EPILOGUE: VALENTINES SPECIAL

13.5K 319 73
                                        

This is dedicated to our idol Onomatopoeia. Onoma Congrats sayo at sa AMSM for being one of wattpad's most read story. And HAPPY BIRTHDAY to you! Please continue writing and inspiring people :)

at sa lahat,HAPPY VALENTINES po! =)

-----

"Ulit! Tanda mo na Manang nandadaya ka pa!" ang natatawang sabi ko dito.

"Pandaraya na bang matatawag yon?" ang naguguluhang sabi naman ni Manang.

"Ay hindi! Unggoy ungguyan nilalaro natin,bakit may Joker sa baraha mo?" ang pagsabat naman ni Ate Jewel.

"Hindi ba kasali yon? Nako,hindi naman kasi ako marunong ng ganito,pinagbigyan ko lang kayo." sagot naman ni Manang.

"Wala naman kasing kapares ang Joker no?!" ang sabi naman ni Ate Jewel.

"Ang mabuti pa,magluto na lang tayo ng meryenda. Padating na siguro si Dhie." ang sabi ko na lang at niligpit na namin ang mga baraha.

Limang buwan na ang nakakaraan mula ng ikasal kami ni kuya Uriel. At mas lalo kaming sumaya. Though,may mga adjustments na,kailangan ko ng magpaka mabuting may bahay,habang sya ay nag focus sa sarili nyang kumpanya. Kung babalikan ko yung mga nangyari sa nakaraan,masasabi kong worth it ang lahat ng hirap at sakit.

Umakyat na muna ako sa kwarto,gusto ko kasi munang umidlip. Hindi pa ako nakakatulog ng maayos mula kagabi dahil sa kakaisip ng gagawin kong surprise para sa kanya bukas. Sa valentines day,yun ang unang valentines day namin kaya I want it to be special,kaso hanggang ngayon wala pa din akong maisip.

Malapit na akong makatulog ng biglang tumunog ang cellphone ko,when I lookf at it,tumatawag si Leer kaya agad ko ding sinagot.

"Anong balak mo bukas Ji?" ang agad nitong bungad. Wala kasi sya dito ngayon,nasa isang misyon,and I wonder kung paano nya napapayag si Kii?

"To be honest with you,wala pa akong maisip. Parang lahat na kasi ata ng pag surpresa sa bawat isa ay nagawa na namin. Naubusan na ako ng idea,kung wala akong maisip,edi candle light dinner na lang dito sa bahay."

"Bigyan mo ng sobrang romantic and wild sex." ani Leer kaya agad ko syang minura.

"Gago! Anong akala mo sa akin? Sex expert? Besides,nagawa na din ata namin lahat eh." ang sabi ko at hininaan ko ang boses ko,baka kasi may makarinig.

"Hahahaha! Pero seriously,you dont have to worry,simple lang kasi yan,kung ano ang sinasabi ng puso mo,yon ang sundin mo,and it will surely captivate kuya." sabi pa ni Leer kaya napaisip ako. Tama sya,dapat ganun nga.

Kaya ayon,matapos naming mag usap ni Leer ay bumaba na ako. Pero until now,wala pa din si kuya Uriel.

"Ah,baka overtime,mas mabuti na yon para makapag handa ako ng mabuti." ang pagkausap ko pa sa sarili habang naglalakad papunta sa kusina. Nadidinig ko si Manang at si ate Jewel na nag uusap kaya nagdalawang isip ako. Dapat walang ibang makakakita sa gagawin ko. Pero ang tanong,san ako gagawa?

Aha?! Alam ko na!

Agad kong kinuha ang phone ko at nagtext sa mga dapat kong itext saka ako lumabas ng bahay.

"Winji-chan! Approve ako,I will help you,pero not in my house,baka umepal na naman yung kulugong si Chibikii." ang agad namang salubong sa akin ni Kii.

"Sige,punta na lang tayo kina Kloyy." ang natatawa ko namang sabi.

"Okay lang ba yon? Baka dumating mga--" tinakpan ko agad ang bibig nya. Baka maidaldal nya eh,hindi pa nga nagsisimula ang story ni Kloyy,diba author? Hindi gaya sa kanila ni Leer,pero ewan lang hihi.

I Feel For You (boyXboy) - PUBLISHED UNDER TGIMSWhere stories live. Discover now