Panibagong bersyon

68 8 0
                                        


Minsan akoy umibig

dahil sa iyong mga pahiwatig

akala mo'y wala nang bukas kung ika'y tumitig

heto ang puso ko na kay bilis ng pintig

sabi mo mahal mo ako

heto ako naniwala at nauto

umasa na totoo ang mga sinabi mo

pero ang totoo umasa lang talaga ako

Dumating ang araw na ika'y lumisan

hindi nag paalam at nawala ng tuluyan

labis mang nasasaktan dahil sa iyong pag iwan

wala akong magagawa kundi ibigay ang iyong kalayaan

Walang ibang nagawa kundi mag move on

Humanap ng ibang mapag tutuunan ng atensyon

upang maiwasan ang pag isip sayo na tila nakaka lason

lason na pumipigil sa mga bagay at pag kakataon

Heto ako muling naka bangon

nangangako na hindi na ulit mag papaapekto sa kahapon

Hindi mag papaloko sa mga tulad mong kampon

Tatayo at bubuo ng aking Panibagong bersyon. 

SilakboWhere stories live. Discover now