Chapter 2

308 78 111
                                    


Dahil sa basa ng suka ang damit ni Tina, walang ibang choice si Zachary kundi palitan ng damit ang dalaga. Agad siyang pumunta sa closet niya at kumuha ng isang plain white t-shirt niya at bumalik sa kama.

I'm sorry, baby. I have to do this...

Dahan-dahan niyang binubuksan ang butones sa suot na blouse ng dalaga. Nanginginig pa ang kamay niya habang dahan-dahan na nalalantad ang kaputian nito sa harapan niya. Agad niyang iwinaksi sa isipan ang pagnanasa na yakapin ito at ikulong sa mga bisig niya. Good thing, hindi nabasa ang bra nito kaya hindi na niya kailangan na pati iyon ay hubarin. Takot niya lang, baka hindi siya makapagtimpi at may magawa pa siyang hindi kaaya-aya.

Binihisan na niya ito at tumayo siya sa kanyang kama. Hininaan niya ang aircon sa loob ng kanyang kuwarto. Bumalik siya sa kama at tinabihan na ito. Rinig niya ang bawat mabibigat na paghinga nito. Tumagilid siya paharap sa dalaga. Hinaplos niya ang maamo nitong mukha.

I don't want to see you cry again. I will do everything para mapasaya kita at mabaling ang pagmamahal mo sa akin, Tin.

"Larkin," tinatawag nito ang pangalan ng ex niya. Kasasabi lang niya kanina na ayaw niya itong makitang umiyak but here she goes again. Naglakbay ang mga butil ng luha nito sa kanyang mga mata. Naikuyom niya ang kanyang kamao. Pinunasan niya ang mga luha ng dalaga gamit ang hinlalaki niya. Nabigla siya ng hawakan ni Tina ang braso niya at hinila siya palapit sa katawan nito. Yumakap nang mahigpit si Tina sa katawan niya na parang ayaw siyang pakawalan. Huminto tuloy ang paghinga niya.

"I love you so much, Larkin. Please, don't leave me. Please..." Humihikbi pa ito habang nagsasalita. Parang pinipiga ang puso niya na makita ang dalaga sa ganitong kalagayan.

"I will never leave you, baby. I promise you that," saad niya dito kahit hindi naman siya ang tinutukoy ng dalaga. Mas humigpit ang yakap nito sa kanya.

Kinaumagahan, maagang bumangon si Zach sa kama. Napangiti siya nang makitang mahimbing pa rin na natutulog ang dalaga at nakanganga pa. Agad na rin siyang pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos niyang maligo ay pumasok siya sa kanyang maliit na kitchen at pinaghanda si Tina ng soup.

Narinig niya ang pagtunog ng cellphone ni Tina kaya agad siyang lumapit sa bag nito at kinuha ang cellphone ng dalaga. Nag-aalangan pa siyang sagutin ang tawag nang makita na Mommy pala ng dalaga ang tumatawag. Alam niyang nag-aalala na ang mga ito kay Tina.

"Tita," bungad niya ng sinagot niya ang tawag.

"Who's this? Nasaan si Tin?" nag-aalalang boses ang nasa kabilang linya. Lumingon siya sa gawi ni Tina na mahimbing pa rin na natutulog sa kama niya.

"Tita, si Zach po ito. Kasama ko po si Tina ngayon. Sobrang lasing niya po kasi kagabi tapos ayaw niyang umuwi sa bahay niyo po, kaya dinala ko na lang siya rito sa condo ko," saad niya sa Mommy si Tin. Napalunok pa siya ng laway dahil sa kaba. Baka kasi ano isipin ng Mommy nito sa kanya.

"What? Naglasing? Bakit siya nagpakalasing?" hindi makapaniwalang tanong ng Mommy ni Tina.

"Mas okay po siguro na si Tina na lang po ang tanungin niyo. Malungkot po siya ngayon at heart broken, iyan lang po masasabi ko, Tita," saad ni Zachary sa ina ni Tin. Napabuntong-hininga siya at tiningnan ulit ang dalaga.

"I don't know what happened, Zach. Just take care of my daughter, okay? You know, I trusted you better than Larkin," saad ng nasa kabilang linya.

"I will, Tita. Salamat po sa tiwala." Napangiti si Larkin sa sinabi ng Ina niya Tin. Nang naputol na iyong tawag ay agad na niyang ibinalik ang phone ni Tina sa bag nito. Lumapit siya sa dalaga at hinaplos ang makinis na mukha nito.

Ako na lang sana COMPLETEDWhere stories live. Discover now