"Ano ayaw mo na?"


"Next time nalang.  Time na kami" deretsong sambit ko sabay pasa ko ng bola sa kanya.  Mababait naman ang mga tao dito kaya pwede ka makijoin ng laro o kaya manghiram ng bola.

"Tara"


Gab's POV


"Hoy tapos mo na yung love in the moonlight"

"Oo.  Waaaaah.  Kinikilig ako kaso bitin"

"Meron daw yung Season 2.  May nabasa ako sa internet.  Waaaahh.  Naeexcite na ko"



Tahimik akong nakatingin sa mga mukhang kdrama kong mga kaklase.  Di talaga alam kung ano bang meron sa mga yun kung bakit adik na adik sila. Kahit kailan di ko maisipang manood nun.


"Tulala ka na naman" nilingon ko si Hailey na nasimsim ng juice niya habang nakatingin ng deretso sakin. 


"Ano ba kasing iniisip mo? Si matt ba? Magsabi kalang.  Di ako magaabalang tawa-"



"Hindi si matt.  Yung sa mga kdrama lang kasi.  Bakit ba adik na adik kayo dun.  Nagpapalaki lang kayo ng eyebags eh " seryosong sambit ko kaya napairap siya sakin.  Galit na Galit?



"Hay nako bes.  Kdrama is life para sa mga taong single gaya ko.  Kaya kung gusto mong kiligin to the highest level manood ka mag isa mo" confident na sagot niya sakin kaya umiwas nalang ako ng tingin. Hindi naman siguro masamang magtry kaya manonood ako sa bahay pag may time.  Hakhakhak


"Oy diba Gab si Mindy yun?"



Mabilis akong lumingon kay Iggy na bigla nalang nagsasalita sabay sulyap sa may bandang labas. Hindi na ako nagulat na si Mindy nga yung nakita ng dalawang mata ko dahil araw araw ko na din siyang napapansin na laging nasa tapat ng room namin. Si mindy ay isa sa mga kaklase namin nina matt noong elementary. Di ko lang alam kung kilala pa siya ni matt dahil ang laki na ng pinagbago niya.




Si mindy ay isa sa mga kaibigan ko noon. Pero ang laki na talaga ng pinagbago niya sa pananamit at da ugali.  Siya yung tipo ng tao na simple lang lagi at walang pakielam sa itsura niya.  Pero ngayon, dinaig pa niya ang laging may taping sa tv dahil sa araw araw na paglalagay ng make up. Hays.



"Anong ginagawa niya jan?" tanong ni Hailey sa kawalan . Pinagmasdan ko ang kasama ni Mindy na halatang boyfriend niya.  Hindi naman kasi ako tanga para hindi maisip ang bagay na yun. Iba na ang panahon ngayon, babae na ang nanunuyo. 




"Boyfriend niya yata yun eh" deretsong saad ko sabay inom ng juice.  Wala ng nagsalita sa aming tatlo dahil wala na din namang masabi.  Maski ako ay nakatitig lang sa labas kung nasan si Mindy at ang boyfriend niya. Hindi naman sa nahihili ako, sadyang nakakapanibago lang. 





"Bakit ka nga pala nandito?" biglang tanong ni Hailey dahil bigla na lang siyang nasulpot sa kawalan.  Kanina naman, wala pa siya sa harap namin. 



"Wala lang. Gusto ko lang ng kausap. Si Matt kasi eh" aniya. 



"Bakit anong meron kay Matt?"



"Eyaaaaahhhhh.  Concern?" nakakalokong tanong sakin ng dalawa at sabay pa.  Hindi ba pwedeng nagtatanong lang talaga ako kung anong meron? Tsk. 




"Joke lang Gabby.  Haha.  Si Matt nga kasi may topak.  Ayaw sakin makipagusap eh. Tamo" ngumuso ng bahagya si Iggy kaya sabay kaming lumingon ni Hailey sa upuan nito. 




Tahimik na nakaupo si matt sa bangko niya, may nakapasak na earphones at may kung anong ginagawa sa notebook niya.  Halatang wala nga sa mood ang loko. "Ano ba kasing ginawa mo?" tanong ko pa kay Iggy na pinagtaka niya. 




"Wala ah. Pagsabihan mo nga yang boyfriend mo" natatawang sambit niya kaya umiwas ako ng tingin.  Pero infairness, kinilig ako ng slight.  KyKyaaah. That "Boyfriend Mo" feeling. Hays.  Echosera ka gab. 



"Magandang Umaga"



Mabilis pa sa alas kwatrong nagtayuan ang mga kaklase ko sabay harap sa unahan.  "Magandang Umaga din po Ginoong Alvarez" hindi sabay sabay na bati namin kaya bigla na lang akong nakaramdam ng hiya.  Kahit kailan talaga ang section na ito. 



"Maupo na" ani nito kaya mabilis na nagsitakbuhan ang mga kaklase ko na wala sa pwesto kanina gaya ni Iggy. 




"So Last meeting, tinalakay natin ang mga tungkol sa mga nobela. Lahat ba ay naintindihan na?" tanong niya samin sabay bahagyang itinaas ang kanang kamay .


"Hindi po"



Napalingon kaming lahat sa nagsalita na si Vince pala.  Tumawa pa ito ng nakakaloko kaya napatawa na lang din si Sir. "Sinong nasa tabi mo? Ms.  De los reyes?" halos lahat ay napalingon kay sam dahil sa tanong ni sir.  Ngayon ko lang din na maraming bangko ang bakante. 



"Si Lucas po sir. Kasama niya po ata yung iba" sunod sunod na sambit ni Sam. 




*Boogggssshhhhh*



"Good Morning Sir"

Worst Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon