FMN

12 0 0
                                        

[Please play: A thousand Years]

"Tita may papabili po ba kayo?"

"Wala na hija... Salamat" umiiyak nanaman si Tita Janice. Mama siya ni Seb, boyfriend ko,

"Tita wag ka nang umiyak... Magigising po siya. Wag tayong mawawalan ng pag asa, magigising po siya... Di niya tayo iiwan..." sabi ko habang nakatingin kay Seb. Nagpaalam na ako at lumabas na para pumunta sa cafeteria

Sebastian Petrova, nasa state of coma siya ngayon. Nabundol ng truck yung motor niya at kritikal yung pinsala. Nasugod siya sa ospital pero sabi ng Doctor, brain dead na daw siya tanging mga makina na lang ang bumubuhay sa kanya.

Ang sakit lang na yung lalaking pinakamamahal mo, nakaratay sa hospital bed, naghihintay ng himala para magising.

Pero naniniwala akong magigising siya. Naniniwala akong babalik siya kahit di na para sakin, kahit para na lang sa pamilya niya...

"W'll ... ... ... mercy killing ... ... ... Room 211 ..."

mercy killing? Room 211? Did I hear it right?

Sinundan ko ng tingin kung san papunta yung Doctor...

No... No... No... Seb... No

"No..."

Tumakbo ako pabalik sa room ni Seb...

"Tita?" isa isa ko silang tinignan pero umiiwas sila ng tingin...

Si Tita Janice nakayakap kay Kuya Ron, kapatid ni Seb, habang umiiyak. Nakatayo sila sa tabi ng hinihigaan ni Seb.

Pati mga kabarkada ni Seb, nakatayo sila sa sulok at iniiwasan ang tingin ko...

Si Tito Jin, nasa may bintana siya at umiiyak...

"Hija... I'm sorry--"

"No..."

"--Pero d...di n...na--"

"No..."

"di na siya magi---"

"No!!! Magigising siya!!--" tumakbo ako palapit kay Seb.

"Di niya ko iiwan... Di nya ko iiwan!!!--"

hinawakan ko yung kamay ni Seb...

"--Diba babe, magigising ka pa, di mo ko iiwan. Babalik ka... Mahal nya ko di nya ko iiwan--" no he loves me...

Di ko sya susukuan... Nanlalabo na yung paningin ko dahil napupuno na mga luha ko yung paningin ko...

"Hija, there's no other option, pagpahingahin na nati--" i cut her off. Sa lahat ng tao, bakit siya pa yung unang sumuko. Isa isa ko silang tinignan sa mata. This time di na sila umiwas ng tingin sinalubong nila yung tingin ko ng tingin ng puno ng awa...

This is Bullshit!!!

"Ganon ba kayo kadaling sumuko?!! Gaano nyo ba kamahal yung anak nyo? Magulang niya kayo!! Kayo!! Barkada kayo ni Seb!! Dati ba sinukuan nya kayo?!! Ikaw Kuya Ron, ayaw mo sa mga sumusuko diba, pero bat mo sya sinukuan? Magigising siya!! Magigi--"

"Hindi na siya magigising!!!"

"T...Tita? Nasasabi mo yan sa anak mo? Anak mo siya!! Gaano mo ba siya kamahal? Mahal mo ba siya? Kasi kung mahal mo siya di mo siya susukuan, kung mahal mo siya maniniwala kang babalik siya, kung mahal mo siya maniniwala kang gigising pa siya. Kasi ako Tita... Mahal ko siya!! Mahal na mahal ko siya!! At di ko maiisip na patayin sya!! Hindi ako susuko!! Pamilya niya kayo..." patuloy lang na umaagos yung luha ko...

"I'm sorry Dianne... Doc please~"

nagulat ako ng bigla akong hawakan ni kuya Ron at hinatak palayo kay Seb...

Forget Me NotHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora