"Matagal ng patay ang Ama ko! Matagal na! At ikaw ang pumatay sa kanya! Pinatay mo siya sa harap ko mismo! Hayop ka!" Galit na galit na sabi nya at sinugod ako, pero dahil tanga siya nakuryente siya.

"Hayop ka! Papatayin kita pag nakalabas ako dito! Ako mismo ang magpapahirap sayo gaya ng ginawa mo sa Ama ko! Sinisiguro ko yan!" Pagwawala niya.

Nginisian ko na lang siya at tumalikod at nagsimulang maglakad palabas ng kulungan nya pero bago ako tuluyang lumabas nag salita pa ulit ako.

"Hihintayin ko ang pag papahirap at pag patay mo sakin Aki Zedler, hihintayin ko yan. Ang kaso nga lang sana buhay ka pa ng mga oras na yon. *smirk*"

"Buhay pa ako ng mga oras na yon! Sigurado ako don! Humanda ka sakin at sa kapatid ko!" Huling dinig ko na saad nya bago ako tuluyang makaalis sa kulungan nya.

Kailangan kong pumunta sa office ko dahil may sasabihin sakin si wolf or third sa council.

"Master" Bungad sakin ni wolf pag pasok na pag pasok ko pa lang.

"May problema ba wolf kaya ka nandito?" Tanong ko sa kanya ng nakaupo na ko.

"Ang GA master" Panimula nya.

"Anong problema sa GA? Nasakop na natin yon" Saad ko sa kanya.

"May mga taong sumira ng GA" Sabi nya.

"WHAT??" Sigaw ko at napatayo pa ako.

"SINO??? SABIHIN MO SAKIN KUNG SINO!!!" Galit na galit na sigaw ko.

"Hindi po namin sila kilala maging ang mga kasamahan ko sa council ay hindi rin nila kilala kung sino" Nakayukong saad nya.

-

Wolf's Pov

"Damn it!! Bakit hindi nyo alam?? Bakit hindi nyo kilala?? Mga bobo ba kayo??" Galit na galit na sigaw nya.

"Si Dark Princess! May alam ba sya?? Sagot!"

"I asked her pagkatapos ng mga taong nanggulo pero masyado syang napuruhan at sinabi din nyang hindi nya kilala yung mga taong yon at masyado silang malakas" Paliwanag ko sa kanya pero parang wrong move ata dahil mas lalo syang nagalit.

"Bobo! At naniwala ka naman agad agad kay Jasmine?! Mag isip ka nga!"

Galit na galit na nga siya. "Si Carleigh! Siya ang may kagagawan nito!"

"Master sigurado po akong hindi si Queen dahil wala syang nabanggit sa meeting na gagawin nya yon at sigurado din po akong hindi nya yon kayang gawin sa GA dahil ang ina nito ang nag tayo non kaya malabong si Queen ang nasa likod ng paninira at panggugulo" Mahabang paliwanag ko.

"Kung ganon sino?? Sino ang nasa pesteng likod ng paninirang to?? Sabihin mo nga!! Sino na naman ang kumakalaban sakin!" Sigaw nito kaya napayuko na lang ako.

"Hanapin mo kung sino ang pasimuno ng gulong to! Wag na wag kang mag papakita sakin pag hindi mo pa rin nakikita ang pangahas na yon! Naiintindihan mo ba ko wolf?" Galit na saad nya.

"Yes master. Hahanapin ko po kung sino ang nasa likod nito. Makakaasa po kayo"

"Good! Now lumayas ka lang sa paningin ko baka mapatay kita" Saad niya kaya dali dali akong lumabas sa office nya.

The Queen Four Identity (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara