Who is that guy? Part 5

12 2 0
                                    


Malayo na ako sa school ng biglang may humarang sakin na 4 na lalake

Ms. Akina ang pera mo sabi ng isa sa mga lalake

Pero wala po akong pera kaya naglalakad nga po ako eh

Ano? Wala kang pera sige katawan mo na lang sabi ng isa

Natakot ako kaya sumigaw ako ng tulong! Pero sadyang walang nakarinig sakin kaya lalo akong natakot tumakbo na lang ako pero agad naman ako nahatak sa aking bag.

Bitiwan nyo ako sabay hampas ng kamay ko sa lalake pero parang walang nararamdaman ang lalake at tumatawa tawa lang. hiniga ako ng isang lalake sa damuhan habang ang isa naman nakahawak sa dalawa kong kamay at ang isa sa paa habang nakaabang naman ang isang lalake para sa kung ano ang gagawin nya..sobra akong natakot tanging sigaw lang ang nagawa ko kahit nagpupumiglas ako wala akong magawa dahil sa sobrang lakas nila...ng akmang hahalikan na ako ng lalake may biglang sumabunot sa kanya mula sa likod at pinagsusuntok ito naalarma naman ang 3 kaya dali dali silang tumayo at lumaban hindi ko na alam ang nangyari dahil biglang nagdilim na lang ang paningin ko hanggang sa nawalan ako ng malay.

Nagising ako sa isang mabangong amoy. Pagdilat ng mata ko nakita ko sa ibabaw ng lamesa ang pagkain siguro ito ang naamoy ko. Tinignan ko ang paligid puro puti lang ang nakita ko. Nakita ko ang pagbukas ng pinto at niluwa nun sila papa at mama ko.. Marami silang tanong sakin pero hindi ko naman masagot lahat gaya ng sino ang nagdala sakin, at sino ang gumawa nun sakin. Tanging tanong lang din sa sarili ko ang nagawa ko. Who's that guy????

t*'

I love You, You love me pero hindi pwedeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon