"Uhh.." Nakarinig ako ng mahinang ungol mula kay Theo nang natapos kong itali ang natitirang tela.

"Theo?!" I exclaimed.

"Oh, gising ka na?" Napalingon samin bigla ang lalaking tinawag na Boy. Napatingin ako sakanya, nasilayan ko ang ngisi nya sa mukha.

Binalikan ko na lamang ng tingin si Theo at ganun na lang ang tuwa ko nang nakita kong unti unting nagbubukas ang mga mata nito.

"Oh god, Theo! You're awake!" Nasisiyahan kong sabi habang hinahaplos ko ang noo nito.

Isang impit na ungol lamang ang tinugon nito sakin tapos ay hinawakan nito ang balikat nyang may tama ng bala.

"Shh.." Di ko na alam kung anong gagawin at sasabihin ko sakanya. Gusto kong sabihin na magigin okay lang sya pero maski ako sa sarili ko nagdududa na magiging okay din ang lahat.

"Hospital.. kelangan natin syang dalhin sa hospital!" Sigaw ko sa dalawa.

Tawa ang sinagot nila sakin. "NAhihibang ka na ba, miss? Edi kami ang napahamak." Aniya tapos ay muli silang tumawa.

"Bayaan mo yan dyan, kung mamatay edi mamatay, mabuti pa nga yun." Sabi nung Boy tapos ay napuno nanaman ng halakhak ang van.

"Shit." Napalingon ako kay Theo dahil sa pagmumura nito.

"Theo!"

"Mga tarantado!" Sigaw nito sa mga lalaki.

Lumingon samin ang lalaking si Boy. "Gago! Wala ka na ngang laban ang yabang mo pa! Sana tinuluyan na kita!" Aniya na parang nanggagalaiti ito sa galit.

Magsasalita pa sana uli si Theo nang biglang nagring ang cellphone ng driver. Nakita kong hinugot nya ito mula sa bulsa nya upang tignan kung sino iyon.

"Si Roger. Ikaw na makipagusap." Aniya sa kasama nya sabay abot ng cellphone

"Wag na. Iloudspeaker mo na lang. Papansin lang yan." Sagot ni boy.

"HOY MGA GAGO! NASAN KAYO!" Yun agad ang sumalubong mula sa kabilang linya ng sagutin ng driver ang tawag.

"Papuntang hideout malamang." Pilosopong sagot ni Boy. Nagtawanan pa silang dalawa ng driver.

"Anak ng puta! Naligaw kami!" Frustrated na sigaw ng nasa kabilang linya.

"Mga gago! Alam nyo namang ayaw ni boss ng nalelate! Dalian nyo maghanap ng daan pabalik!"

"Yun na nga! May nakasunod saming lalaki kaya kami naligaw. Tangina. Dalawang kotse yung nakasunod kanina satin. Sinubukan naming iligaw pero yung isa sumunod samin yung isa nasundan ata kayo!" Aniya.

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon