I.T.2

12 0 0
                                    

"May nagpapabigay po."

"Sino raw?" nalilitong tanong ni Ellaiza.

"Nandun po." sabay turo.

----

Nakatunganga lang ako at nakatingin sa labas. Eh! baka dumaan ulit.

"Quen!" sigaw ng teacher.

"Sir! ui! sir!" gulat kong sagot at napatingin kaagad sa kanya.

"Nakatunganga ka na naman diyan!" sabi niya

"A-e sir." nauutal kong sabi sabay ngumiti at nagkamot ng ulo.

"Hindi ka na naman nakikinig! Ano bang tinitingnan mo diya---" naputol niya ang kanyang sasabihin.

Nung napalingon ako sa labas.

"Haiisst." at napahalumbaba.

Tinaasan niya ako ng kilay at nagcrossed arms sa harapan ko.

"She's beautiful, huh?" sabi niya.

"Sobra." sagot ko at napangiti.

"Then have balls and go get that damn girl!" galit niyang sigaw.

"Sir?" nagulat ako at napalitan ng mapakla ang kanina lang na sobrang laki kong ngiti.

"Hindi ka nakikinig! you're insulting me!" sigaw niya.

Natahimik ang classroom at napatingin lang ako sa aming guro at hindi makasagot.

"Make a poem about her and I'll forgive you." sabi niya at ngumiti.

"O-okay sir." sabi ko sabay tumango tango. "English sir?" dagdag ko.

Ngumiti lang siya bilang sagot.

Bumalik na siya sa kanyang pagdidiscuss at nakatunganga pa rin ako.

Bakit nya ko pagagagawin ng poem? Bwesit na! English pa. Ang hirap nun. Tungkol sakanya naman. Bawi lang. Hehe.

----

"Wala." sabi ko at dumiretso nang maglakad.

"Wala." sabi ko ulit.

"Wala." ulit

"Wala." sabi ko ulit.

"Wala pa rin." sabi ko at napakamot sa ulo.

"Para namang hindi dito nag-aaral yun. Kanina pa ko libot ng libot sa campus na to." sabi ko sa sarili habang nagkakamot ng ulo.

Iniikot ko ang buong campus. Iniisa isa kung tinitingnan ang silid aralan dito. Wala kasi akong mapagtatanungan.

Nagpatuloy ako sa paghahanap.

"Wala." sabi ko

Napahinto ako nung muntikan kong malampasan ang isang room. Nakatingin pa rin ako sa aking dinadaanan pero tila daig pa ang duling kasi yung isang mata ko nasa kabilang banda na. Yun!

Dali dali akong yumuko at nagtago sa ilalim ng bintana at sumilip.

"Ang ganda mo talaga." nakangiti kong bulong.

Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsusulat siya sa board.

"Sana ako nalang ang chalk. Kahit minsan mahawakan niya man lang ako." bulong ko.

"Hoy!" sigaw nung guro nila at tinuro ako. Napatingin tuloy siya.

Mabilis kung sinara ang bintana at tumakbo.

Tarantang taranta ako. Sobrang bilis akong tumakbo at pinagpapawisan.

PLAPAK!

May nabangga ako. Di ko alam kung ano yun o kung sino yun. Nililingon ko parin ang pinanggagalingan ko.

"Bilis! Bilis! tayo ka na!" tarantang sigaw ko at nakalingon parin sa likuran ko.

Nung makatayo na yung nabangga ko. Mabilis akong tumakbo ulit. Naglalakad papunta sa kinaroroonan ko ang guro kanina nina bebe Montenegro.

"Teka."

------

"Is this guy your student?" tanong nung guro habang hawak niya sa kanyang kamay ang tenga ko.

I TriedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora