"My love for you is FOREVER and no one can replace it."
---
James' POV
Nandito ako ngayon sa park kasama ko ang Girlfriend ko na si Pauline. Nagde-date kami ngayon kasi it's our Seventh anniversary. HHWW pa nga ang peg namin eh.
"Bebs?" pagtawag niya sa akin.
"Hmm?"
"I love you, no matter what." sabi niya
"I love you too, no matter what." sagot ko sabay ngiti sa kanya
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad namin hanggang sa may nakita akong nagtitinda ng kwek-kwek. Agad akong hinila ni Pauline papunta dun sa may nagtitinda ng kwek-kwek.
"Teka Bebs, saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang hinihila niya ako
"Doon oh! Kay Kuya Manong na nagtitinda ng kwek-kwek." turo niya naman habang tumatakbo pa din
Hindi na ako sumagot pa at nagpahila na lang din ako sa kanya. Pagkarating namin doon ay agad siyang bumitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Lumapit naman siya sa nagtitinda ng kwek-kwek.
"Kuya Manong pabili nga po ako ng lima." sabi niya kay Kuya Manong
"Sige lang Ineng, kuha ka lang." nakangiti ring sagot ni Kuya Manong sa kanya
Kumuha na siya ng isang stick at isang baso para doon niya ilagay ang kwek-kwek na binili niya. Pagkalagay niya sa baso ng kwek-kwek nilagyan niya na din ng sauce na maanghang.
"Bebs." lumingon siya sa akin sabay ngiti ng pagkatamis.
"Alam ko na yang mga ngitian mo na yan."
"I love you!" sabay hagikhik at halik sa pisngi ko.
Ang sweet niya talaga kahit kailan. Kaya Mahal na Mahal ko 'tong babaeng 'to e. Lumapit na ako kay Kuya Manong at nagbayad. Tinusok niya naman na yung kwek-kwek niya at agad na sinubo.
"Takaw talaga kahit kailan."
Lumapit ako sabay akbay sa kanya
"Eh sa masarap eh. Say aaahhhhh!" sabay lapit ng isang kwek-kwek sa bibig ko
Ngumanga naman ako at sinubo ang kwek-kwek na binigay niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya sabay halik sa labi niya.
"Masarap nga."
---
Nandito na kami sa tapat ng bahay nila. Hinatid ko na siya at tsaka isang bahay lang naman ang pagitan ng mga bahay namin eh. Humarap siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya.
"Bebs?"
"Po?"
"Mahal na Mahal kita. Tandaan mo yan ha?"
Napatingin ako sa kanya at nakita ko at ganun din naman siya sa akin. Ewan ko ba pero kinabahan ako sa sinabi niya. I know na normal lang sa amin ang mag-sabihan ng I love you at Mahal kita pero iba ang pakiramdam ko ngayon, parang may mali.
YOU ARE READING
'Till Her Last Breath (ONE-SHOT)
RomanceThis is my first one-shot story. Errors ahead!
