Chapter 43

853 15 23
                                    

Chapter 43: Their Side

Adonijah POV

Nasaan na ba yun?

Kanina pa ako naghihintay dito pero wala parin akong nakikitang maganda, este hindi ko parin nakikita si Kezaiah.

"Wag kang umasa."

Napatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Zorene sa aking tabi.

"Ano ba? Bakit ka ba nanggugulat?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Tss. Kawawa ka naman, hanggang tingin na lang." Pang aasar niya na ikinagalit ko.

Why Kezaiah? Why can't you love me back?

"Wag ka ngang epal." Inis na sabi ko sa kanya at tinawanan niya naman ako. Kahit kailan, papansin.

Nakakainis. Nakakarindi siya. Hindi niya ba alam na busy ako? Busy ako sa kakahanap kay Kez? Hindi niya ba maramdaman yun? Pwede na syang umalis, sa totoo lang. Tutal yun naman ang lagi niyang ginagawa.

"Uhm.. Jahjah."

Napatigil sa pagtawa si Zorene ng bigla akong tawagin ni Abegail. Tinignan ko sya at lumapit sya saakin.

"We need you. Pumunta ka ng SSG office, ngayon din." Utos niya na ikinabigla ko.

Anong gagawin ko dun? Hindi ko pa nga nakikita si Kez eh tapos papupuntahin na nila ako doon?

"Bakit ba lahat nalang ng kausap ko pinapaalis mo?" Galit na sabi ni Zorene kay Abe.

"Importante lang ito Zorene, sorry." Sabi ni Abe at hinila niya ako hanggang sa makapunta kami ng SSG Office.

-----------

Mukha ba akong may nalalaman? Bakit kailangan nila akong tanungin tungkol sa bagay na ito?

"Sorry, but I can't help you." Sabi ko sakanila. Akmang aalis na sana ako ngunit hinarang ako ng Vice President.

"Mr. Servallia, kahit saglit lang po. May itatanong pa kami." Sabi niya saakin.

Muli akong naupo at tumingin sa lalaki. Tinitigan niya ako sa aking mga mata. Tinignan ko naman sya ng masama dahil doon.

"Sino sa kanila ang pumapatay?"

"Ang kulit niyo. Sabi ko, I dont know anything. Wala akong alam! Mahirap bang intindihin yun?! Nagsasayang lang ako ng oras dito eh." Sabi ko at galit na lumabas ng office. Such a waste of time.

Rommel POV

Nakakalungkot isipin na hindi ko magawang lapitan at kausapin siya.

Ang babaeng tunay ng nagpapatibok ng aking puso.

"Akala ko ba si Pauline ang gusto mo?"

Nagulat ako sa biglaang pagsalita ni Jahjah sa aking tabi. Kanina pa ito nawawala eh, siguro ay hinanap nanaman si Kezaiah.

"Saan ka galing?" Tanong ko sakanya.

"Wag ka ngang Change Topic. Sagutin mo muna, akala ko ba si Pauline ang gusto mo?" Muli niyang tanong saakin.

Napangiti ako sa naging tanong niya.

"Gusto ko sya, pero noon yun. Noong mga panahong hindi ko pa nakikilala si Caroline." Nakangiting sagot ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit at paanong nangyari na napakabilis kong matamaan sa kanya. Pakiramdam ko hindi ako mabubuhay ng wala sya.

Sabi nga nila, hindi oxygen ang mga babae but for me, Caroline is an oxygen. I can't live without her and she's my life.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon