Chapter One : Soulmate's Sign

69 3 0
                                    


Alex POV:

Hindi na ako makapaghintay para bukas.

Birthday ko na kasi.

Kung hindi lang ako sawi sa pag-ibig sana may babati sa akin agad at mararamdaman mo yung sarap sa pakiramdam na may nagmamahal sayo.

Tama na nga ang drama.

May pamilya naman akong nagmamahal sa akin kaya ang pag-ibig na yan.

Itutulog ko na lang to mamayang gabi kasi sa dream land may forever.

Yung forever na kasama mo sa dream land si Crush.

San na kaya si Lola? Sabi niya kasi pupunta lang ng Supermarket e.

Nag aalala na tuloy ako. Halos 2 hours na rin wala e.

Punta nga ako sa Supermarket.

Tssssk. Wala naman siya dito e. Wala naman kasi CP si lola para matext ko lang o matawagan.

Hindi ko rin alam na baka nakauwi na siya.

Nagutom tuloy ako. Kain nga ako sa malapit na fast food dito.

"Miss pa order nga ng p3 na yan Spicy huh then yung drinks regular lang."

"Ilang order po?" Tanong ng counter.

Sumagot ako agad. "Isa lang. Walang love life e. Team Sawi kasi."

"Hugutin ba naman maam? ehe
Sige po se serve na lang. Thank you po. Baka galit na kasi yung susunod na order naka taas na ang kilay."

" Sige salamat. Hindi galit yan. Ang gwapo nga e. Liligawan ko na yan. Ako pa talaga. Joke. :P"

Natawa bigla yung counter tsaka yung lalaking kasunod kong nakapila.

Umupo agad ako para hintayin ang order ko. Gutom na talaga ako e.

After 15 minutes nabigay din.

"Thank you for waiting ma'am. Here's your order p3. Spicy Chicken meal with spag. Enjoy your meal ma'am ."

Dami pang sinabi ng dining na yun e. Samantalang gutom na gutom na ako.

Kaya ako sawi sa pag-ibig e.

Hindi ako marunong maghintay.

Worth to wait naman e.

Paubos na bakit gutom pa ako. Dami ko talaga kinakain araw-araw.

Tumawag ako ng dining para makapag order na lang sakanya since tinatamad na rin akong tumayo.

" Uyyy. Pogi!"

Agad namang pumunta yung dining.

"Good ikinagwapo mo yung pagpunta mo agad. ehe Pwede mag pa add ng order?"

Syempre aayaw ba naman? Diba hindi naman. lol

Pa add nga ng Sundae lang. Thank you.

Agad namang binigay yung add order ko.

Pina keep the change ko na lang dun sa dining yung sukli ko.

Pagkatapos kong kumain. Umuwi na agad ako.

" San ka galing apo? "

"Lola ang tagal niyo e. Nainip ako sa bahay pinuntahan kita sa supermarket e kaso wala ka then kumain na rin ako sa fast food."

" Pagkatapos kong mamalengke apo sa handa mo para bukas. Nakita ko yung naging classmate ko nung High School ako. Yun niyaya ako kumain sa labas tsaka para makipag kwentuhan na rin. Kilala mo yun si Leo."

" Opo lola kilala ko yun.
Bukangbibig mo nga sa akin yun Lola e. Crush mo noon kaso hindi naging kayo. "

"May asim pa ba Lola?"

Natawa si lola bigla at sinabi sa akin na kung batukan kaya kita jan.

Sobrang sweet kami ng Lola ko e.

Siya na kasi yung tumayong tatay at nanay ko.

Mula bata ako hindi ko pa nakakasama mga kapatid ko tsaka parents ko. Ni hindi ko nga alam kung hinahanap pa ba ako or hindi na.

Natatanong ko naman minsan pero ang laging sinasabi ni Lola ay napulot lang niya ako sa isang park noong 4 yrs. old lang ako.

Sabik na nga akong makilala mga parents ko e tsaka lalo na kung may mga kapatid pa ako.

"Lola 2pm na, time to siesta muna.
Tulog na po muna ako. "

Ayyyy! Panibagong gising na naman.

6pm na pala. Napasarap tuloy ako sa
tulog.

6 hours na lang birthday ko na. Mag sa sign nga ako. Sabi naman nila na totoo ang sign e. Sometimes.

Pero wala namang masama kung susubukan ko diba.

OKAY.. Kung sino man ang unang taong babati sakin pagsapit ng 12am siya ang soulmate ko.

Siya yung taong mamahalin ko forever at ako rin ang mamahalin niya forever.

" Apo 7PM na dinner na tayo!"

"Sige lola. Coming na po!"

Pagkatapos kong kumain nanood lang ako ng movies.

Hinihintay ko kasing mag 12am e. Excited kasi ako e. Sobra.

Wooohhh! 11:55 PM na. 5 minutes na lang birthday ko na.

11:56 PM

11:57 PM

11:58 PM

11:59 PM

Happy Birthday to me!!!

( Phone Beep)

May nagtext sakin. Greetings to for sure. Soulmate ko.

Woohhh! Hindi ko expect na siya.

Totoo ba to o totoo ba to?

That Crush To Soulmate. Feeling. <3 (ONGOING)Where stories live. Discover now