"Tara pare tayo na yung tinatawag nung emcee" sambit ni joven sa mga kasama nya. (Drummer/financier ng grupo, RK kasi)
"Ok pare kaya natin to!!", sagot naman ni julius (second vocalist at rhythm).
" Oii pare mamaya na yan!!" Singit naman ni josh (Lead guitarist) sa kanilang bokalista na si jaden.
"Sama ka na lang muna sa mga classmate mo, tutugtog na kami ehh" sabi ni jaden sa gf nya sabay kiss.
"Palakpakan naman tayo jan para sa ating 8th and last contestant, mga bro, ang one and only, SILVER CROSS!!!"
Pambungad ng emcee, kahit may kaba ay natugtog ng maayos ng grupo ang mga kanta nila, rock version ng listen ni Beyonce, in the end cover ng LP, at seven black roses ng chicosci.
Pag baba ng stage ng grupo ay umupo sila sa table nila para hintayin ang announcement ng nanalo.
"pare, kahit 2nd place lang, mabawi ko lang gastos ko" sabi ni joven.
Pero tahimik ang lahat at kinakabahan, habang si jaden, tinitignan yung gf nya na may kausap na ibang lalaki.
"Eto na ang list ng mga nanalo,
3rd place : the roses!!!!, 2nd place : tanzan!!!!"
Tahimik pa din yung apat, "Ang two teams na may pinakamataas na score ay ang RadioHoundz at ang Silver Cross" announce ng emcee.
"Wooooohhh!!!, pare pasok tayo sa top two!!" Sabay na sabi ni josh at Julius.
"Bawi na bulsa!!", sigaw naman ni joven.
Pero si jaden, tahimik pa din.
" Para mas epic tong gabi na to, ang iaannounce ko, yung champion, and the other band, 1st place", "Ano, ok ba?" Sabi ng emcee.
"Sige!!!" Sigaw ng crowd.
"Ok, and the winner, of 2013 atmhos battle of the band is...................", "RADIOHOUNDZ"!!!!
" Yeeeeeeeeesssss!!!!" Sabay sabay na sigaw nila joven, josh at julius.
Habang si jaden, tahimik lang napayuko.
Julius : "pare sayang noh??"
Joven : "Ok lang yan better luck next time"
Josh : "pero takte nun di natin matibag yung mga jejemon na yun"
"Si jaden nasan?" Tanong ni joven sa mga kasama.
"Andun sa baba pare, may kausap sa phone" sagot ni josh.
Kada gig at jam ay sa bahay ni joven ang diretso ng grupo. Dahil talo, alak ang bagsak nila. Nasa rooftop sila at si jaden nasa parking.
Jaden sa kausap sa phone, " TAMA BA YANG GINAGAWA MO? WALA AKONG PAGKUKULANG AT MALING NAGAWA SAYO? IPAGPAPALIT MO KO SA KUMAG NA YUN?"
GF : " sorry jaden, di ako deserving para sayo" sabay baba ng tawag.
"PUTA TALAGA" sambit ni jaden sabay suntok sa pader!
Bumunot sa bulsa sabay kuha ng sigarilyo, isinubo sa bibig sabay sindi. Kumuha ng alak sa loob ng ref at ininom.
Nagdecide siyang maglakad sa labas ng bahay ni joven, sa tabi nun ay may bakanteng lote na may di gaanong kataasan na talahib. Sa dulo naman ay may puno ng mangga.
"Psssssssssst"
Lumingon siya ngunit walang nakita, itinuloy na lang niya ang pag inom ng alak at paghithit ng dalang sigarilyo.
"Psssssssst",
" wag kang manakot juls, papalunok ko sayo tong lighter ko!!"
Sigaw naman ni jaden.
Sa gilid ng puno ay may lumabas na isang lalaking Naka itim na hoody jacket, dahil sa gabi na at wala masyadong streetlight ay di maaninag ang kanyang mukha.
"Mukhang problemado ka kaibigan" sabi ng lalaki.
Sa takot ay napatalon si jaden at akmang papaluin ng hawak na bote ng alak ang lalaki.
"Sino ka!!" Sigaw ni jaden, "Ako lang ang tanging makakatulong sayo at wala nang iba" sagot nito habang nakangiti.
Pilit inaaninag ni jaden ang mukha ng kausap subalit liwanag lamang mula sa bilog na buwan ang nag sisilbi niyang ilaw kaya bigo siyang makita ang kabuuang itsura ng kausap.
"Tol!!!!!", sigaw nila josh habang tumatakbo papalapit sa kanya.
Humarap siya sa mga kagrupo, " Tang ina nito tol, nangungursunada ata!!" Sabay lingon sa kaninang estrangherong kausap.
Ngunit laking gulat niya ng wala na ito.
"Tara na tol, nabubuang ka na jan" sabi ni Julius.
"Alam kong babae na naman yang problema mo, Tara inom na tayo sa taas." Sabi naman ni joven sabay hawak sa balikat ni jaden.
Habang naglalakad pabalik sa bahay ay nilingon ulit ni jaden ang puno, isang anino ang nakita niya na wari'y paalis nakatayo sa likod ng puno.
Ilang buwan na ang lumipas, hindi pa din maalis sa isip ni jaden ang sinabi sa kanya ng lalaking naka itim.
