CHAPTER 2

6.9K 63 10
                                    

Nagising ako ng wala na si Matthew sa tabi ko. Napasampal ako sa pisngi ko. What have I done? Krish ano ba itong ginawa mo? Get on your nerves! Hindi mo siya kilala. Mabilis kong hinanap ang mga damit ko at isinuot ito. Kailangan ko nang umalis dito bago pa ako maabutan ni Matthew.

Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Sa halos apat na taon na relasyon namin ni Matteo kahit kailan ay walang nangyari sa aming dalawa. Iyon na lang ang itinira ko para sa sarili ko, ang pagka birhen ko. Pero ano itong nagawa ko?

Yung pinaka iniingat-ingatan ko ay isinuko ko sa isang lalaking sa bar ko lang nakilala. Napasabunot ako ng buhok. I'm such an idiot!

Tahimik akong lumabas ng condo unit ni Matthew. Sa hiya ko ay hindi ko na nagawang pasalamatan siya sa pagtulong niya saakin kagabi.

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa bahay. Alam kong nag aalala na si Mama saakin dahil buong magdamag akong hindi nakauwi.

"Goodmorning Ma."

Bati ko kay mama na ngayon ay nag aayos ng kanyang mga bulalak sa harap ng bahay. Nakapameywang ito ng makita ako.

"Saan ka ba nanggaling bata ka? At magdamag kang hindi nakauwi?"

Tanong niya. Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likod. Konting lambing ko lang kay mama ay nawawala na kaagad ang galit niya.

"Sorry na po Ma. Nag overnight ho kasi ako kina Freda. Pasensya na ho at hindi ho ako nakatawag."

Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya at hinawakan ang mga kamay niya.

"O siya sige. Ang importante ay nandito ka na at walang nangyaring masama sa iyo."

Napangiti ako. Kahit kailan talaga napaka mahinahon saakin ng mama ko. Dalawa lang kasi kami ni mama. Lumaki ako na siya lang ang kasama ko. Hindi ko alam kong nasan na ang papa ko.

Ang sabi niya saakin ay umalis daw ito at hindi na bumalik pa. Kaya mag isa akong tinaguyod at pinalaki ng mama ko.

"Pasok na ho ako sa loob."

Ani ko. Hinalikan ko muna siya sa noo bago ako tumungo sa pintuan.

"Nak? Meron ka ba?"

Meron? E kakatapos lang ng menstruation ko ah? Tiningnan ko ang pwetan ko. May tagos nga ako hindi kaya dahil sa napunit ng husto ang puks ko sa nangyari saamin ni Matthew kanina?

"Ah..Oo ma sige ho palit lang ho ako."

Dali-dali kong tinungo ang kwarto ko at pumasok sa banyo, medyo mahapdi pa nga ang puks ko. Mukhang kailangan ko ngang gumamit muna ng napkin, may interview pa kasi ako mamaya.

Nag apply kasi ako sa isang kompanya bilang isang sekretarya. Masyadong maliit ang sweldo ko sa dating kompanyang pinagtatrabahuhan ko.

At dahil sa nalulugi na rin ang kompanyang iyon ay napagdesisyonan kong mag resign na lang at lumipat ng ibang kompanyang pagtatrabahuhan.

Inayos ko ang skirt ko at bumuga ng isang malalim na hininga bago lumabas mg elevator. This is it! Medyo kinakabahan ako. Sana naman ay matanggap ako.

Marami-rami rin ang nag apply. Kinuha ng  isa sa mga staffs ang folder ko at pinapasok ako sa loob ng opisina.

Nanginginig man at kabado ay nasagot ko pa rin ng maayos ang tanong. Sana naman ay matanggap ako. Sa panahon ngayon mahirap na walang trabaho lalo na at nagtataasan ang lahat ng bilihin.

"Thank you for applying Ms. Lopez. We will call you if you are qualified."

Nakipagkamayan ako sa interviewer.
Hindi ko alam kung tanggap na ba ako o hindi. Pero sana lang talaga matanggap ako, kailangang kailangan ko kasi talaga ng trabaho.

Night of EnchantmentWhere stories live. Discover now