Kinabukasan ..
YOONA'S POV
Kahapon pa ako nag-aabang ng mga pwedeng gawin nila Luhan daw saken pero wala naman dumating. Pero ang kinatatakot ko eh yung mga tingin ng mga estudyante saken! Ano bang problema nila huh? Nakaka-asar nga eh. Buti at napipigilan ko pa yung sarili ko at napapakalma ako nila Taeyeon.
At eto na nga. Papasok na ako sa school with Yuri. Sya yung nagda-drive. Pinark na nya yung kotse sa may parking lot tapos eto na. Waaaah. Papasok na kami ng gate! Kanina ko pa nga iniisip kung anong pwedeng mangyari saken eh! Iniisip ko kung mabubully ako dito na parang kay Jandi ng Boys over Flower o kaya ipapakick out nila. Ayoko namang mangyari yun no. Ano nalang sasabihin ng parents ko!
"Hello Yoona? Gate lang yan oh? Relax pwede? Yan pala ang matapang huh!?" -Yuri habang wine-wave yung kamay nya sa harap ko. Aish. Di ko napansin na napatulala na pala ako dito. Ano-ano kase iniisip ko! Epekto siguro to ng kapapanuod ng mga korean dramas.
"A-alam ko! Na-nagugutom lang ako. Tama! Gutom lang to. Hindi kase ako nakapagbreakfast kanina." -ako
"Talaga lang huh. Eh ang aga-aga ko pumunta sa inyo. Tsk. Kinakabahan ka no?" -Yuri. Oo nga no, sya pa nga naggising saken. Tsss. Busted!
"Oo na nga. Sige. I admit it. Kinakabahan ako dahil dun sa word mong 'no one dare to fight them or else be ready for their revenge'. okay?" -ako
"Haha! Nagtatapang-tapangan ka pa kase eh." -Yuri. Kabadtrip din to no? Instead of helping me to stay okay mas lalo pa akong kinakabahan.
"Anjan na sila!"
"OMG. Makikita ko na ulit Kris!"
YOU ARE READING
It Started With A Lie
Teen FictionLove story na nagsimula sa kasinungalingan at nauwi sa katotohanan! (LuYoon fanfic)
