Chapter 3

3.8K 139 34
                                    




Hindi ko alam kung matawa ako sa sinabi ni Gabriel sa mga biro ko. Pero ayoko namang bastusin ang lalaking ito na nagpapaka ginoo. Siguro nga nagkamali lang siya ng taong sinabihan dahil kung ang mga nakarinig ng sagot niya ay ang mga katulad ni LJ at KIRAY, malamang naglupasay na sa kilig ang dalawang iyon. Walang sinuman ang pwedeng makapagpakilig sa akin kundi ang babaeng biglang naglaho na parang bula.

Matagal nang panahon ang lumipas ngunit ang pagmamahal niya sa akin parang hangin. I can't see it but I can feel it. Halos gabi gabi kong pinagdasal na sana dumating ang araw na susulpot siya. Okay lang na magalit siya sa akin at sabihing hindi na niya ako mahal, matatanggap ko pa iyon kesa naman na pagtaguan niya kami at hindi magpaparamdam dahil lang sa galit niya sa akin.

Nakausap ko ang kapatid ko at sinabi sa kanila na nasa Pilipinas ako but I neglected to mention where I am. It's better that they wont know anything where I live, what i am doing. Baka nga matawa pa sila na ang dating matinik na agent na humahabol sa mga criminal, now may hinahabol din naman ako, yun nga lang BABOY pa.

Wala pa rin daw silang balita about kay Alexis at sa mga anak namin. God, gusto kong magalit sa kanya dahil inilayo niya sa akin ang mga anak ko dahil sa galit niya sa akin. Iyon ba ang paraan niya upang gantihan ako? Well, i guess she won the battle. Hindi ako magagalit na ginawa niyang ilayo ang mga anak ko sa akin. At sana lang pinakilala niya ako sa mga bata. Tsk! Life's full of surprises. I'm thinking that it might be actually be possible for things to work out sometimes. Definitely not everything and maybe not the way you imagined. But sometimes, when you least expected it, life surprises you. And then Yung anak namin na si Timmy binatilyo na. Ang gwapong lalaki. Nagalit din daw siya sa akin pero nung sinabi nila ang tungkol kay Brandi, unti unti na rin nilang naunawaan ang lahat. Timmy asked me kung nasaan ako. Gusto ko mang sabihin sa kanya pero hindi pa ito ang oras. Dadalawin ko na lang sila kapag makaluwag ako since andito naman si Kiray, LJ at Mang Kanor. Inampon ko na silang lahat para kung sakaling wala ako, may tatao sa bahay.

About sa amin ni Brandi...Nakiusap lang naman siya na manatili ako sa tabi niya habang naghihintay ng kanyang kamatayan. Na magiging masaya siyang lisanin ang mundo kapag ako ang kasama niya. At isa sa mga wish niya ang makalanghap ng fresh air kaya dinala ko siya sa dagat kung saan doon kami nagkahulihan.

Mahigit isang taon din siyang pinahirapan ng kanyang sakit. Ako...Ako ang nag-alaga sa kanya. Kahit nga nahihirapan na siya hindi ko siya nakitaan ng pagrereklamo. Pinakita niya lang sa akin na matapang siya kahit ilang gabi ko siyang naririnig na umiiyak.

FLASHBACK

Kahit nahihirapan na siya sa kanyang sakit, hindi niya pinakita sa akin na nahihirapan na siya. Andun pa rin ang pilit na mga tawa niya at pagbibiro sa tuwing magkasama kami sa bahay after ng pagtitinda namin ng lechon doon sa Bacacay. Kapag umaalis siya para bumili ng baboy, ako naman ang naiiwan sa bahay para maglinis, maglaba at magluto para pagdating niya wala na siyang gagawin since pinatuloy niya ako for free.

Pagdating niya, magpapahinga lang siya like watching TV or mag internet. Sometimes nakikita ko siya na nagstrum ng guitar and I saw the pain through her eyes. Ilang beses ko na din siyang nahuhuling umiiyak dahil sa kanyang sakit.

Isang araw, nakita ko siyang may takip sa ulo na akala mo bagong ligo. At first I just ignored it. Ayoko naman pakialaman ang mga private stuffs niya. Then gabi na, ganun pa rin ang ayos ng kanyang buhok so out of nowhere I asked her.

"Brand, hindi ka ba nahihirapan diyan sa ulo mo? Blower mo kaya para matuyo agad."tumawa siya at nagkibit balikat.

"I'll be fine. Maganda bang style ito?"

"Hahaha! Funny..."

"Hey... pikon." then pumasok sa kwarto kaya sumunod din ako. Matutulog na kami pero andun pa rin yung takip niya sa ulo at walang ano ano hinablot ko ito dahil nabwebwesit akong tingnan na matutulog na eh may patakip takip pa siya sa ulo knowing na kaming dalawa lang sa bahay. At hindi ako nakapagsalita sa nakita ko. Maging si Brandi hindi niya ako kayang tignan kaya napayuko na lang siya. "I'm no longer beautiful..." narinig kong sabi niya. I knew nagbibiro lang siya pero ako, sunod sunod na luha ang nagsipatakan mula sa mga mata ko. She's losing her hair. Yung long, smooth and silky hair of Brandi, now kaya mo nang bilangin sa mga kamay mo. Mabilis ko siyang hinatak palapit sa akin para sabihin sa kanyang she will never walk alone. Sasamahan ko siya sa paglaban sa kanyang sakit. Pareho kaming nag iyakan.

Until I Fall In Love Again book 2 (GxG) COMPLETEDWhere stories live. Discover now