P R O L O G U E

1.3K 8 0
                                        

Nagkagulo ang mga tao ng bar sa dancefloor nang bugbugin ko ang lalaking nambastos sa kaibigan ko habang sumasayaw kami kanina. Nagsialisan ang mga tao dun at yung iba naman ay parang walang pakealam sa nangyari dahil nagpatuloy sa pagsasayaw.

May ilang bouncers ang lumapit para tulungang patayuin ang nabugbog ko. Nahirapan pa sya sa pagtayo, hinawakan ang pang-ibabang labi na dumudugo at matalim akong tiningnan. I smiled at him devilishly and walk out.

That's for you .!

"That's my best friend ! Wohooo .!" 

Pasigaw pang sabi  ni  Sam yung tinutukoy kong kaibigang binastos kanina. Napalingon sa kanya yung ibang naroon at tinawanan lang ng ibang kaibigan namin.

Pakalma akong naglakad papunta sa table namin na parang normal lang ang ginawa ko. Nakipag high-five yung mga kaibigan kong nakaupo na tila sobrang proud sa ginawa kong kaguluhan.

"Astig Laine huh.!"

Salubong sa 'kin ni Dylan isa sa mga barkada ko at nakipag high-five. Kinindatan ko lang sya at umupo.

"We know you can do it. You don't need our help baby girl. Baka malumpo pa sya pag tumulong kami.!" Natatawang sabi rin in Jaycee kaya napabulalas ng tawa ang mga kaibigan namin.

"Cheers for Andrea Celaine Conception para tonight .!" Si Brian habang itinaas ang glass ng whiskey at hawak-hawak naman sa isang kamay niya ang bottle ng wine.

"Cheers para sa pinaka magandang kaibigan natin  na si Laine !" Si  Dylan na medyo tipsy na. Deretso yung lagok ko ng whiskey na bigay ni Dylan  nang di nagbabago ang expression ng mukha.

"Si Laine lang yung pinaka maganda Dylan .? Pa'no naman kami ni  Kath .?" Nagtatampong boses ni  Sam, sumang-ayon naman si Katharina at nagpout ng lips.

"Oo nga nakakatampo na huh. Favoritism ka rin kay Laine eh .!" Sagot naman ni  Joanna.

Nagtaas naman ng kamay si Dylan hudyat na sumuko sya.

"Fine. Fine, maganda na tayong lahat !" Ani Dylan na mapupungay na ang mata.

"Whattttt .?" Sabay na sumigaw sina Brian at Jaycee na halos matapon yung dalang glass wine sa pandidiri.

"Fuck dude, we're not gay .!" Maarteng sabi  ni Jaycee.

"Ewww. Wag kang mandamay Dylan. Kadiri ka bro." Diring-diri rin si Brian sa narinig na 'maganda' mula kay Dylan.

Nagtawanan na kami at lalong umingay ang aming table. Habang lumalalim ang gabi ay lalong lumalalim rin ang usapan namin. Nag-uusap na ang boys nang kabulastugan at SPG'S kaya ngumingiwi kaming girls sa kanila.

"Let's dance, ayokong marinig ang boys. Nakakadiri. !" Si Samantha na paika-ika kung lumakad kaya sumunod na rin kami sa kanya

"Don't dance with manyak boys. Kung ayaw nyong makapatay kami .!" Pahabol na sigaw ni Jaycee habang papaalis kami.

"Yeah. We're not, don't worry. Bad girls don't flirt with manyak boys, they flirt with the innocent one. Yung magpapari. Hahaha" wala sa sariling  sabi ni Kath kaya na natawa ako. Seriously.? She's going to flirt with that kind of man .? Well, wala syang makikitang ganito sa mga lugar na 'to.

Sumayaw ako ng wala sa sarili sa dancefloor at nakisabay sa lakas ng music at nawala na rin sa paningin ko ang ibang girls. No worries, the boys are just watching us .!

I'm Inlove with a SeminarianStories to obsess over. Discover now