CHAPTER 2: "JEDS CAN"

Start from the beginning
                                    

Maya-maya umingay na rin sa paligid. Mula sa malayo maririnig ang malalakas na tawanan at kwentuhan ng grupo ni Jude habang lumalakad sa hallway palapit sa designated Homeroom namin. Naririnig ko rin ang mga kababaihan. Halos magkakasabay kasing pumasok ang mga lumalakad ngayon sa hallway.

Dahil nakaharang kaming tatlo nila Cheer at Clo sa harap ng front door ng classroom napansin agad kami ng karamihan.

"Oh ano 'yan Clo? Ang agang love triangle niyan ah?! Pauso niyo ah? Diyan niyo pa piniling mag-PDA sa harap ng classroom. Mahiya ka pre!" A sarcastic remark coming from one and only Jerloyd. Right hand ni Jude.

His idiot! A full-time idiot as his finest! What else can I expect from him?

"Sali niyo naman kami... Can we join the triangle? Hahaha." Si Jude na wala pa ring kupas sa kahanginan.

Kung nasa normal akong sitwasyon malamang, nakabakat na ang kamay at kamao ko sa mukha nila. But I'm in the middle of nightmare. And I can't even explain what to feel anymore.

Wala manlang ako magawa kundi ang tumunganga... At umiyak... Lahat ng focus ko nabalik sa kahindik-hindik na bagay sa unahan.

Ngayon kayo mag-ingay please! Bakit kayo tumigil? Bakit kung kailan ko kailangan?

"Uy! Nagbibiro lang kami, bakit ka umiiyak ng ganyan?! Uy! Aeon!"

Hindi ko na alam ang sinasabi nila. At kung sinu-sino na ang nagsasalita. All I know there's sudden but blurry commotions from afar. Malayo ba talaga sila or nasa tabi ko na? Nasa'n sila?

I tried to blink my eyes. I felt relive nang nagsilinaw ang mga nanlalabo kong mga mata because of tears.

And I saw them. All of them. Right in front of me and they all blocking my view now. Hindi ko na aalalahanin pa kung paano kami napunta ngayon sa huli, habang silang lahat halos makaabot na sa teacher's desk.

I know, no one would even dare to go nearer. They all froze in their places as well, being in the same degree of shock that Cheer, Clo and I felt. I guess...

Sino ba kasi ang hindi matutulala sa nakikita nila ngayon? Isha was placed on teacher's chair. Nakabalot ng isang ductile plastic bag. Duguan at higit sa lahat walang buhay. Bagay na paulit-ulit na dumudurog sa puso ko.

She is Jennish Avenson, a certified member of JEDS CAN circle of friends. Siya ang astiging babae ng grupo. As far as I know walang leader ang girls sa JEDS CAN, but she is seemingly the head on girls side. Counterpart ng leader naming si Jack Daniel. And last but not the least, best friend siya nina Cheer at Shen.

"Sino ang unang nakakita sa bangkay ni Jennish? Tanong ni Phlegein o mas kilala bilang P-Gin, siya ang presidente ng klase, which is happened to be my childhood best friend too. Mukhang sila ng grupo niya ang pinakahuling dumating? Kasi nakita ng iba ang eksena kanina lang habang naririnig kong lumalakad sila sa hallway. Sure thing, they have an idea already. I wanted to repond to him but my tongue tied.

"Do you at least got any slightest idea who have done this?" He asked again habang inililibot ang paningin sa lahat ng taong nasa classroom.

Walang bakas ng anumang kaba sa mukha niya. As what have everyone always expected. 'Ayan, composed pa rin siya kahit ang lahat ng na'ndito ay aligaga na sa nangyayari. Alam kong lahat kaming nasa loob ng nakakasulasok na classroom na 'to ay natatakot at nagdurusa. Yet, all of these are just nothing to Gin. Hindi dahil masama siyang tao or whatsoever. Talagang ganun lang siya noon pa man. I know for a fact na kahit best friends kami may mga gesture s'yang kahit ako ay di kayang bigyan ng eksplinasyon kung sakaling ipaiintindi ko or ire-relate sa iba. Basta may mga bagay na automatic ko nalang na naiintindihan sa kanya na mahirap namang ipaliwanag sa iba.

Down UniversityWhere stories live. Discover now