Ang Trono at ang Singsing

233 2 0
                                    


              May isang lalaki na nagngangalang Homer at siya'y nagmamahal ng tapat sa Diyos, anuman ang iutos sa kanya ng Diyos ay ginagawa niya anupat lubos na natuwa ang Diyos sa kanya. Ngunit dumating ang mga panahon na tila ba nagsawa na siya sa mga ginagawa niya para sa Diyos, nakikita niya kung paanong nagkakasiyahan sa sanlibutan ang mga taong malalayo sa Diyos, at nagkaroon nga siya ng pag-iisip na subukan ang mga makamundong gawain at kasiyahan. Ngunit bago pa man ito mangyari ay nagkaroon siya ng isang panaginip.

              At sa kanyang panaginip ay nakasalamuha niya ang kaluwalhatian ng Diyos, nakita Niya ang kaliwanagan nito at sa sobrang liwanag ay di niya nga masilayan ang mukha nito. At maya maya ay nawala nga ang liwanag at isang tronong ginto ang kanyang nakita, ang trono ay may mga mamahaling uri ng mga bato at tunay nga na napakaganda. At nangusap nga sa kanya ang tinig ng Diyos na nagsasabing, "Nais mo ba na ikaw ay maging trono ko?". Sumagot naman si Homer, "Opo, napakapalad ko po dahil ako po ang inyong upuan", at pagdaka'y nagliwanag nga ang trono at naupo nga ang Diyos dito. At tumayo nga rin ang Diyos at umalis sa trono. Iniharap ng Diyos ang kanyang kamay at ipinakita kay Homer ang gintong singsing na nagliliwanag. At sinabi ng Diyos, "Ito ang nais Ko na maging ikaw, ang aking singsing". Pagdaka'y nag-iiyak nga si Homer at nakita niyang siya'y tunay na napalayo sa Diyos.

             1 Juan 2: 15-17 Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang nasa ng laman, ang nasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa mundong ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan. Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng kinahuhumalingan nito, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.

             Bilang Kristiyano, dumarating sa ating buhay ang tila pagkainggit sa mga nasa sanlibutan. Anupa't ito ang nagiging dahilan ng unti-unting pagkawala ng ating pag-ibig sa Diyos. Katulad ni Homer na tapat ngang nagmamahal sa Diyos maaring minsan na rin tayong naligaw. 
             Ang "TRONO" ay sumisimbolo sa atin bilang mga naghihintay lang sa Diyos, ang Hari ay hindi palaging nakaupo sa trono Siya'y tumatayo rin at umaalis sa Kanyang trono. Ngunit ang "SINGSING" ay palaging kasama ng Hari saan man Siya magtungo at ito rin ang Kanyang ginagamit upang maipakita ang Kanyang kapangyarihan.
            Huwag nating hangarin ang yaman ng sanlibutan sapagkat ito'y mawawala rin balang araw, hangarin natin na palaging kasama ng Diyos, na anuman ang Kanyang naisin ay ating masunod sa gayon ay magiging maayos at maganda ang takbo ng ating pamumuhay. Hangarin din natin na tayo'y maging kagamit-gamit sa Diyos, upang makita ng lahat na Siya ang pag-asa ng sanlibutan.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Mar 09, 2017 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Mga Kuwentong Nagbibigay InspirasyonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora