Chapter 1

15.1K 184 3
                                    

Chapter 1

Five months ago...

“Honey...” tawag ng kanyang Mommy sa kanya habang kumakatok sa kanyang kwarto, “Hindi ka pa ba bababa? You're gonna be late on you first day of work,”

With one last look on her self in the mirror ay binuksan niya na ang pinto ng kanyang kwarto, “I'm ready!” masayang bungad niya sa kanyang Mommy.

Umabrisete siya sa braso nito at sabay silang bumaba ng hagdan patungo sa dining hall ng kanilang bahay. Pagkakita sa kanya ng kanyang Daddy ay ibinaba nito ang binabasang broadsheet at masayang siyang binati.

“Ahh... look at my baby girl,” bahagya nitong siniko ang kuya Alex niya na nag-aalmusal na rin, nang makita rin siya nito ay matamis din siya nitong nginitian. “She really looks like a Doctor now!” her Daddy proudly beamed.

“Dad ano ka ba? Hindi pa ko Doctor, intern pa lang ako, at how would I look like a doctor? I'm not even wearing my coat yet.” humalik siya sa pisngi nito ganoon din sa kanyang Kuya Alex. Umupo siya sa pwesto niya sa lamesa.

“Bakit ba? I'm proud that my daughter will be a doctor soon.” she smiled to her father. Her parents are the humblest people she knows, sa kanilang bahay parang hindi isang Multimillionaire ang mga ito kung umasta. Her father is the owner of Lopez's Tower. A hotel chain that is famous all over Philippines. Her Kuya Alex is the successor of their father's Hotel, namana iyon ng kanilang ama mula sa kanyang Lolo. Her Lolo built that company from scratch.

Kahit kailan ay hindi sila pinilit ng kanilang mga magulang na pamahalaan ang hotel. They can do anything they want in their life. Ayaw kasi ng Daddy nila na kapag pinilit sila na pamahalaan ang hotel ay hindi rin nila iyon magagawang mapatakbo ng maayos dahil sa hindi iyon ang gusto nilang gawin. But her Kuya Alex was the one who insists to run the family business. At siya naman ay noon niya pa gustong maging doctor.

She just graduated from Med school, at first day niya ngayon bilang intern sa Amang Rodriguez Memorial Hospital. She wanted to be a Cardiologist. The support she got from her family is enough, para kahit anong hirap ang pag-aaral ng medicine ay nagawa niyang makapasa with flying colors.

“Kumain ka na, dahil baka ma-traffic ka pa at ma-late ka sa trabaho, hindi iyon magandang impression sa mga ka-trabaho mo, lalo na sa superiors mo,” sabi sa kanya ng kanyang Mommy. Their parents have raised them to be as grounded as possible. Para sa mga ito, wala naman silang pinagkaiba sa ibang mga tao na nasa paligid nila. Simula pagkabata nasanay na sila na ang Mommy niya ay aktibo sa iba't-ibang mga charity events. She even has her own, NGO, where she help those women and children who are victims of abuse whether from their husbands or partners. Or the people around them.

Magana at masayang kumain sila ng almusal, pagkatapos ay halos sabay-sabay na rin sila ng kanyang Daddy at Kuya Alex na pumunta sa garahe kung nasaan ang kanilang mga sasakyan.

“Son, where are you going?” tanong ng kanilang Daddy ng hindi ito pumasok sa kotseng ginagamit ng mga ito tuwing papasok sa opisina, “Hindi ka ba sasabay na sa'kin?”

When I look at you (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon