Nagliliwanag sa madilim na silid ang apoy na nanggagaling sa itim na kandila na nakapuwesto sa harap na isang altar. Anim na kandilang itim. Anim na hibla ng buhok. Anim na sari-saring bagay na kulay itim.Sa gilid ng mga ito ay isang batya na may lamang tubig. Nakalutang sa batya ang isang kulay itim na manika na tinahi.
Ipinuwesto niya ang kamay sa ibabaw ng batya, saka humiwa sa magkabilang palad.
Mula doon umagos ang dugo.Itinaas niya ang mga kamay, pikit ang mata at nag-usal ng isang ritwal.
(Demonic Chantings)
Umihip ang malakas na hangin at kasabay nito namatay ang mga kandila sa loob ng silid. Dumilim ang paligid ngunit hindi sobrang dilim.
Sumisilip ang liwanag ng buwan mula sa kalangitan papunta sa loob.Mahina hanggang sa malakas na tumawa ang lalake. Nabalot ang silid nang isang kahindik-hindik na tinig, nakakapangilabot.
Tumawa siya ng malakas. Nahihibang, nalalasing, nalulunod sa kapangyarihang taglay ng itim na mahika.
Dugo
Itim na kandila
Kapangyarihan
Itim
Kadiliman
Kamatayan
![](https://img.wattpad.com/cover/102540095-288-k822325.jpg)
YOU ARE READING
Midnight Secrets
Mystery / ThrillerBan Rak Thai o mas kilala bilang Thai-Love Village. Isa sa napakagandang nayon dito sa Thailand. Sa pangalan pa lamang ng nayon na ito ay di mapagkakailang mapagmahal ang mga taong naninirahan dito. Mapayapa ang hangin, tahimik ang tubig, lumiliwan...