That Nerd-2

618 30 25
                                        

                      Chapter Two
                        ' witness'

It's our lunch time.

Pumunta ako sa rooftop namin na kung saan ito ang favorite kong place.Wala kasing tao dito.tahimik at ito ang oras lang para makapagpahangin para mawala ang stress sa mga sinasabing masasama ng mga kaklase ko.

Kinuha ko ang pagkain ko at nagsimulang kumain.

Hay.

Ilan taon na din akong walang kasabay kapag kumakain ako.kailan ko ulit mararanasan ulit iyon?

Nah.Nevermind. i dont need anyone.they are all sucks.

"Leave" napalingon ako ng may boses na nanggagaling sa likod ko.

Isang lalaking nakatayo habang blangko ang ekspresyon na nakatingin sa akin.

"H-ha?"

Kumunoot ang noo niya at sa pagkakataong ito parang nakaramdam ako ng takot.Nakakatakot kasi ang aura niya.

"I said leave"

Pagkasabi niya ay umalis na ako ng bigla sa rooftop.Sa takot ko, hindi ko na nadala ang pagkain ko at umalis na ako sa rooftop .

"Tss.Gwapo nga.Suplado naman" napasabi na lang ako sa sarili ko.

Pumunta na lang akong library para tumambay.Buti na lang sa panahon na ito,kaunti na lang ang pumupunta sa Library dahil nga sa internet na ang gamit dito sa school.

Kinuha ko yung binabasa ko pa lang na novel na 'the vanished hands' dahil hindi ko pa naitutuloy ang pagbabasa doon.

"Nasaan na kaya iyon?" Tanong ko habang hinahanap ko kung saan iyon nakalagay.

Tanda ko dito ko lang ito itinago eh.

"Nandito lang pala" tuwang tuwa ako nang makita ko ang libro na hinahanap ko pa kanina.

Nagtaka ako nang may napansin ako na may nakasingit sa libro.Napanoot ako ng may nakita akong isang Flashdrive.

Kanino kaya 'to?siguro may nakaiwan lang.

"Ayoko pang mamatay!" Napahinto ako sa paglalakad nang may nadinig ako ng isang boses na mukhang takot na takot.Mabilis kong pinulot ang flashdrive at nilagay sa bulsa ko.

"Kung ako sayo maghanda ka na,Mukhang galit na galit sayo si Boss" sabi ng isa pang boses na nanggagaling sa may kanang bahagi ng shelves.

W-wait.Did he said na ayaw pa niyang mamatay?

Biglang nagakyatan ang lahat ng balahibo sa katawan ko at parang sasabog ang puso ko sa kaba.

Umalis na kaya ako dito?siguro nga.magandang ideya nga kung aalis na ako dito.

"I-imposible niya akong patayin.M-may hawak akong ebidensya laban sa kanya "

"Yeah.and that stupid evidence of yours why you should to be kill" sabi ng nakakatakot na boses.

Shit.naramdaman ko na lamang na ang paglakad ng mga paa ko papunta sa dalawa.

Nagtago ako sa ibabang bahagi ng shelves habang nakatago ako sa napapaligiran ng mga libro.

Tiningnan ko at may nakita akong dalawang lalaki na nag-uusap.

Halos mapatakip ako ng bibig sa nakita ko.

fuck! I know them.

"Anong gagawin ko?" natatarantang sagot ng aming class president.

Yung kanina pa palang natatakot na boses ko na naririnig ay ang class president namin.

Anong ginagawa niya dito?bakit ganoon na lamang ang takot niya?totoo kayang papatayin siya?

Ngumiti lang ng mala-demonyo ang kausap niya.The Campus Heartrob ng school namin. "Don't ask me.im just warning you"

Tumalikod ito at umalis papuntang palabas ng library at iniwan na tuliro ang aming class president.

Totoo ba talaga ang nakikita ko?Palabas lang ba ito?

Pero bakit parang may kakaiba akong nararamdaman...Parang dapat hindi ko na pala pinakinggan.

Ilang minuto din akong tulala at dali dali akong lumabas ng hindi namamalayan ng class president namin.

Pumunta akong C.R para pakalmahin ang sarili ko.

Kalma Fiona. Wala kang nakita.Wag kang magpapakita ng takot.

"Anong mukha yan ugly Nerd?nakakadiri!" Sabi ng babaeng umaakto pa na nasusuka.tss.Akala mo ang ganda niya.

"Panget talaga iyan since birth" sabi pa ng isang kasama niya at nagtawanan pa sila ng sabay.

Hindi ko na sila pinansin at bumalik na naman sa isip ko ang natuklasan ko kanina.

Halos hindi ako nakinig sa klase at tulalang iniisip ang nangyari kanina.Napagalitan tuloy ako ng professor namin since ako lang naman lagi ang napapansin nila kaya tuloy ako ang inutusan nila akong maglinis ng buong classroom.

Balak ko pa sanang umalis ngayon ng maaga dahil lalo akong kinabahan dahil wala sa klase ang president namin.nag-aalala ako sa kanya

Binilisan ko na lang sa paglilinis pero sa sobrang kabaitan ng mga kaklase ko sa akin,Nilagyan pa nila ng sobrang dami ng kalat ang room namin para sulit naman ang paglilinis ko.Oh!I forgot to thanks them for their concern.tss.

Mag-gagabi na at panigurado na wala ng estudyante ang pakalat kalat sa school.

Papunta na sana ako sa parking lot para kuhanin ang kotse ko nang may nadinig ako na pamilyar na boses.

"Nagmamakaawa ako.Huwag mo akong papatayin"

Si class president na naman ang nadidinig ko pero nagmamakawa siya.

Shit!shit!shit!papatayin na kaya siya?

Minumura ko na talaga ang sarili ko dahil sa lintek na curiosity ko kaya dahan dahang nagtago sa isang pader at nagulat ako nang makita ko si class president na nakaluhod at nagmamakaawa sa lalaki na nakahawak ng baril habang nakatutok sa kanya.

Hindi ko makita yung lalaki dahil nakatalikod ito.

"You are a traitor" he said at halos magwala ang puso ko dahil ipinutok nito ang baril sa ulo ng class president namin

Nagkalat ang dugo sa sahig na naliligo sa kaawa-awang lalaki na ngayon ay isang malamig na bangkay.

K-kailangan ko ng umalis dito.

Pero sa pag-ibo pa lang ng mga paa ko ,nakita ko ang lalaking tumingin sa direksyon ko.

"Shit" napamura ako nang nakita ko ang lalaki.

S-siya yung lalaking nagpaalis sa akin sa rooftop.

Agad akong nagtago sa pader.

Did he recognized me? Sana hindi.

Nakapikit lang ako ng ilang sandali at ipinapakiramdam ang mga yabag ng paa niya.

Nawala na ang mga yabag.Umalis na kaya siya?

dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang lalaking nakangiti sa akin.

"I know you"

Sabi niya at naramdaman ko na lang ang paglapat ng malamig na baril sa ulo ko.

Katapusan ko na ba ngayon ?

That Nerd is a KillerWhere stories live. Discover now