Simula

1 1 0
                                    

Halos liparin ko na ang daan patungong school makaabot lang sa ceremony. Maaga naman akong natulog kagabi pero tamad talagang bumukas ang mga mata ko. Kaya ito't late na akong nagising! Kainis!

Muntikan pa akong madapa sa daan!

Pagkalabas ko as bukana ng subdivision agad akong pumara ng taxi. Buti at may huminto agad. Wala ang regular driver namen sa bahay. Si daddy naman maagang umalis sa bahay dahil may breakfast meeting sa isang kasosyo niya sa negosyo. Si mommy busy rin sa isang fashion event sa France. Si ate naman nasa condo niya natulog kagabi kaya no choice ako kundi  mag commute.

"Manong, pwede pakibilisan po? Late na po kasi ako sa klase ko."pakiusap ko sa taxi driver.

"Sige po,ma'am."at pinaharurot ni manong ang kotse niya.

7:00am ang start ng klase ko at 7:30 na ng nakarating ako sa classroom namen. First day of school pero late na kaagad ako. Nakakahiya!

Pagkarating ko sa skul agad kong hinanap ang building ng mga freshman..

1-Patience asan ka naba?

Lakad takbo ang arrive ko kaya agad akong pinagpawisan. Nang sa wakas nakita ko na ang section ko agad ko itong tinungo.

Kabado akong hinawakan ang doorknob. Akmang pipihitin ko na sana ang pinto ng may narinig akong mga yabag ng sapatos.

"Grabe pards, ang daming chikababes sa classroom natin.."sabi nong lalake. Lalake kasi iyong nagsasalita. Nagtawanan sila sa sinabi nong lalake.

"Yong si Vivian ba 'yon? Laki ng boobs!"

"Mas gusto ko si Anna,kinis ng leegs at ang hahaba pa!"

"Tumigil nga kayo puro nalang kayo Chic's! Mag aral nga kayo.."

Nagtawan na naman sila dahil sa sinabi nong sumita sa kanila na kasama nila. Walang ibang tao sa corridor maliban sakin at sa mga lalakeng nagtatawan. Hindi ko alam kong isa ba sila sa mga student councils or kagaya ko lang din sila na regular student? Mas lalo akong kinabahan dahil dinig na dinig ko na ang mga boses nila malapitan.

Teka, ba't hindi nalang kaya ako pumasok sa loob at hihingi ng sorry sa teacher and classmates ko dahil sa late na ako? O, hintayin ko 'tong mga lalake na 'to na lagpasan ako saka papasok?

Ba't ba ako nakikinig sa kanikang  usapan tungkol sa mga kaklase nila na puro boobs at legs lang ang topic? Ba't ako maghihintay na lagpasan nila ako? Ba't pa ako nandito? Hindi ko alam kong bakit parang na paralyzed ang paa ko at hindi na makagalaw sa kinatatayuan.

"Oy pards, late si miss freshmen oh!"

"Disciplinary office na ba 'yan?" Bumungisngis 'yong isang lalake na tingin ko ay badboy. Tunog badboy kasi ang boses niya?

Disciplinary office? Agad-agad na? 'Di ba pwedeng pag usapan muna? Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. OMG!

"You already late in your first class,miss. You should get in."sabi nang malamig na boses.

Umikot ako para harapin 'yong kaninang mga lalake.Inangat ko ng dahan-dahan ang mukha ko. Naaninag ko ang limang bulto ng tao. Inikot ko ang panikin ko sa kanila. Halos malaglag ang panga ko dahil sa nakita. Grabe,mala Mario Murer ang mga mukha! Jusme!May ganito ba talagang mga lalake sa mundo?

Ang gwa-gwapo!

Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko sa kanila. Tatakbo nalang kaya ako? Tatakasan sila?

At tama nga ang hinala ko,mga SC sila sa school nato! Patay na!

"Miss?"tawag nong isang may kasingkitan ang mga mata.

'Di ko alam na nakatunganga na pala ako sa kanila! Kahiya!

"A-ah..huh?"

Napailing iling sila dahil sa sagot ko. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko. Kainis!

Narinig kong nag'Tsk' 'yong malamig ang boses. Humakbang siya palapit sakin. Umatras ako. Napatitig ako sa mukha niya. Ang gwapo talaga! Ang makinis niyang mukha,ang tangos ng ilog, ang may kasingkitan ring mata at ang mga labi niyang mapupula. Napalunok ako ng wala sa oras. Oh my gheeed! Anong ginagawa niya? H-ha-halikan niya ba ako?

Gosh,Gabriella ang halay mo!

'Di ko tuloy maiwasang 'di mamula dahil sa iniisip ko.

Ang bango naman ng isang 'to. Ano kayang perfume niya? Hmm. Sarap amoy amoyin. Alam kaya niya ang mga iniisip ko tungkol sa kanya? Alam kaya niyang hinahalay ko na siya sa aking isipan? Alam kaya niyang ngayon palang crush ko na siya? First day of school siya na kaagad ang crush ko? Na love at first sigt ako sa kanya...

"Here..."ani ng malamig na boses.

Halos kaposin na ako ng hininga ng sinabi niya iyong mga letra na 'yon sa tenga ko. Pumikit ako. Oh my ghad... Oh my ghad! Paulit ulit kong sigaw sa utak ko. For the second time namula ako... Binuksan ko ang mga mata ko. Nakatingin siya akin. Napalunok muna ako bago sinabing....

"H-huh?"nautal ako.

Bahagyang sumilay ang ngiti niya sa labi. Napatingin ako sa labi niya. Ngumuso siya. Nagtaka naman ako. Humihingi ba siya ng peemiso na halikan ako? Ang balis naman niya. Hindi pa nga siya naliligaw saken. Hihi..

"Yes mr. Montenegro,may I help you?"ani bigla ng boses babae. Dahilan para mapatalon ako sa gulat.

'Don ko lang na realized ang kaninang saradong pinto ngayon ay bukas na! WTF!

"Yes miss, she's in your class. She's late that's why we help her."sabi ni Montenegro. Tinuro niya 'yong mga kaibigan niyang nagpipigil ng tawa.

Napayuko ako dahil sa kahihiyan. I make myself embarrass in first day of school infront of these people?! How stupid I am! Inis ko sa sarili.

"Oh. Please come in miss?"sabi nong advisory teacher namen..siguro."Thank you, mr. Montenegro and to your friends." Ani ma'am sabay ngisi sa likod ko.

Wala akong narinig na pagtugon. My adviser guiding me to let introduced myself in the class..

"I'm Gabriella Ferer. Thats all."wala akong masyadong sinabi tungkol saken. Wala rin naman nagtanong. Nahihiya pa ako dahil sa nangyari kanina. Malamang nakita nila 'yon.

Sa dulo ako umopo. Wala pangmasyadong discussion dahil nga unang araw palang. Kaya malaya 'kong binalikan ang mga nangyari kanina.

First day of school I encountered the most handsome guy I'd never seen. Well,except to my dad. Pero iba kasi iyong si Montenegro eh. Iba ang dating niya sakin. Pinapatakbo niya ng mabilis ang puso ko. Napahawak ako bigla sa dibdib ko hanggang ngayon hindi parin normal ang heartbeat ko. Muli na naman nag flashbacks saken ang imahe niya. Ang matangos na ilong. Ang makinis niyang mukha. Ang kasingkitan niyang mata. Ang mga kulay rosas niyang labi. Ewan, pero may biglang kuryenteng dumaloy sa dugo ko papunta sa tiyan ko.

Spark

Crush ko na talaga siya...

No HAPPY ENDWhere stories live. Discover now