Chapter 3

50 14 0
                                    

Miracle's Pov

Tatlong araw na lang at pasko na dejoke, tatlong araw na lang at wala na ako sa Fryde university ng tita veronica ko.

Haaayy kahit ayaw ko wala na akong magagawa kung di sundin ang mga magulang ko, alam ko naman na gusto lang nilang magtino ako pero sana alam din nila kung bakit ko yun ginagawa....

  "Miiiiiirrrrraaaccccllleeee!!!" sigaw ng nasa likod ko

Paglingon ko.., ang mga kaibigan ko pala huhuhuhu mamimiss ko sila sobraaa

"Miracle natulala ka na dyan" sabi ni cj

"Bakit ka nga pala nandito?"sabi ni Mhisty

"Talaga bang lilipat ka na nang university?. Hindi na ba talaga mapipigilan ang daddy mo.?" sabi naman ni Zhan

"Ang dami nyo namang tanong.., nandito ako kase kinukuha ko ang mga kakailanganing requirements sa bagong university papasukan ko pero parang ayaw ako ni mhisty na nandito..."  paawa effect na sabi ko,

kung pede nga lang silang sumama at lumipat din sa papasukan kong university kaso napakaselfish ko naman kung gagawin ko yun..

"Bakit kasi ayaw mong lumipat rin kami ng university sa papasukan mo??" malungkot na sabi ni Cj

"Ayaw mo na ba kaming makasama?" sabi naman ni Zhan

Haaay bat ba ang hirap nilang intindihin na ayaw ko lang silang mahirapan at madamay sa kagustuhan ng daddy ko

alam ko naman kung bakit sila nagkakaganyan ayaw lang nila na ako lang ang mahihirapan pero sa pagkakataong ito kailangan ko munang harapin ito ng magisa para mapatunayan ko sa mommy ko at lalo na sa daddy ko na hindi lang ako sakit ng ulo sa pamilya namin..

"Huuyy!! Natulala ka na naman diyan".sabi ulit ni Zhan na takang takang nakatingin sa akin

"Diba napagusapan na natin itong apat na hindi nga kayo pwedeng sumama sa lilipatan kong university diba? Diba?" masayang sabi ko para di na sila magalala para sa akin

"Matanong ko lang ano nga pala ang pangalan ng university na papasukan mo?" tanong naman ni Cj

"Di ko sure pero ang ang alam ko R.I.P University yun, dahil sa mamatay ka sa daming ginagawa, sa dami ng mga kailangang sauluhin at sa ka istriktuhan ng mga teacher duon." panakot na sabi ko

Pfffffftt ang mga mukha nila halatang takot na takot hahahaha di maipinta sa takot

"Waaahh!! Parang di ako tatagal diyan sa R.I.P university na papasukan mo sa pangalan pa lang parang nananakot na Ahhh!!" sigaw na  sabi ni Zhan hahaha baliw talaga

"Sira para namang diyan ka papasok, ang Oa mo para kang baliw atsaka di ka talaga makakatagal diyan dahil  ang tamad mo hahahaha at FYI si Miracle nga lang diba? Sabi nya siya lang at hindi tayo isasama diba?" Sabi ni Cj kay Zhan,

halata namang ini inis ni Cj si Zhan baka mamaya magka world war III na dahil sa kanila

Di namin namalayan na nasa harap na pala namin ang mga luka, walang iba kundi sina Misiel at ang mga alipores nya

"Look who's here girls, balita namin aalis ka na dito sa Fryde university? Tama ba? Bakit? Natatakot ka na ba agad samin? I guess so dapat lang talaga na umalis ka na dito sa Fryde university dahil di nararapat ang isang katulad mo, isama mo na rin yang mga kaibigan mong walang binatbat sa kagandahan ko." tumatawang sabi ni Misiel

Kung di lang talaga ako nangako sa sarili ko n pipilitin kong magbago para sa kagustuhan ng magulang ko, itutuloy namin ng bruhang Misiel na yan ang naudlot naming pagsasabunutan

UnExpected LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora