Florante: I-ikaw?

Aladin: Ako nga, Florante, si Aladin, na katulad mo isa ring sawi.

Florante: Diyata't ang kaharap ko'y ang kilabot na mandirigma ng Persiya.

Aladin: Ang akin namang kasawian ay dahil naman sa aking amang sultan na si Ali-adab. Siya ang umagaw sa mahal kong si Flerida.

Narrator: Isinalaysay ni Aladin ang ilang bahagi ng kanyang kahapon kay Florante. Pati narin ang dahilan ng alitan nilang mag ama.

Aladin: Papakasalan ko dapat ang aking irog, si Flerida. Ngunit, ang hindi ko alam, nais rin pala ng aking ama ang minamahal kong Flerida. Pagbalik ko galing sa isang giyera, ako'y kinulong ng aking ama! Pinalaya niya ako subalit hindi na ako maaaring bumalik sa Persia kundi ako ay papatayin.

Narrator: Samantala sa kabilang banda sa etolya....

Menandro: Mukhang nagkakasiyahan kayo.

Kawal: May liham galing kay binibining Laura!

Menandro: Kay Laura? Tama nga ang aking hinala. Mga kawal, maghanda kayo ngayun din at lulusob tayo sa Albanya.

Narrator: At ng sila'y makarating sa kaharian ng Albanya...

Menandro: Sugod, mga kawal! Patayin ang mga taksil

Narrator: Habang nagkakagulo ang mga tao sa Albanya, tumakas si Adolfo kamasa si Laura.

Adolfo: Magiging akin ka ngayon!

Laura: Bitiwan mo ako! Halimaw!

Flerida: Bitiwan mo siya. Nilalang, isa kang halimaw! Ito ang nababagay sa iyo.

*Flerida shot Adolfo in the heart with a bow and arrow*

Laura: Maraming salamat. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?

Flerida: Ako ay si Flerida.

Laura: Maraming salamat Flerida. Kung hindi dahil sa iyo na ituloy ni Adolfo ang kanyang masamang balak. Siya nga pala, ako pala si Laura.

Narrator: Nagpalagayang loob ang dalawang dalaga at sanhi narin ng pangyayari isinalaysay nilang pareho ang kani kanilang karanasan bago ang pagkakataong iyon.

Aladin: At ng gabing iyon ay nilisan ko na ang Persiya at nilakbay ang madilim na gabi...

Florante: Hintay. Wala ka bang naririninig?

Aladin: Oo nga! Tena at ating pakinggan!

Flerida: Subalit sadyang hindi ko matanggap ang pag-ibig ng sultan. Ninais ko pang magpakamatay ngunit paano si Aladin? Hanggang sa maisipan ko ang tumakas. Nilandas ko ang kaparangan at kabundukan hanggang marating ko ang kagubatan at...

Laura: Isa ka rin palang sawing nalayo sa iyong tunay na minamahal.

Florante: Diyata't si Laura ang narinig ko!.

Aladin: At kasama niya ang muyta kong si Flerida.

Florante: Laura! O aking Laura!

Laura: Florante!

Aladin: Flerida!

Flerida: Aladin!

Narrator: Walang pagsidlan ng galak ang apat sa kanilang muling pagtatagpo at ang madawag na gubat na iyon ay naging paraiso.

Laura: O Florante, mula ng lumisan ka ay nagkaroon na ng gulo sa Albanya.

Florante: Gulo? Anong gulo ang naganap, mahal kong Laura?

Narrator: Sa gitna ng pananabik sa muli nilang pagkikita. ikinuwento ni Laura ang mga nangyari sa Albanya habang siya ay nakikipag digma sa Etolya. Ang hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ni Aladin ang...

Aladin: Teka, tila mga yabag ng maraming kabayo ang tunog na iyon.

Florante: Oo nga! Dali! Magsipag kubli tayo!

Narrator: At mula sa kanilang pinagkukublihan, ay ito ang kanilang nakita.....

Florante: Teka, tila namumukaan ko ang nangunguna. Oo nga, si Menandro!

Menandro: Florante! Oh kaibigang Florante, ang akala ko'y hindi na tayo magkikita!

Florante: Menandro, salamat, salamat sa pagdatin niyo.

Menandro: Pagkaalis mo'y isang sulat ang tinanggap ko, mula kay Laura, doon ko nabatid ang inilaang patibong ni Adolfo para sayo. Hindi ako nag aksaya ng panahon, tinipon ko ang dating hukbo at noon din ay sinalakay namin ang Albanya. At hindi kami na bigo, naibagsak namin ang mga kabig ni Adolfo. Hinahanap ko kayo pati na si Adolfo subalit hindi ko kayop matagpuan.

Laura: Kasalukuyan akong itinatakas a palasyo ng itakas ako't dalhin ni Adolfo sa gubat at dito ako nakita ni Flerida. Na siyang nagligtas sa akin.

Menandro: Kay ganda ng pagkakataon ngayon, wala ng liligalig sa bayan ng Albanya!

Kawal: Mabuhay si Florante! Mabuhay si prinsesa Laura!

Narrator: At nilisan nila ang madawag na kagubatang iyon upang magbalik sa Albanya. Gayon na lamang kanilang kagalakan ng matanaw na nila ang Albanya. Sa pagpasok nila ang lungsod ay sinalubong sila ng di magkamayaw ng mga mamamayan.

Mamamayan sa Albanya: Mabuhay ang bagong hari, mabuhay sina Florante at Laura.

Narrator: At di naglipat araw ang dalawang puso ay pinag tali, sina Florante at Laura, Aladin at Flerida. Pagkatapos ng malaking pigging sa palasyo ay nagpaalam na sina Aladin at Flerida.

Aladin: Paalam na Florante, Laura, hanggang sa muli nating pagkikita

Florante: Pagpalain kayo ni Bathala, Aladin, Flerida.

Narrator: At si Florante at Laura ay naging uliran sa pamamahala ng kaharian, malaki ang isinulong ng Albanya. Magbuhat noon ay di na humiwalay sa kanila ang kaligayahan.  

FLORANTE AT LAURA SCRIPTWhere stories live. Discover now