Chapter 1: Patience F. Hernandez

213 3 0
                                    

"bale 5,000 pesos ang down payment sa apartment na to. Tas every month naman 3,000 ang bayad kasali na ang tubig at kuryente....at.."

Blah...blah...blah...blah...siguro mahigit panlimang ulit na din tong binibilin saakin nitong babae slash land lady ko ang mga bagay na to.

"opo...opo," sagot ko naman

Anu ba yan! Ang tagal! Ulit ulit! Pagod na ako, kanina ko pa dala tong luggage ko at hindi pa rin kami matapos tapos sa topic na to. -__________________-

"oh syeah, maiwan na kita ha?"

SA WAKAS!!!! >.<

Natapos din!

Pumasok na ako sa loob at inilapag sa sahig ang mga gamit ko.

"pheww! Kapagod! Akala ko hindi na matatapos!" sabi ko sabay higa dun sa kama ko.

***

Hello *kaway kaway sabay ngiti tas pose*PAAAK!  syeaaaah! Siguro alam niyo na kung sino ako since yung pinakamagandang taong kilala ko na si Ms.Bliz e ginawa nang title ng chapter na 'to ang pangalan ko so, hindi na ko magpapakilala. The end. Tapos na ang kwento IHMF na lang basahin niyo -____-

JOKE! Okay. Seryoso na. -_- I'm Patience F. Hernandez. 19 years old. College na ako (3rd year) at working student. BS in Electronics and Communication Engineering (syeah! Nakikigaya ako ng course kay Author) self supporting ako. Yup that's me! And from the name itself...Ako po ay pasensyosang babae. Siguro magtatanong kayo kung bakit ako nag rent...uhm...mukhang hindi naman ninyo tinatanong pero bahala na, sasagutin ko pa din! Nag rent ako para may matuluyan dito. Nasa loob lang kasi ng Dimasalang Village ang school at pina-part time-an ko. Dati kasi dun ako sa kabilang village nagre-rent ng apartment at medyo nauubos ang pera ko sa pamasahe kaya lumipat ako.

Hindi pa naman ako ulilang lubos e. May nanay pa naman ako, kaso hindi ko lang alam kung nasaan. Yung tatay ko naman, patay na. Since nung iniwan kami ni mama. Anyways...saaaaaaaaaaaad at loooooooooooooooooong story yun at hindi naman yun yung pokus ng story di ba otor? ^_________^

***

Tuesday.

"Neth!" tawag ko sa kaibigan ko na katulad ko rin ay working student at scholar. (nabanggit ko bang scholar ako? Well hindi na mahalaga yun XD)

"oh! Pat, bakit?" pat.ako si pat. Nick name ko. Ang haba naman kasi ng Patience e,^o^

"ba't di ka pumasok kahapon sa pina-part time-an natin? May sakit ka ba?" tanong ko sbaay lapit sakanya

"Hindi yun! Anu ka ba!!! E kasi nalaman kong may show slash appearance daw si Evan Nyx Fraser sa isang Mall dun sa North Village,"

HUWAAAAT?!!!! Nandun siya kahapon?!!! Ba't di ko alam????

Taydor ka Neth! TToTT

"ba't di mo ko sinabihan? T^T" mangiyak ngiyak kong tanong

"hmm...pasensya na. biglaan e,"

"traydor ka! T^T" sabi ko sabay hampas sakanya

"hahaha! Kaya nga eto o, peace offering ko sayo" sabi niya sabay pa-cute at may iniabot saakin na picture.

UWAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!! Picture ni loveedubs kong si Evan Nyx Fraser!!!! At hindi lang basta picture..

"WAH! Totoo ba tong nakikita ko? Autograph ba talaga to ni loveedubs kong si Evan??!!! Is this real?is this real??? Dan dan dan..dan dan dan...dan dan dalandan ♫"

"baliw!" sabi ni Neth sabay sapok sakin

"aray ko naman! Pero seryoso, akin na 'to?"

"alangan bawiin ko pa? gustuhin ko man e hindi na pwede . nabigay ko na e,"

"yeah right! At magkakamatayan tayo kapag binawi mo pa to," pabiro kong turan sabay tago nung picture ni loveedubs ko sa bag kong jansport. Yup, jansport ang bag ko, yung PEKE. Yung nabibili lang sa gilid gilid. Ang mura nga neto e, 350 lang may pekeng jansport na ko.nyaHahaha! *o*

Siguro napa-praning na rin kayo kung sino si Evan Nyx Fraser nuh? Well...KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! Bago ko siya ipakilala, mabuti ng magkalinawan muna tayo, Evan Nyx Fraser is MINE! ONLY MINE!!! Okay na ba? gets nyo? Oo na, possessive ako! At balang araw, makikilala niya rin ako pero bago yun kailangan ko munang mag ipon ng pera dahil one week na lang at showing na ang bago niyang pelikula. KYYYYYYYYYYYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAAAAAH! *HINIMATAY* joke. Buhay pa ko.

O sige na. Si Evan Nyx Fraser ay isang sikat na sikat na lalake dito sa pilipinas *o* four years palang  sya sa entertainment industry pero sobrang sikat nya na. Nakapag establish na sya ng strong fanbase. Kaya, yup! Sikat na sikat sya! Dami nyang endorsement, pag binuksan mo tv madalas commercial nya. He started out as model ng isang fashion brand hanggang sa nadiscover sya, then he debuted as a singer (he's also good in singing, he writes his own songs) then pati movies pinasok nya din kaya voila sikat na sikat ang koya nyo. He was declared as the nation's hearthrob.  Kakatapos lang nga nung isang teleserye nya sa t.v e. First series nya yun na sya ang male lead kaya trending talaga!  Taas ng rating ng natapos. Mas lalo pang nagboom ang career nya after that.  Soooooooooooooooooooooooobrang gwapo niya at talagang pinapantasya ng lahat ng kababaihan sa daigdig! HUWAG NA KAYONG DUMAGDAG! MADAMI NA KAMI E!

To sum it all up, Evan is a very good singer, model, actor at talagang matalino. It was said din na he graduated from highschool at the age of 12. He already confirmed this naman so hindi to fake news! Kaloka! After graduating from high school he enrolled in college for a time but according to his past interviews, he really wanted to pursue his passion for singing, writing songs and modeling so he focused on those until he was discovered.

Sabi rin sa mga articles e sobrang bait daw nito sa totoong buhay. Oh di ba astigin? Gwapo na mabait pa! saan ka pa? I mean saan pa ako!? >.<

5 feet and 9 inches ang kanyang taas at meron siyang super duper oh so yummy body! Kyaaah! Para akong manyak! >.<

"Oy! Sinong kausap mo diyan? Tara na! next subject na natin oh!"

Anu bay an! Panira naman tong si Neth. Sige. Later na ang intro ko kay loveedubs, pasok muna ako. Major ko pa naman tong next subject ko. Nyahahhaa.

The Son Of SatanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt