Natigil siya sa paghikbi dahil doon at agad na lumabas ang ngiti sa mukha niya.

"Totoo ba 'yan?" nanginginig ang boses niya.

"Yes," I breathe out.

"Thank you! Thank you! Thank you!" paulit-ulit na aniya.

She hugged me afterwards and cried on my shoulder. I patted her back—comforting her.

And as I make her feel better, I don't know why my heart felt heavy.

Pakiramdam ko, hindi ako magiging masaya sa naging desisyon ko.

Pero ito ang tama.

I shouldn't meddle with the main characters' feelings. Dapat manatili ang totoong takbo ng storya.

At iikot lang dapat 'yon sa kanilang tatlo.

Hindi ako kasama doon. I am a part of their pain and suffering. I'm just an antagonist who wants to change her fate by eliminating the evil deeds I was supposed to do.

Ipinatong ko na lang kung saan ang package na hawak ko at niligpit ang mga kalat sa study table ko. Nawalan ako ng gana mag-aral.

Hinayaan ko ang sarili kong bumagsak sa kama ko at ipinikit ko ang mga mata ko. Bumuga ako ng hangin habang iniisip ulit ang pag-uusap namin ni Jamila kanina.

Surely, North wouldn't care kung hindi ko siya papansinin simula bukas. He only cares about his studies and sports. Hindi rin naman niya 'yon mapapansin panigurado. May friendly match kasi sila with their seniors for the Foundation Day. He'll spend more time in practicing na sa buong dalawang linggo.

Kung mapansin man niya—which I really, really doubt—idadahilan ko na lang na maraming ginagawa sa student council since we are in-charge of everything for the events, booths, invitations, and the letters to be approved by the school officials.

Tama. Mabilis lang namang lilipas ang dalawang linggong 'yon.

Pinahid ko ang luha na tumulo mula sa mata ko. Natawa ako habang tinititigan ang basang kamay ko.

Ang tanga ko.

Natawa na lang ako ng mahina nang kumirot ang puso ko. Shit.

Akmang tatayo na ako para mag-hilamos bago matulog nang maramdaman ang matinding sakit sa ulo ko. Parang binibiyak at pinapako ang sakit. Bumagsak ako ulit pahiga habang hawak ko ang ulo ko. Napaawang ang labi ko sa tindi no'n. Sisigaw na sana ako nang mawala bigla ang sakit.

What is happening?


—«–»—


"Which do you prefer? Two booths per college department or kung sino na lang gustong maglagay ng booth?" tanong ni Menta matapos namin malista lahat ng events na na-plano namin.

"I think it's much better if two booths per college. Kapag kasi sa kanila natin ibibigay 'yung decision, I'm sure we'll only have a few booths," suhestyon ko.

"True. As if college students are up for these kinds of shit," Jio chuckled, the secretary. "Eh, lahat tayo tinatamad sa ganito. We prefer to rest than to participate in our one-week break."

"But for sure, everyone is already looking forward sa annual Mr. and Ms. St. Ignatius," singit ni Fiona, the treasurer.

"Oh yeah. Now that you've mentioned it. The deadline is today na sa mga participants. College of Social Science and Arts pati College of Business pa lang ang nagpapasa," napabuga ng hangin si Kimmy, ang vice president.

Reforming the Villainess (Reincarnation #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon