Halos lamutakin niya na ang mukha kasabay ng sunod-sunod na tapik sa pisngi. Ginawa ni Angela 'yon para magising pero mostly para parusahan ang sarili para sa mga pumasok sa utak niya. To make her mind occupied, kinuha niya na lang ang notebook niya mula sa bag para sumulat ng notes kahit alam niyang hindi naman necessary dahil meron naman siya sa textbook. Halos hindi niya na nga kailangan tumingin sa board dahil kabisadong-kabisado niya na lahat ng formulas pero sige pa rin siya... Huwag lang ulit siya bisitahin ni "you-know-who" sa imagination niyang walang sariling preno.

*

~*~

*

Break time na pero bago 'yon, mga isang minuto munang makikitang umaaligid si Angelo sa harap ng pintuan ng kaibigan. Nang i-dismiss na sila ng teacher binati siya ni Angela nang sapak sa balikat. Hindi naman ganoon kasakit pero umaray pa rin siya dahil hindi niya iyon ine-expect.

"Canteen tayo," sabi ni Angela sabay hila sa kaibigan na muntiknpang mahulog ang glasses dahil sa lakas ng pagkaka-banat sa kamay niya. "Bilis! Bago humaba 'yung pila."

"Wait lang! 'Yung braso ko baka makalas, Angela!" hindi siya nito pinakinggan at tuloy pa rin sa paghila.

Panay tuloy ang hilot ni Angelo sa braso niya nang makarating na sila sa canteen pero tama naman pala si Angela dahil wala pang masyadong estudyante ang nakapila. Nagdadampot agad sa mga naka-display na pagkain si Angela na sinusundan naman ng kaibigan niyang choosy pa sa pagpili kung anong brand ng chocolate drink ang bibilhin.

Paupo na sana si Angela sa pinakamalapit na table nang pigilan siya ni Angelo at sinabing sa iba na lang sila kumain.

"Ano ba? Pare-pareho lang 'yung mga upuan dito sa canteen."

"Hindi dito sa canteen."

Nagtaka siya sabay taas ng isang kilay. "Huh? Eh saan?"

Mga dalawang segundo pa ang lumipas bago sumagot si Angelo. "Sa taas."

Hindi na tinanong ni Angela kung saang "taas" ba ang tinutukoy ng kaibigan at sinundan na lang ito. In the end, malalaman din naman niya pagdating doon... Kung saan man 'yon.

Parang stuffed toy nakayakap si Angela sa mga dala niyang pagkaing naunsyami niyang kainin dahil sa kung ano man ang pina-plano ng kaibigan — one bag of chips, two packs of cookies (one for later in case she gets hungry again), one bottle of fruit juice, and two pieces of pastillas.

"Ate, bawal po iyan dalhin sa itaas," sabi ng OMNI na naka-pwesto sa harap ng isa sa mga staircase.

'Shucks! Oo nga pala! Shonga-shonga mo talaga Angela. Nakalimutan mo na bang bawal mag-akyat ng pagkain galing canteen?'

Magso-sorry na sana siya.nang biglang maunang magsalita si Angelo.

"Kuya Ramon, baka pwedeng pagbigyan mo naman ako kahit ngayon-ngayon lang," he said in a very polite, SSG-President-like way.

In-adjust muna niya ang salamin bago magsalita. "Ay, aba ikaw pala iyan Mr. Villamor!" ngumiti ang matandang lalaki kaya lalong nakita ang mga ngipin nitong "every-other-day".

"Opo. May aasikasuhin lang po kasi kaming dalawa sa library," magalang pa rin ang tono ng pananalita niya. "Sige na po kasi medyo nagmamadali kami kasi ilang minutes na lang po 'yung recess eh."

Bookmark Loversजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें