may nagsara nito.
Napatingin naman ako sa nagsara nito at agad kong naalala na multo nga pala ako. Tiyak, mag tataka yan sa biglang pag bukas ng ref. Tintigan niya lang ito ng puno ng pagtataka pero hindi nag laon, tumingin na ulit siya sa ibang direksyon at tinapos ang kanyang ginagawa, haist! Sayang naman! Nagugutom na ako e!

Pag tapos niyang mag ayos, naupo siya sa sofa.

Naupo naman  ako sa tabi niya at pinagmasdan siya.
Ilang minuto hanggang sa makatulog siya at babagsak sana ang ulo niya. Kahit alam kong imposible, sinalo ko ang ulo niya.

Laking gulat ko ng masalo ko ito
Hindi kapanipaniwala pero nasalo ko ito.
Agad ko naman inihiga ang ulo niya sa kabilang side para hindi na itong muling bumagsak.

Nanlalaki parin ang mga mata ko at napatulala. Bakit? Bakit nagawa kong mahawakan ang ulo niya? Bakit sa lahat ng tao, siya lang ang nagawa kong mahawakan?
Napatingin naman ako sa kanya na mahimbing na natutulog.
Hindi parin ako makapaniwala.
Kaya sinundot ko ang ilong niya.

Shumut naman ito. Hala! Shit! Totoo nga! Nahahawakan ko siya.
So posible rin kayang makikita niya ako?

Inayos ko nalang siya at ihiniga sa sofa.

Pero habang inaayos ko siya, hindi sinasadyang na patitig ako sa muka niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko at bakit ganun? Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman? parang may connection kami sa isa't isa?

**************************
Dyosa Author's note:
End of chapter one my readers.
Kahit wala pa kahit isa hahaha😂😂
Hindi ko po alam kung bakit ko naisipan yung ganitong story.
Pero habang nag lalaro ako ng piano tiles, bigla ko nalang siyang naisip. Kahit nga po ending naisip ko agad. Hehe.
Alam kong magiging magandang story ito. Kaya sana wag kayo mag papahuli. Subaybayan niyo lang siya hanggang dulo.
Ahihi!!

Story start: march 9, 2017 -
3:16 am

My GWhere stories live. Discover now