chapter 2: Woman's instincts... raw?

235 1 0
                                    

asdfghjklqwertyuiopzxcvbnmjhdsagkhabnmvbakbnmdafnsbdjhdfabfamndbijhbvklajdksafndsajlhfdiouachmfuiahvtjklahguijklfhoregmalkfnsjnfsngs.

Ugh. Hindi ko na maintindihan ang binabasa ko. Antok na antok na antok na ako. Ninoy Aquino na ako dito. Naman naman naman. Ang ingay mo ser! ARRRGH!

"I need your reports as soon as possible, okay? And the-- "

*Kriiiing!*

Yes! Time na!

"Okay, next time na rin yung sunod. Chillax students ko!"

"Bye sir!"

Sobrang bait ng professor namin. Si Mr. Abad. Bisexual raw siya sabi nila pero ewan. At ewan rin sa sarili ko, first time ever na mairita ako sakanya kanina. Anong nangyayari? Wala naman akong bisita. Bwisit talaga.

Iritable ako ngayong araw ah. Mapuntahan nga si Lloyd.

"RIIIIIIIOOOOOO!"

"Ay butiki! Ano bayan, Pau!"

"Oh! Relax! May bisita ba?

"Ah wala."

"Oh, eh bakit ka ganyan? Taray mo. Sarap mong pakainin ng napkin."

Bakit ang gulo-gulo ng isip ko? Bakit nahihirapan ang damdamin ko? Bakit kinakabahan ako? Oh my gosh.  This is Absurd.

"Hoy. Nakikinig ka ba?" Sabay kalabit sa braso ko.

"Ah. Pasensiya na Pau. Sige. Mauuna na muna ako ha? Sige! Bye!"

"Ah. K. Bye. Problema nun?"

Hindi ko alam kung bakit nagmamadali akong makita siya. Tumatakbo ako ngayon at wala akong pakialam kahit bawal tumakbo sa hallway. Kinakabahan ako. Anong nangyayari saakin? Hindi naman ako nagkakape. Ugh.

"Vinci!"

"Oh, Rio! Bakit nagmamadali ka?

"Si.. *pant* Si Lloyd?"

"Hindi ko pa siya nakikita eh. Bakit?"

"Hindi ba siya pumasok?"

"Hindi dito ang klase niya. Thursday ngayon. Dun siya sa kabilang building."

"Oh. My. Waaaa."

"May sakit ka ba? Okay ka lang? Isang himala na nakalimot ka. Gus- "

"Sige! Aalis na ako!"

Shocks. Nakakahiya naman yun. Hindi lang ako napa-praning. Nagkaka-cognitive disorder na yata ako.

Nang makarating na ako sa klase niya ay wala din siya dun. Hindi raw pumasok sabi ng kaklase niya. Eh ganon din yung nangyari. Hay. Bakit kaya? May sakit siguro? Shit lang. Ugh. Pupunta nga ako sakanila.

*Ding dong*

"Rio! Tara, pasok ka!"

Nakangiti siya ng salubingin niya ako. Mas kinabahan tuloy ako.

"Tita, nandiyan po ba si Lloyd?"

"Ha? Wala eh. Hindi ba pumasok?"

Obviously tita. Eh hindi ko sana siya hahanapin. Ano ba!?

Teka. Pati galang ko nawala na.

"Hindi po eh. Ano po kayang nangyari sakanya?"

Hindi alam ni tita kung saan siya nagpunta. Walang nakakaalam. Kahit ako. Nasaan na siya. Lloyd, napa-praning na ako. I'm so worried about you. Bwisit ka. :'(

Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa may simbahan. Hindi pa rin ako mapakali.

"Huh?"

Si... Si Lloyd!

"Lloyd!!!!"

Nakita niya rin ako. Sumigaw ako ng napakalakas. Pero.. Tumalikod siya.. Hinabol ko siya.. Pero.. Sumakay na siya sa jeep.

"Putang ina mo, Lloyd! Problema mo!?"

Wala pa ring nangyari. Nagkita nga kami. Tinakbuhan naman ako. Ano ako naanakan niya? Ugh! Ka-imbyerna! Nyeta! Impakto! Mahal ko! Nakakainis ka!

Natatakot ako.

Wala ako sa sarili ko.

Dumating ako sa bahay ng balisa at parang walang nakikita.

"Rio, kumain ka na."

"Wala po akong gana." sumagot ako pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

"Rio?"

Naririnig ko ang nanay ko. Sumasagot ako pero hanggang sa utak ko lang yun. Sorry ma. Pagod ako. Tulog na lang ako.

Nahiga ako. Naghihintay ng text o tawag niya. Hindi din naman ako naiiyak. Talagang takot lang ang nararamdaman ko. Andiyan na rin yung pagkainis. Pero.

Hindi ko na alam gagawin ko. Ito ang unang beses na naging ganun siya sakin. Nakakatakot talaga. Tuwang-tuwa naman siya pag nakikita niya ako. Masaya naman siya pag magkasama kami. Mahal niya naman ako.

Mahal niya ako.

*We had the right love at the wrong time.*

Naririnig ko ang Somewhere down the road ni Nina. Karaoke? Sa kabilang bahay? Bakit yaaaaan!?

Sign ba 'to?

Tuwang-tuwa naman siya pag nakikita niya ako. Masaya naman siya pag magkasama kami. Mahal niya naman ako.

Pero mahal niya ako.

Dati.

Siguro?

Ugh! *Sabay takip ng unan sa mukha ko*

I love you but...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon