Mission no.04

22.2K 504 36
                                    

Winji's point of view ~

Hala?! Ayan na sya! What to do? What to do?

Aha!

Dali dali akong nanakbo ng nakayuko papunta sa pinto ng kusina,hindi naman ako maaaninag ni kuya Uriel dahil madilim pa. Sige lang ako sa pagtakbo ng naka tip toe,hanggang sa...

BLAG!!

Ugh! Ang sakit! Nadulas ako! Punyeta kasing bermuda grass yan? Bakit basa? Lesheee!

Malamang nahamugan! Sabi ng maldita kong konsensya. May point sya dun.

"Manang ikaw na ba yan?" ang papalapit ng boses ni kuya Uriel.

Hala? Ayan na talaga sya! Kailangan ko ng tumayo sa pagkakahiga dito,takte talaga! Bakit kasi nawili ako sa pagtitig dun eh!

Pinilit ko ng tumayo,ngunit ako ay bigo,masakit ang katawan ko at parang may nabaling buto sa kung saan. Sumubok ulit ako,pero mas sumakit lang sya.

"Awwwwww!!!" sigaw ko at muling napahiga sa damuhan. Ano ba namang parusa to? Ayoko maging baldado habang buhay. Lord,patawad po! Hindi ko sinasadyang manilip! Si kuya Uriel kase naka balandra ang katawan eh huhu. Pumikit na lang ako at hinintay makalapit si kuya Uriel.

"Winji? Anong? Bakit ka nakahiga dyan?" anito pero hindi ako nagdilat ng mga mata,ramdam ko na ngayon na gumagapang na ang sakit at pamamanhid sa buo kong katawan,medyo parang nahihilo din ako.

"Hoy!" sabi ulit nito at tinapik ang mukha ko. Nagdilat ako ng mata at nabungaran ko sya. Putashet! Ang gwapo! "Anong nangyari sayo? Bakit dyan ka natutulog?"

"Huh? Gagu ba u? Sinong tangang matutulog sa damuhan? Anong akala mo sakin? Tipaklong? Bayagan kita dyan eh!" inis kong sabi at nagtangka ulit bumangon pero biglang may tumunog,buto ko ata,nadislocate.

"Ano ngang ginagawa mo dyan?" inis nyang sabi.

"Haaaraaayyy nakoooo!!" sigaw ko. Kinapitan ako ni kuya Uriel. Depota! Dalhin mo na ako sa kwarto ko! Kinginam na yan! Nahahamugan na likod ko brad.

"Halika na" anito at dahan dahan akong binuha. Bridal style. Isiniksik ko na lang ang ulo ko sa matigas nyang dibdib. Hmmn.. Ang bango,lalaking lalaki ang amoy,kakaiba talaga aroma ng mga lalaki,nakakapanginig ng kalamnan. "Ano ba nangyari?" pagkuway sabi nya habang papasok sa mansyon.

"Mag exercise sana ako,kaya lang paglabas ko nadulas ako,takte kase! Basa pala mga damo dahil sa hamog" sagot kong ganyan. Hindi ako makahinga ng maayos,ramdam ko bawat paghinga nya at dinig na dinig ko tibok ng puso nya. At dun ko naalala na,naka swimming trunks lang sya. Naalala ko na naman ang malaking bukol na yon! Yon ang nagpahamak sa akin.

"Por dyos por santo santisima elementary school! Anong nangyari dyan?!" boses iyon ni Manang,magluluto na siguro sya ng agahan namin.

"Nadulas ho at mukhang napuruhan" sagot ni kuya Uriel at dahan dahan akong ihiniga sa malambot na sofa.

"Ganun ba? Magbihis ka munang bata ka! Hindi yang nakabuyangyang yang ano mo! Tingnan mo naglalaway na si Winji!"

"Manang!" ang agad kong protesta,tumawa lang ang matandang baliw,kaloka to,ibuking ba ako? Hmp!

"Sige ho,magbanlaw lang ako"

"Dalian mo,pagkatapos ko syang painumin ng lagundi at hilutin maghanda na ako ng agahan nyo"

"Manang wala tayo sa probinsya,duktor kailangan nya" sagot ni kuya Uriel. Kaloka si Manang,Lagundi talaga? Diba para sa may ubo yon?

"O sya,dalian mo,ako na bahala kay Winji,mamaya ay gising na din si Jewel"

I Feel For You (boyXboy) - PUBLISHED UNDER TGIMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon