EXO (12)

213 11 0
                                    

EXO - [Bae]









Pagkatapos 'kong magpunas ng pawis at magpalit ng tshirt sa likod ng cottage ay tumayo ako ng ayos. Wala sa sariling hinanap ng mgs mata 'ko si Taeya na nakikipagkulitan kay Fany. Isa isa 'kong tiningnan ang lahat.









Si Cheol na paulit ulit binabatukan si KD at ito namang si Khay ay to the rescue. Si Yna at Fany na nagbubulungan tapos tatawa na lang bigla. Nakihalubilo sa kanila si Chi at kasama na nila sa tawanan. Malapit sa dagat ay sina Shy at Yen-Yen na nagbabasaan at nagtutulakan patungong dagat.









Si Jess at Yuki ay nanggugulo lang sa kung kani-kanino. Si Seth ay pinipisil ang tainga ni Han at si Han naman ay mukhang napipikon sa ginagawa ni Seth. Dito sa tapat 'ko ay si Krus, Zio at Lei na pinapanuod lang ang mga ginagawa ng iba. Sa dulo ng cottage ay sina Chat at Xiumo ay tatawa tawang kinukulit si Suwo na sasapinan raw nila sa likod dahil pawis pawisan sa kakalaro.









Umalis na ako sa may cottage para makihalubilo rin sa kanila nang lumapit naman sina Taeya at Shine sa amin. "Guys, anong gusto niyong kainin?" Tanong ni Taeya. Patuloy siyang niloloko ni Shine. Binubuhol buhol ang buhok at susuwayin naman ni Taeya si Shine.









"Patbingsoo!" Biglang sulpot ni Yen-Yen sa usapan at tinuro si Shy na walang kamuang muang na papalapit na rin sa amin. "Naalala 'ko pa noon si Shy. She pointed out the obvious at halos lumabas na sa ilong namin 'yung Patbingsoo."









Nang makalapit si Shy ay nagtanong ito kung anong meron. We just said that we're still undecided of what food are we going to eat. Pero hindi nagawang ikwento 'yung pinagsasabi ni Yen-Yen.









"Beef na lang," suhestiyon ni Suwo.









"Sawa na kami sa beef e. Teka!" Pagkuha ni Krus sa atensyon namin. "Ano na lang ba laman ng ref natin? Duon tayo magdecide."









Umiling si Taeya sa kaniya, "Maraming iniwan na pagkain sa atin parents natin. Imposibleng maubos ka'gad 'yun. Unless may umubos ng wala sa oras." At dahan dahan itong tumingin kay Yen-Yen at Yna kaya mga napatingin na rin kami.









"Oh? Bakit sa akin kayo nakatingin?" Angal niya. "Shikshin ka rin kaya!" Bulyaw ni Yen-Yen at tinawanan na lamang ni Chi na ngayo'y nakanguso na lamang.









Sinuway sila ni Taeya at nagtanong uli. Sumangayon naman kami sa suhestiyon ni Yen-Yen. 'Yung Patbingsoo. Masarap iyon kahit na hindi timing sa tanghaliang tapat. Pero malamig lamig rin naman kasi kaya okay lang na iyon ang kainin e.









Nagprisinta sina Shy, Fany, Chat at KD na silang magluluto habang ang iba ay maghahain. The rest ay magaabang na lang ng may pagkaing ihanda na sa mesa.









Naghahain rin ng mga plato si Taeya at mabilis akong tumayo para tulungan siya duon. Nagkatinginan kami at mabilis rin niyang inatras ang kamay niya para mas mahawakan 'ko 'yung plato. "Thanks."









Nahagip ng mata 'ko ang nangingising titig ni Yna sa akin nang maalis ito dahil may pinaabot sa kaniya si Shy. Right. Masyado na naman akong obvious.. Noon palang yata ay ganito na ako. God. Hindi 'ko na alam ang gagawin 'ko!









***









"jjijeojin jongisjogage
damanaen naui jinsime
seonmyeonghaejyeo somethin’ bout you.."









EXO and GG love story (Part 2)Where stories live. Discover now