"I miss you agad Luhan!"
Ayan na ang mga fangirls. Nagsisi-tilian na. May nakita akong sosyaling kotseng papalapit sa di kalayuan. Siguro sila na to. Kaya hinila ko na si Yuri papasok sa gate. Andito parin kase kame sa tapat eh.
Mukang nagets naman ni Yuri kung bakit ko sya kinaladkad. Napapwesto kami dito sa may di kalayuan sa gate. Madami mang tao pero kita parin namin kase may parang may mahabang scaffold na platform dito. Ayan na sila. Waaah. Nagkumpulan ang mga studyante sa may gate para salubungin sila. Kawawa naman tong mga to, di hindi nga alam nung mga yun ang pangalan nila tapos patay na patay sila.
Ayan na. Nagpark na yung magarang kotse tapos isa-isa na silang lumabas. Ang gara eh no. Araw-araw may grand entrance.
"Lagi nalang nila inaabangan yan ah. Di ba sila nagsasawa sa mga mukha nila?" -tanong ko kay Yuri.
"Grabe girl! Hindi talaga nakakasawa ang mukha nila!" -sigaw nung isang girl talking to her friend. Nginisian lang ako ni Yul tapos binigyan ako ng now-you-know look. Napafacepalm nalang ako. Tsk.
"OMG. Luhan! Why so handsome?"
"Baekhyun, Saranghaeyo!"
"I love you Kai!"
"Wala si Kris? Di sya sumabay sa kanila ngayon?"
Yan at madami pang hiyawan ang maririnig mo. Buti pa tong isa (Baekhyun) mabait. Kumakaway pa talaga. Nakuha pang kumindat! Kaya ayun, halos mahimatay ang mga babae dun sa may part na yun. Tsk. OA much. Tapos etong isang medyo tanned skin (Kai) eh ngumi-ngiti. Si Luhan naman mukang cold.
Muka ngang kulang sila. Wala yung daw yung Kris. I wonder kung anong itsura nya at ugali nya. Di ko pa yun nakikita eh.
YOU ARE READING
It Started With A Lie
Teen FictionLove story na nagsimula sa kasinungalingan at nauwi sa katotohanan! (LuYoon fanfic)
Chapter 5 : Confrontation ♥
Start from the beginning
