"Then... lalabanan din ba ni Tammy ang mga kaklase niyang lalaki?" tanong ni Lily.

"Kahit hindi sila pumasa sa exam?" tanong ni Yana.

"Uhh. Hindi ko sigurado pero... alam kong may gagawin sila," sagot ni Marko sa dalawa.

***

Nilagpasan ni Tammy ang mga estudyanteng nagbubulungan sa paligid niya. Diretso siyang pumasok sa kanilang classroom. Kaagad na tumahimik ang mga kaklase niya nang makita siya. Naglakad siya sa kanyang mesa at umupo sa silya.

"Wow! Congrats, Tammy! Trending ka na naman sa forum!" ang unang sabi sa kanya ni Cami saka ipinakita ang cellphone nito.

"Ang akala namin hindi mo ipapasa ang test? Bakit mo ginawa 'yon?" kunot noong tanong ni Fatima.

"Thanks to that, kasali ka sa tournament. Good job!" sarcastic na sabi ni Lizel.

"Tammy, are you stupid?" tanong ni Helga.

Napa-kurap si Tammy sa apat na babae. Tumingin siya sa paligid at nakitang naghihintay ng sagot pati na rin ang mga lalaking kaklase niya. Napansin niyang iba ang tingin ng mga ito sa kanya. Malamig at puno ng pagdududa.

"Bago nagsimula ang test, may sinabi sa akin ang mga kaklase natin na kasama ko ron," ang umpisa ni Tammy. Ngumiti siya sa lahat. "Ang sabi nila, po-protektahan daw nila ako. Kaya naisip ko na imbes na umurong sa exam, mas maganda kung ibibigay ko rin ang best ko katulad ng ginawa nila. Ayokong maging pabigat. Sila ang naging lakas ko para makapasa sa test."

Sa naging sagot ni Tammy sa kanila, kaagad na nagbago ang tingin ng mga kaklase niya sa kanya. Nawala na ang lamig at pagdududa sa mga mata ng mga lalaki. Napalitan iyon ng paghanga.

"T-Tammy..." sambit ni Cami na mukhang maiiyak sa sagot niya.

Nilapitan si Tammy ng mga kaklase niyang lalaki. Nakangiti ang mga ito sa kanya.

"Tammy! Y-You're the best! Congrats!"

"Hindi man kami nakasali sa tournament, susuportahan ka parin namin!"

"Tama 'yon! Susuportahan ka naming lahat!"

"Itayo mo ang bandila ng class 1-A!"

"M-masaya kami dahil nakapasok ka."

"Kahit medyo masakit sa loob namin, okay lang 'yon!"

"Galingan mo sa tournament, Tammy!"

"Kung may maitutulong kami sa'yo, magsabi ka lang!"

"Tama 'yon! Kahit ano, tutulungan ka namin!"

"Maraming salamat sa inyo. Gagalingan ko para sa inyong lahat!" ang nakangiting sagot ni Tammy.

Tahimik na nakamasid si Helga sa mga nangyayari. Hindi parin siya sigurado sa naiisip niya, pero malakas ang kanyang kutob. Alam na niya kung ano ang sikreto ni Tammy. Ito rin kaya ang ibig sabihin ni Hanna Song?

Naalala niya ang sinabi nito noong huli silang nag-usap.

'With her sweet smile and innocent eyes, she can get away with everything.'

***

Nang matapos ang klase ni Tammy, kaagad siyang pumunta sa infirmary. Nangingiti siya habang naglalakad papunta roon. Sa mga ganitong oras pumupunta si Reo doon ayon sa kanyang nakuhang impormasyon.

Nang makauwi sa bahay si Tammy noong Sabado, naisip niyang kalimutan nalang ang ginawa ni Reo. Pero kahit na ano'ng gawin niya ay hindi niya iyon magawa. Hindi niya gusto ang mapait na lasa sa kanyang bibig sa tuwing naiisip kung paano siya napag-laruan ni Reo. Hindi rin niya gusto na iparamdam kay Reo na nanalo ito sa laro.

High School ZeroWhere stories live. Discover now