CHAPTER ONE

10 1 0
                                        

Alas tres ng hapon. Napag isipan naming magkakaibigan na maglaro ng volleyball.

"Guys! Dali laro na tayo!" sabi ko sa kanila.

"Kalma Charlie. Oo na maglalaro na tayo!" sagot ng best friend kung si Johannah.

Dali dali akong tumakbo patungong gym. Sumunod naman sila Johannah at Erica.

Nang nakarating na kami. Inumpisahan na naming maglaro. Super saya naming tatlo. Habang ako na ang nag se-serve ng bola bigla kung natamaan ang isang lalaki.

"Hala! Oh my Gosh. Sorry." dali dali akong pumunta sa kanya.

"Oi! Sorry talaga huh!" paki usap ko.

"Ay di okay lang." tugon nya sabay titig sa kin na tila na love at first sight.

Tinulongan ko syang tumayo sabay sabi ng "Sorry ulit huh"

Ngumiti lang sya at tumingin ng direkta sa aking mga mata.

"Um. Ako nga pala si Charlie Jane CJ for short." Sabi ko sabay ngiti. "Eh ikaw?"

"John Carlo JC for short." sabi nya sabay abot ng kamay.

Nag shake hands kami. Habang sya tinutukan ako.

"Oi! Charlie, sino sya?" Tanong ni Johannah.

"Si JC." sagot ko.

"JC? Dba baliktad ng nickname mo?" hirit ni Erica.

"Ay luh, oo nga no?" sambit ni Johannah.

"Parang destined talaga kayo!" sabi ni Erica.

Tinitigan ko sila Johannah at Erica.

"So ah. JC? Anong pwede kung gawin para kwits na tayo?" tanong ko.

"Laro na lang tayo!" masiglang sagot nya.

"Game! Pero kaya mo kaya kami?" pabiro kung sinabi.

Tumawa na lang sya at naglaro kami. Matapos ang halos 20 minutes na laro ay natapos na rin.

"Galing mo ah! IDOL!"

"Hehe. Salamat?"

"Welcome IDOL."

"Sige na uwi na ko. Baka hinahanap na ko nila Mama."

"Sige IDOL. Ingat ka."

Gabi na. Chineck ko muna ang mga social media accounts ko. Nang binuksan ko ang fb account ko nakita ko agad ang friend request ni JC agad ko itong kinonferm. Nang walang ano anoy nag message sya sakin.

"Hi po IDOL"

"Hello"

"Galing mo po talaga IDOL"

"Salamat. Sige matutulog na ko JC maaga pa ako sa trabaho ko bukas eh."

"Nag wowork ka na po pala?"

"Oo. Working student ako. Ayaw ko kasing umasa kinila Mama at Papa eh. So matutulog na ko. Good night."

"Okay po sige IDOL. Good night po sweet dreams. Sana magkita po tayo sa Dream land ko."

Mag lo-log out na sana ako nang biglang nag pop-up ang isang message.

"Ay wait lang po. Gusto ko lang po mag confess. Crush nga po pala kita. Sana okay lang po sayo."

STARSWhere stories live. Discover now