Chika Minute

196 5 0
                                    

May pinaplano akong Enca fanfic, pero hindi ito yun. Medyo frustrated Enca fan lang ako na may gustong mga mangyari sa serye na hindi nangyayari o maaaring mangyari. So dito ko na lang ibubuhos ang mga likhang gawa ng malikot kong imahinasyon. 

Sa mga bagong padpad sa corner ko, pwede niyong tingnan ang mga tapos ko na'ng gawa:

THE MIND BENDER - This is written in English. Maikling kwento ito ng isang batang telepath, isang kakayahang makabasa ng isip ng iba at makontrol ang kanilang utak. 

ENCHANTED SERIES - Kwento ito ni Errol, and huling tagaingat at supling ng liwanag na sa kabila ng kanyang mga personal na suliranin ay may kinakaharap na matinding pasaning hindi niya nais akuin. Kung gusto niyo ng BXB at urban fantasy, check it out. Ang urban fantasy ay sub-genre ng Fantasy na base sa karaniwang mundo pero may mga karakter na may kakaibang kakayahan, labanan ng kapangyarihan, at digmaan sa pagitan ng magkasalungat na pwersa. Nahahati ang seryeng ito sa apat na aklat na lahat ay tapos na.

ANG LALAKI SA SITIO - Horror naman ito. Gaya ng THE MIND BENDER maikli lang din, kayang kayang tapusin sa loob ng isa o dalawang oras. Ito ay tungkol sa isang researcher na nalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay sa piling ng mga nilalang sa isang sitio na hindi tulad ng mga normal na tao. 

DIFFERENT - In progress pa ito. In English din. Gaya ng THE MIND BENDER, sa Estados Unidos din ang setting, kaya natural lamang na English ang pagkakasulat. Ito naman ay tungkol sa isang transgender na witch na nasa isang konserbatibong komunidad. Dahil tinakwil siya ng mga magulang niya at wala na rin siyang mga kaibigan dahil nga nagtransition na siya sa pagiging babae, naniharan siyang mag-isa at tinuklas ang sining ng salamangka. Ngunit matutuklasan niya rin ang hindi kaaya-ayang katotohanan sa mundong ito. 

Yan lamang po. Namimiss ko ang mga aktibong mambabasa na tinuring ko na ring mga kaibigan. Magparamdam naman kayo pag may time.

Happy Monday!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Encantadia FAN FICTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon