"O kamusta? Napag initan ka na naman ba ng kapatid ko?" Nakangising tanong sakin ng taong to.

"Shut up!" Saad ko at linayasan sya.

"Kilala ko kung sino yung mga nanggulo sa GA wolf" Saad nya kaya napatingin agad ako sa kanya.

Nakangisi lang sya sakin kaya tinignan ko sya ng masama.

"Syempre nag bibiro lang ako hahaha. Ang seryoso mo naman kasi my dear wolf eh" Natatawang saad nya.

"Fuck you!" Saad ko at umalis na.

Damn it! Saan ko naman hahanapin yung mga taong naninira na yon? Bwisit!

-

Carleigh's Pov

"Carleigh" Napatingin naman ako sa tumawag sakin.

"Uno" Walang emosyong saad ko. "What are you doing here?" Dagdag ko pa.

"Gusto ko lang sabihin na umalis na si third and I think sinabi na niya sa taong pinag tatrabahuhan nya ang nangyari sa GA kahapon." Paliwanag nya kaya hindi ko napigilang mapangisi.

"I really wish na nakikita ko ngayon ang taong yon. Sigurado akong sumasabog na yon sa galit at mapapaisip na naman sya kung sino pa ang kumakalaban sa kanya" Natatawa kong saad.

"Yun lang ba ang sasabihin mo?" Tanong ko kay uno ng council.

"Meron pang isa Queen. Hindi natuloy ang pag papalit sa mga ibang council dahil na rin sa ginawa mong pag sira sa GA. Galit na galit din si Emperor Klaus dahil dito" Saad nya kaya napatango na lang ako.

"Uno ikaw lang sa council ang nakakaalam na ako ang may gawa non sa GA dahil isa ka sa mga pinag kakatiwalaan ko. Kaya pag lumabas ang pag uusap nating ito alam mo na ang kakalagyan mo. Wag na wag mo akong subukang kalabanin uno alam mo kung paano ako magalit" Walang emosyong saad ko sa kanya at hindi nakalampas sakin ang mabilisang pag lunok nya.

"Don't worry Queen, I am your servant, your slave and one of your army and my loyalty is at your side. Hinding hindi ko kayo kakalabanin at tatraydorin. Makakaasa kayo sakin" Mahabang saad nya sabay yuko.

Tumango na lang ako at tinalikuran sya. Pero bago sya makalabas ay nag salita ulit ako. "Pagka labas mo tawagin mo si ace at gusto ko siyang makausap."

"Yes Queen" Narinig kong sagot nya bago sumara ang pinto.

"Carleigh my Queen!!!" Sigaw nya sabay takbo at yakap sakin tsk.

Ang lakas talaga ng loob ng taong to porket alam nyang hindi ko sya kayang patayin dahil may silbi pa sya sakin.

"Get off me Ace! Nakakadiri ka! Tsk" Saad ko ng diring diri at asar na asar kuno.

"*pout* carleigh naman eh. Parang namiss lang kita eh ang tagal ko din kayang wala dito sayo kase nasa kampon ako ng kalaban! Tapos simpleng yakap lang hindi mo ko mapagbigyan?! How dare you! Huhuhuhuhu" Malungkot na sabi nya at may paiyak iyak pa.

"Tsk siguraduhin mong magandang balita ang sasabihin mo sakin ng payagan kitang yumakap sakin ulit pero pag kasing panget mo yan sinisigurado ko sayo na malilintikan ka talaga sakin. Do you get me Ace?" Mataray na sabi ko sa kanya sabay tingin ng masama.



"Hey! Anong panget pinagsasabi mo dyan? Etong mukhang to? Etong gwapong mukha ko? Panget? Are you kidding me Queen?? No way! Ang gwapo ko kaya. *wink*" Saad nya kaya tinignan ko naman sya ng masama.

"Hehehe. Sabi ko nga Queen panget nga ako. Please wag mo na kong tignan ng ganyan feeling ko kasi pag tinitignan mo ko ng ganyan mamatay na ko eh" Naka peace sign na sabi nya at halata talaga ang takot.

"Mamamatay ka talaga pag hindi ka umayos at pag hindi ako natuwa sa sasabihin mo sakin ngayon" Seryosong sabi ko sa kanya kaya sunod sunod na napalunok sya.

"Now ace, spill, anong nalaman mo sa kuta nila? Meron bang bago?" Seryosong tanong ko kaya agad agad din naman siyang sumeryoso.

"Bukod sa galit na galit sya ngayon dahil sa nangyare sa GA at bukod din na pinapahanap na nya kay wolf ang gumawa non sa GA ay may nakita akong dalawang kahina-hinalang pinto sa lugar nila. At Queen masyado mataas ang security ng dalawang pintong yon hindi ko malaman ang code para bumukas kung ano ano na ang ginawa ko para mabuksan ang pinto ay hindi ko nagawa. Tatlong araw ko din yon ginawa bago ko tuluyang tigilan dahil hindi ko mabuksan buksan at hindi ko din malaman ang code at queen may nararamdaman din akong kakaiba doon sa nga printing yon. Kung ano man ang nakalagay sa dalawang pintong yon ay sigurado akong hindi yon basta basta dahil sobrang higpit ng security" Seryosong sabi nya.

"Maybe that's their weapons para matalo ako. But don't worry ace I know one of this day malalaman mo din kung ano ang laman ng dalawang pintong yon. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo doon. Bantayan mo ang kilos ng tatlong yon doon ace. Wag na wag kang papalpak. Naiintindihan mo ba ko?" Seryosong saad ko sa kanya at seryoso din siyang tumango sa akin.

"Makakaalis kana. Baka mahalata nilang wala ka doon" Saad ko.

"Okay Queen" Sagot nya sakin kaya tinanguan ka na lang sya.

"Uhh, carleigh?" Tawag nya ulit sakin.

"What?" Tanong ko.

"Pwede na ko makipag-hug?" Nakangiting tanong nya sakin.

"Tsk. Fine. Come here" Napipilitan kong sabi kaya dali dali syang tumakbo palapit sakin at yumakap. Tss. Ace always be ace.

"Ba-bye Queen! Gonna miss you! Mwah mwah mwah!" Sabi niya sabay bitaw sa yakap at takbo palabas kaya napailing na lang ako.

-

A/N: Hi! How's the chapter 40? Bitin ba? Haha ✌✌ Anyway here's the chapter 41 a short update for youuu. Pambawi lang sa tagal ng update ko. 🙈🙈

The Queen Four Identity (COMPLETED)Where stories live. Discover now