II. Siya

2.9K 45 0
                                    

Noong una kitang makita,
Iba ang aking nadama.
Hindi ito ang unang beses na naramdaman ko ito.
Pero bakit ganoon, tila ako'y naninibago?

Lumipas ang mga araw, 
Araw araw ka nang dumalaw.
Hindi na tinigilan,
Binulabog ang puso ko't isipan.

Dahil sayo alam mo ba na ako'y lalong ginanahan?
Araw araw pumapasok sa paaralan upang ikaw ang masilayan.
Ngunit isang araw ako ay may nalaman.

Ikaw raw pala ay may natitipuhan?
Oh kay sarap namang pakinggan!
Nang makarating sakin ang balita, ako ay nabigla.
Nalaman ko, iba pala ang iyong sinisinta.

Hindi ako nalungkot, ako pa nga ay natuwa.
Sabay sa aking pagtawa ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata.
Mali kayo ng iniisip, ito ay luha lamang nang ligaya.

At sa araw na yon,
Sinabi sa sariling, hindi na muling aasa pa.
Pero sabi ng puso, ipagpatuloy mo pa.
Magpakatanga ka sa taong may gusto sa iba.

Nag-iisip, Patuloy na nag-iisip, Napaisip kung tama pa ba.
At hindi namalayan napasambit nalang ng basta,
"Sana ako na lang siya."

Nagmahal, Nasaktan, Naulit na naman | Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon