Naka isang oras na kami sa byahe ng tumigil kasi may sasakay. Hindi ko nilingon kung sino man iyon kasi hindi ako palakaibigan na tao.

Ramdam ko na uupo siya sa kabilang upuan na nasa tabi ko. Kaya naman napatingin ako sa kanya.

Lalaki na kay tangkad at alam ko gwapo siya pero wala naman akong naramdamang pagkagusto. Kaya simpling tingin lang ang pinukol ko sa kanya. Ngumiti siya kaya naman ngumiti din ako ng maliit lang.

Hindi ako sanay na bumabati pero nakakahiya naman kung sungitan ko to eh hindi ko din naman gawain yun. Tinuro sa akin ng magulang ko na wag maging bastos at maging mabait sa kapwa. Palagi nila akong pinapangaralan ng mabuting asal na walang problemang sinusunod ko kasi alam ko para din sa akin yun, sa ikabubuti ko.

Hindi ko na agad pinansin ang lalaki at tumingin na lang sa harap. Ang ganda tingnan ng kalikasan lalo na't ang luntian ng paligid. Pero, hindi parin nakaligtas sa akin ang tingin ng lalaki na palagay ko nga hindi na kumukurap. Diretso ang tingin nito sa akin, pero baka mamaya wala lang naman yun kaya binaliwala ko na lang.

"What is your name miss?" Sabi nito pero hindi ko nilingon kasi baka iba naman ang kinakausap. Hindi sa hindi ko naiintindihan ang sinabi niya, dahil kahit paaano ay alam ko naman yun, kaya hindi ko siya nilingon, ayaw ko lang mapahiya.

"Sino kinakausap mo iho?" Sabi ng tiyahin ko na gising na pala.

"Yung nasa tabi niyo po." May pagkaslang na sagot nito kaya mahahalat talagang hindi siya taga dito at dayuhan.

Naramdaman ko naman ang pagkalabit ako ni tiyang at nginuso nito ang lalaki na kausapin ko daw. May panunukso akong nakikita sa mga mata niya pero hindi ko na lang pinansin.

"Ano po yun?" Magalang kong tanong sa lalaki. Alam kong halos mag kaedad lang kami pero ayaw ko nga maging bastos.

"Tinatanong ko kung ano ang pangalan mo?" Napakamot pa sa batok nitong tanong.

"Ah, Liana po pala." Sabi ko at yumuko. Ayaw ko lang salubungin ang titig niya, nakakailang eh.

"I'm Enrique." Nakangiti nitong sabi at nilahad ang kamay niya. Ngumiti naman ako at inabot yun.

Nagtanong-tanong pa siya ng kung ano-ano at sinagot ko naman ng maayos kasi pansin kong mabait naman siya. Parang mapagkakatiwalaam naman siya kaya pwede siya maging kaibigan.

Nag-uusap lang kami buong byahe. Halos kinwento niya lang lahat ng mga lugar na pinuntahan niya. Siya lang talaga nagsasalita at nakikinig lang ako. Minsan napapatawa din sa mga patawa niya.

Hindi ko na malayan ang oras hanggang sa tumigil ang bus na sinasakyan namin. Tanghali na pala at nasa kabilang bayan na kami. Pinapababa na ako ng tiyahin ko para mananghalian.

Sumabay naman sa amin si Enrique kumain kahit dito na talaga babaan niya. Gusto pa daw akong kasama kaya naman hinayaan ko na lang.

Maliit lang na karinderya ang nandoon pero marami ang kakain kaya hindi mag kandaugaga ang bantay sa pagbigay ng pagkain.

Nagpaalam na rin muna ako kanila na mag babanyo lang ako. Tumango naman silang dalawa kaya naman umalis na agad ako at pumunta sa tinuro ng tiyahin ko.

Sa likuran daw at lumiko ako pakanan. At sa pagliko ko, hindi ko inaasahang may mababangga ako. Ang lakas ng pagtama ko sa kanya na kinatumba ko pa talaga.

Mabuti na lang at hindi maputik ngayon kaya hindi ako nadumihan. Napahawak nga lang ako sa pang-upo ko kasi napaupo talaga ako sa lupa.

"Sorry. Sorry miss." Sabi ng malaanghel na boses na alam ko nanggaling sa nabangga ko din. Ang sarap pakinggan ng boses niyan. Kahit buong araw siyang magsalita hindi ako maiinis o mabobored.

Destined (gxg)-completeWhere stories live. Discover now