"You are still beautiful Brands, tandaan mo yan."

"Naku, sinabi mo lang yun para pagaanin ang loob ko."sabay pahid ng kanyang luha.

"No. May buhok ka man o wala, maganda ka pa rin."sagot ko at panay singhot. Iyon ang simula na naging malapit pa kami lalo sa isa't isa. There's no romance between us. Para na kaming magkapatid, or mag bestfriend.

Hindi na din siya nagpa chemo dahil gastos lang daw. Sinubukan niya ng ilng beses pero yun nga wala namang nangyari. Kaya tinigilan na niya ito. Sa mga nalalabi niyang araw, kung saan saan kami nagpupunta. Dito lang kami nag-iikot ikot sa loob ng bansa. Madami din namang magagandang tourist destinations as long as na alam mo kung paano yun puntahan. No need na pumunta ka sa ibang bansa kung bundok lang naman ang gusto mong makita. Beaches? We are richer than you think when it comes to beautiful places. Sagana tayo diyan. Kulang lang tayo sa pagpapalaganap para makilala tayo sa ibang bansa. Instead we promote our country, eh tayo din ang gumagawa ng paraan para matakot silang pumunta sa bansa natin.

Matapos namin mapuntahan yung mga nasa wish list niya, dito na lang kami nag ikot ikot sa Bicol. Sobra siyang natuwa. Gusto ko nga siya batukan one time. Nasa may dalampasigan kami that time.

"Babe, pwede na ako kukunin ni Lord alam mo kung bakit?"Napasulyap ako sa kanya kaya nagtama ang mga mata namin. "Kasi kasama kitang mamasyal sa mga lugar na gusto kong puntahan. Masayang masaya ako na aalis sa mundong ito. Tanggap ko na ang kamatayan ko babe."

Tumulo ang luha ko sa kanyang mga sinabi. Ako kasi hindi ko matanggap na any moment mawawala na pala siya. Pero siya, she's brave enough to accept death. Ako? Baka nga makiusap pa ako kay kamatayan niyan.

"Pakiusap Yana, don't cry on my grave. Kasi baka babangon ako at isasama ka sa kabaong ko. Gusto mo ba yun?"

Para akong bata na umiling. Ayoko nga. Naiisip ko pa lang na kakainin ako ng mga worm nahintakutan na ako.

"Don't worry hindi ako iiyak. Magpaparty pa ako. Maghahanda ako ng mga favorite foods mo."sagot ko sa kanya na alam niya naman nagbibiro ako. Sinasabi ko na hindi ako iiyak pero nakita niya kung paano magsidaluyan ang lecheng luha ko na para bang hindi na matapos tapos. "May fireworks display pa yun at madaming balloons. Kasi hindi ka naman mahalaga sa akin."sambit ko na kinakagat ko ang lips ko while in tears. "Magiging masaya ako sakaling mawala ka na. Sino ka ba para sa akin. You mean...nothing huhuhu ...to... me... huhuhu."napahagulhol ako sa sobrang bigat ng dibdib ko. Ang hirap naman ng naging sitwasyon ko. Yung alam mong nagpapaalam ka sa taong hinding hindi mo na makita pa.

"Shhhh... Sabi ko huwag mo akong iyakan di ba? Ano yang ginagawa mo?"

"Haha! Wala practice lang. Balak ko kasi mag artista. Baka sakaling maging Sandra Bullock ako or Angelina Jolie. Kaya ngayon pa lang nagpapractice na ako."

"Yeah right..."sambit niya at lumapit sa akin then she let her head rested on my shoulder while watching the sunset.

After weeks, nauna akong gumising sa kanya since pinapahinga ko lang siya. Ilang gabi din kasi na wala siyang tulog dahil sa sakit niya kaya hinayaan ko lang siyang mag sleep in. Tinext ko na lang yung mga tauhan namin na sila muna ang bahala sa tindahan. Okay naman sila at maasahan sa pera at negosyo. I was preparing our breakfast and after ko ma set ang table, pumasok ako sa kwarto para gisingin si Brandi.

"Branddd...babe.. wake up na pupunta pa tayo sa tindahan. Babeee.. babee na panget wake up na. Hay naku sige ka ubusin ko yung kamatis at daing mo at saka fried rice."

Yun kasi favorite niyang kainin sa umaga. Or coffee and pandesal na may butter. Ako naman natuto na din ako sa kanya. Normally cereals, oatmeal at toast lang ako sa morning. Pero magaling kasi na promoter ng daing at kamatis ang babae na ito. Hindi ako nakatiis kaya nilapitan ko siya at niyugyog sa balikat since patagilid siyang nakahiga.

Until I Fall In Love Again book 2 (GxG) COMPLETEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz