Chapter 1

4.5K 114 4
                                    

"Ang init naman at ready na ako para sa pagiging college" Mga sinabi ko habang nag aayos ako at binuksan ko ang aking payong dahil sumikat na ang araw.

"Ma ! aalis na po ako ha" sabi ko sa mama ko na kasalukuyang nagtitinda sa carienderya namin

"Oh anak ! mag dala ka ng baon mo dito" Sabay abot sa akin ng mama ko ang dalawang sandwich at lunchbox ko at yung budget ko

"mama naman ginagawa akong high school eh" sabi ko at inilagay ko ang mga pabaon sa akin ni mama para sa school

"alam kong P.G ka din anak kaya ibaon mo na yan" sabi sa akin ni mama

Natawa ako dun ah P.G daw, sabagay kasi grabe naman ako kumaen maloko talaga si mama eh haha hindi naman daw ako tabain kaya ok lang daw sa akin kumaen ng isang damukal araw araw. Si mama? Open naman kami sa isat isa kaso ang ayaw nya lang ay ung magboboyfriend ako habang bata pa.

Iniisip nyo ba kung bakit hindi kami mayaman kahit nakapangasawa ng foreigner ung mama ko? Kasi ang kwento ni mama sa akin, Minamaltrato daw sya ng papa ko habang ipinagbubuntis nya ako kaya yun, iniwan sya ni mama.

Naglalakad na ako papuntang sakayan sa palengke at maaga din ako para hindi malate

"Ineng palimos po, Hindi pa ako kumakaen kagabi pa, palimos" sabi ni lola na nakahawak sa tiyan nya at halatang gutom din

Naisipan ko na dalawa nga pla yung pinabaon na sandwich ni mama kaya pwede ko ibigay yng isa sa matanda.

Dinukot ko na sa bag ko yung sandwich at ibinigay ito kay lola mahahalata mo sa mukha ni lola ang galak na makakain ng pagkain

"lola aalis na po ako ha malalate pa ako" sabi ko at tanging ngiti lang ang naibigay ni lola dahil sa paglasap ng kanyang pagkain

Sumakay na ako ng jeep at 6:00 a.m na nun eh ang class ko is 8:00 a.m mas okay na maaga kasi nabalitaan ko sa Monumento Station sa LRT ay may crowd control daw

Almost 5 minutes lang ang byahe sa jeep at nagsimula na ako maglakad papunta sa station

Sh*t ! hala ka ang haba na ng pila 6:10 pa lang o, pero no choice ako at kailangan kong pumila at sabi eh kapag pipila ka 14 minutes daw ang itatagal at aun nga 14 minutes nga ako nakatayo at nagpupunas ng pawis.

Buti na lang ay madali akong makapasok dahil sa "Stored Value" na tintawag ito ung card na pwede sa pang apat na araw 100 php lang (nag endorse?) kaya hindi ko na din kailangan pang sumingit sa pagbili

Nakapasok na nga ako at isa ako sa unang nakapila sa flatform hindi ko pa kabisado ung tapatan ng pinto ng trains eh kaya hindi ko pa alam basta ang alam ko napila ako , mabilis ding napuno ang platform at lahat kami ay naghihintay na lang sa train

At hanggang sa may dumating na train ito raw ung tinatawag nilang "Skip Train" at sakto natapat ito sa akin HAHAHA, nagbukas ang pinto at mabilis din akong nakaupo agad

Alam nyo ba ung larong "Zombie Tsunami"? alam mo ung mga tao kapag nag uunahan sila parang ganun ung kinakalabasan nila at ewan ko kung bakit nag aagawan sila sa upuan

"Anu ba ! T*n@ i*# naman oh ang sikip na nga nagtutulakan pa kayo" sabi ng isang babae dahil nga sa patuloy na nagpapasukan ang mga tao para makasakay

Nagtagal din ng 10 minutes ang papasakay dahil din sa dami ng tao

At nagsara na ang pinto at nagsimulang umandar

"Anu ba miss pwede bang wag mong gawing kama ang likod ko ang laki mo para sandalan ako" sabi ng isang babae na bandang gitna at naririnig din ang daing nya ng lahat

My Royal Boy (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon