"Austin! Come on. Hanapin mo ako!"

Nagawi ang tingin ko sa sumigaw. Mas matangkad na ito. Hanggang pang-upo ang ginto niyang buhok. Just the sight of here, I can say that she's already twelve, thirteen or fourteen. Mas tumingkad na ang kagandahan niya.

She's hiding behind the tree at sumisilip. Little did she know, nasa likod na niya si Austin. I noticed that Austin's body became broader. Mas tumangkad din ito at gwapo.

"Aaaaaahh!" Tili niya nang bigla siyang yakapin ni Austin mula sa likod.

Austin roared a very manly laugh and covered her mouth.

"My sweetheart is shouting so loud," bulong niya sa tenga nito.

I looked away because of the sight. They are so close to each other. Not only physically, but also emotionally. Ramdam ko ang malalim na connection nilang dalawa.

"Madaya ka!"

Napatingin ako sa kanilang muli. Tinutulak niya si Austin habang nakasimangot at nagpipigil ng ngiti. Her white dress complemented here rosy white skin.

"Uh-huh," ani Austin habang hinahaplos ang mukha nito.

He's staring at her, like she's the most beautiful girl and most precious gem in this whole world.

"Dapat kasi roon ka magsisimula maghanap, hindi ro'n sa likod," reklamo pa nito at pumadyak.

Austin laughed wholeheartedly because of her. Nabigla at napangiti ang mga parating na kasambahay nang marinig ito.

"Isa talagang biyaya si Asha sa atin. Hindi lamang sigla ng palasyo ang bumalik, kung hindi pati ang sigla ng mahal na hari."

Tila kinurot ang puso ko nang marinig iyon.

"Tama. Matapos mamatay ng dating hari at reyna ay naging malupit siya. Hanggang siya ang pumalit bilang hari. Ngunit simula nang dumating si Asha ay lumalambot na siyang muli."

My lips parted.

Ibig sabihin, malupit si Austin dahil sa pagkamatay ng mga magulang niya? And I knew nothing about that. Walang-wala ako kay Asha na kilalang-kilala si Austin. Na nagpaamo sa mabagsik na hari. Walang-wala ako sa kan'ya.

Pinalis ko ang luha at pinagmasdan silang pumasok sa palasyo. Hindi ako sumunod dahil ayaw kong mapanood pa sila. Ayokong mapamukha pa sa akin na walang-wala ako kumpara sa nauna niyang beloved.

Habang napapanood ko ang lahat, habang tumatagal, naiisip kong wala akong karapatan sa pwesto ko ngayon. Hindi ako karapat-dapat na kabiyak niya.

Napapikit ako nang muli akong nahilo. Pagmulat ko ay nasa gitna ako ng mga bampira. Naglakad-lakad ako hanggang sa makita silang dalawa muli. Lahat ay nakatayo habang pinapanood ang tila magic show sa harapan.

Edad fifteen o sixteen na siya kung titignan. Nasa tabi nito si Austin na tahimik na pinagmamasdan si Asha. Tuwang-tuwa ito habang nanonood ng magic show. Halos napapanganga pa ito at pumapalakpak. Titig na titig naman ang huli sa kanya at sumisilay ang ngiti sa labi kapagkuwan.

I sighed and looked away. Pinanood ko na lamang din ang magic show dahil mahilig din ako sa mga ganito nang biglang nagsigawan. Kinabahan ako at napatingin sa gawi nila. I saw Austin fighting men that on black outfit and black mask. Sumisigaw naman habang nilalayo si Asha.

"Austiiiin! Aaaahh! Let me go!" sigaw nito.

Napatingin si Austin sa gawi niya at aambang pupunta nang sinugod na naman siya ng batalyon ng mga nakaitim na lalaki.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila, hanggang sa napagpasyahan kong sundan ang mga dumukot kay Asha.

Sunod lamang ako nang sunod hanggang sa tumigil sila sa isang lugar at doon ibinagsak si Asha. Napaigik ito at kahit ako ay napangiwi. I'm hella sure that it hurts! Nanunubig ang mata nito at pilit na sinasamaan ng tingin ang mga nasa harap niya.

"Anong kelangan niyo sa akin?! Kay Austin!?" sigaw niya.

Ngunit tila wala itong narinig at nilibot ang tingin na parang may hinihintay.

"Lagot kayo kay Austin kapag nahuli n'ya kayo! Lagot kayo kay Austin ko!" sigaw nito.

Bumaling ang isa sa mga dumukot sa kanya at marahas siyang hinawakan sa pisngi. Bumaon ang mga kuko nito kaya napangiwi siya sa sakit. The guy removed his hand on her delicate face and licked the blood on his finger.

"So sweet," bulong nito at bigla siyang kinalmot sa braso.

Napatingin ang dalawa pa niyang kasama at akmang sasawayin nang maamoy din ng mga ito ang dugo ni Asha.

Nanlaki ang mata ni Asha dahil sa takot. And I'm scared as well. Even she's Austin's first beloved, ayaw ko pa rin siya masaktan. She's innocent!

Bigla siyang sinakal ng isa at sinipsip ang mga umaalpas na dugo mula sa kaniya. She cried and shouted loudly.

"Aaaaaahhhh! Stop it! Let me go!" she cried miserably. Her voice was full of pain, agony and fear that it hurt my chest.

Gusto ko siyang tulungan pero wala akong magawa. I'm just a guest on this memory.

Patuloy sila sa pagsipsip sa kan'yang dugo. Unti-unting namumutla ang kan'yang mamula-mulang balat.

"Assholes!" Malakas na tumalsik ang mga bampirang iyon. At makalipas ang ilang sandali ay natapos silang lahat ni Austin.

Mabilis siyang tumakbo palapit kay Asha. She's breathing so fast. Hinahabol ang sariling hininga. Umupo ako sa tabi nila at pinagmasdan sila. She's now on Austin's lap.

"Sweetheart... hold on, baby..." bulong niya at hinalikan ito sa labi.

*****

Supladdict<3

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now