*CHAPTER 10*

1.1K 43 1
                                    

SAMANTHAS POV

Nagpasya sina arlyn na umuwi muna kami para makapag ayos ako. Pinayagan naman kami nang guard na umalis dahil nakita nya ang ayos ko.

NAgpaiwan sina andrea at jean sa school. BAbalik naman kami agad dahil may klasse pa ako. Ayoko naman umabsent dahil sa nangyari na yun. Hindi ko isasaalang-alang ang pag aaral ko dahil lang sa ginawa nila sakin.

Bumuntong hininga ako. Malapit na kami ngayon ni arlyn sa condo unit nya.

"Uy beshie samy~ pasensya na talaga at hindi ka namin natulungan. Aiissssh! Yung mga walanghiya kasi na humawak sakin eh. I'm really sorry beshie samy~" Tiningnan ko si arlyn. Nakanguso sya habang nakatutok pa rin ang paningin sa daan.

Tumawa ako nang mahina "ano ka ba arls! Okay lang ako. Okay? Malagkit lang talaga yung pakiramdam ko ngayon" nakangiti kong sabi sakanya.

Napabuntong hininga nalang si arlyn. Tumingin ako sa labas ng bintana nang kotse nya. Okay lang ako..

Hayy.. napahawak ako sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. Kong saan yung puso ko. Nakaramdam ako nang kirot kanina na naging dahil nang pangilid ng luha ko.

Hindi ako iyaking babae. Sa totoo lang noong highschool ako ay binubully rin naman ako pero lahat nang yun ay hinahayaan ko nalang. Pero kahit kailan hindi ako napangilidan ng luha. Masayahin akong tao noh! Palaging may ngiti sa mga labi ko.

Pero kanina...

Nung nakita kong ngumisi yung si zyron, yung ngising masaya sya sa nakikita nya. Bakit nakaramdam ako ng kirot?

Napailing ako! Hay nako samantha zyn! Ang weird mo! Wag mong gawing big deal yun. Okay!!!? Okay!

Tumango ako biglang pagsang ayon sa sarili ko.

"Hey beshie samy~ okay ka lang?" Tiningnan ko si arlyn. Ngumiti ako nang malapad "Oo naman!"

"Sure ka? Umiling-iling ka dyan tas bigla kang tatango? Like seriously samy?"

"Hehehe nililibang ko lang sarili ko"

"Wewz.. grabeng paglilibang yan beshie samy ah?" Natawa nalang ako sa sinabi ni arlyn.

...

Pagkaraan nang ilang minuto ay nakarating na kami sa condo ni arlyn. Agad agad akong pumasok sa banyo at naglinis nang katawan.

THE BADBOYS PERSONAL MAID (TBB SERIES 1)  -EDITING-Where stories live. Discover now